Bisita ni San Isidro Labrador - Dulong Malabon

Bisita ni San Isidro Labrador - Dulong Malabon Ang opisyal na page ng Bisita ni San Isidro Labrador sa pangangasiwa ng Sangguniang Pastoral ng Dulong Malabon

Inaanyayahan po ang lahat ng mga deboto at mananampalataya na makiisa sa Banal na Misa para sa Pakapistahan ni San Isidr...
14/05/2026

Inaanyayahan po ang lahat ng mga deboto at mananampalataya na makiisa sa Banal na Misa para sa Pakapistahan ni San Isidro Labrador ngayong ika-15 ng Mayo 2026, ganap na ika-7:00 ng umaga sa Bisita ni San Isidro Labrador, Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan.

Sama-sama po nating parangalan si San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka, at magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap araw-araw.

Ang inyong presensya at pakikiisa ay magiging malaking biyaya sa ating pamayanan.

Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal sa pamamagitan ni San Isidro Labrador.

11/05/2026
Ang lahat po ay malugod naming inaanyayahan sa Banal na Misa para sa pagdiriwang ng Flores de Maria ngayong Mayo 10, 202...
10/05/2026

Ang lahat po ay malugod naming inaanyayahan sa Banal na Misa para sa pagdiriwang ng Flores de Maria ngayong Mayo 10, 2026 | 5:00 PM sa Bisita ni San Isidro Labrador sa Barangay Dulong Malabon.

Makiisa po tayo sa sama-samang pananalangin, pag-aalay ng bulaklak, at pasasalamat sa Panginoon sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria at ni San Isidro Labrador.

🙏 Inaasahan po ang inyong pakikiisa at presensya.






Mas pinagpala ang ikalawang araw ng  Simba-Aralan sa Bisita ni San Isidro Labrador – Dulong MalabonSa paglalim ng pagnin...
05/05/2026

Mas pinagpala ang ikalawang araw ng Simba-Aralan sa Bisita ni San Isidro Labrador – Dulong Malabon

Sa paglalim ng pagninilay sa Ama Namin, ang dasal ay hindi lamang bigkas kundi isang diskursong banal—isang ugnayang intelektuwal at espiritwal sa pagitan ng tao at Maykapal. Bawat taludtod ay nagiging larangan ng pag-unawa: ang pagpapabanal ng ngalan, ang pag-iral ng kaharian, at ang mapagkumbabang pagsuko sa banal na kalooban.

Sa ganitong pag-aaral, ang pananampalataya ay hinuhubog hindi lamang sa damdamin kundi sa kamalayan—isang praxis ng pananalig na isinasabuhay sa gitna ng araw-araw na pakikibaka.

Nawa’y ang Ama Namin ay magsilbing balangkas ng ating pagkatao—mapanuri, mapagkumbaba, at ganap na nakatuon sa paglilingkod. 🙏

Isang mapagpalang unang araw ng Simba-Aralan sa Bisita ni San Isidro Labrador! Sa pagtitipon ng mga bata at kabataan, mu...
05/05/2026

Isang mapagpalang unang araw ng Simba-Aralan sa Bisita ni San Isidro Labrador!

Sa pagtitipon ng mga bata at kabataan, muling pinatunayan na ang simbahan ay hindi lamang tahanan ng panalangin, kundi pati ng pagkatuto, pag-asa, at pagkakaisa. Sa bawat aral na ating tinatanggap, nawa’y mas mapalalim pa ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.

“Turuan ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at hanggang sa pagtanda ay hindi niya ito malilimutan.” (Kawikaan 22:6)

Patuloy nating hubugin ang isipan at puso ng bawat kabataan upang maging ilaw at asin ng sanlibutan. Sama-sama tayong maglakbay sa pananampalataya!

PABATID: Maaari na pong kunin ang inyong PhilHealth ID at mga resulta ng laboratoryo. Mangyaring makipag ugnayan lamang ...
06/07/2025

PABATID: Maaari na pong kunin ang inyong PhilHealth ID at mga resulta ng laboratoryo. Mangyaring makipag ugnayan lamang sa miyembro ng Sangguniang Pastoral ng ating bisita.

Inaanyayahan din po ang lahat na dumalo sa Banal na Misa ngayong linggo, sa ganap na ika-5 ng hapon sa ating mahal na Bisita ni San Isidro Labrador. Magsama-sama po tayo sa panalangin at pasasalamat.


09/05/2025

Habemus Papam!

Buong galak na inihahayag ng Banal na Simbahang Katolika ang pagkahirang sa ika-267 na Santo Papa—Papa LeoN XIV. Sa mahalagang sandaling ito sa kasaysayan ng ating pananampalataya, ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador ay taos-pusong nakikiisa sa buong Sambayanang Katoliko sa pananalangin at pasasalamat.

Ipinagdarasal natin si Papa LeoN XIV na patuloy siyang pagkaloban ng Banal na Espiritu ng karunungan, katatagan, kababaang-loob, at pusong mapaglingkod upang buong pagmamahal niyang pamunuan ang Simbahan sa gitna ng mga hamon at pag-asa ng makabagong mundo.

Nawa’y sa kanyang pamumuno, lalo pang mapalalim ang ating pananampalataya, mapatatag ang ating pagkakaisa bilang isang Simbahan, at mapalaganap ang liwanag ng Ebanghelyo sa lahat ng dako ng daigdig.

Viva il Papa! Mabuhay ang Santo Papa!

09/05/2025

𝕳𝐀𝐁𝐄𝐌𝐔𝐒 𝕻𝐀𝐏𝐀𝐌!

Pagbati at panalangin para kay Robert F. Cardinal Prevost ang nahirang bilang ika-266 Kahalili ni San Pedro at Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Makikilala siya bilang si Papa Leo XIV.

Magdiwang, Magbunyi! Magpasalamat sa Diyos!

=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

15/04/2025

Ang sambayanan ng Diyos sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador ay malugod na bumabati sa ating mga kaparian, Rdo. Mons. Dario V. Cabral at Rdo. P. Peter Collin Crisostomo sa kanilang muling pagsariwa sa pangako ng pagkapari ngayong ika-25 ng Abril, 2025 sa Pagdiriwang ng Misa ng Krisma sa Katedral at Basilika Minore ng Inmaculada Concepcion, Malolos, Bulacan.

Kami ay nakikiisa sa inyong pasasalamat at panalangin sa patuloy ninyong paglilingkod sa Panginoon at sa Kanyang Simbahan. Nawa’y lalo pang pag-alabin ng Espiritu Santo ang inyong bokasyon at misyon bilang mga pastol ng Diyos.

TU ES SACERDOS IN AETERNUM!

Address

Dulong Malabon, Pulilan
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ni San Isidro Labrador - Dulong Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share