28/07/2026
๐ฉ๐ฌ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ | ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ: "๐๐ข๐ง๐ฆ๐จ๐ถ๐ข๐ณ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ: ๐๐ฐ๐ค๐ถ๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฏ ๐๐, ๐๐ช๐จ๐ช๐ต๐ข๐ญ ๐๐ญ๐ข๐ต๐ง๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ด, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ค๐ค๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ต๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด."
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Mga kuhang larawan mula sa Vicarial Youth Day (VYD) Part 2 na ginanap noong Hulyo 25, 2026 sa St. Martin of Tours Parish and Diocesan Shrine of Mahal na P**n ng Krus sa Wawa.
Dinaluhan ito ng mga kasapi ng Parish Youth Coordinating Council (PYCC) at mga susunod na kabataang lider mula sa iba't ibang parokya sa loob ng Bikarya ni San Martin ng Tours โ Bocaue. Sa pamamagitan ng seminar na ito, mas pinalalim ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa safeguarding, responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at mga digital platform, gayundin ang kahalagahan ng pananagutan sa kanilang paglilingkod at pamumuno.
Higit pa sa isang seminar, ito ay naging pagkakataon upang magbahagi ng kaalaman, magpalitan ng mga pananaw, at pagtibayin ang sama-samang hangarin ng mga kabataang lider na maging ligtas, responsable, at tapat sa kanilang misyonโhindi lamang sa loob ng Simbahan, kundi maging sa patuloy na umuunlad na digital na mundo. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na gamitin ang teknolohiya bilang kasangkapan sa kabutihan, katotohanan, at paglilingkod.
Hindi pa rito nagtatapos ang ating paglalakbay! Mas marami pang makabuluhang gawain, mas maraming pagkakataong matuto, at mas maraming kwento ng pananampalataya at paglilingkod ang ating pagsasaluhan.
๐๐ช๐ค๐ข๐ณ๐ช๐ข๐ญ ๐ ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ ๐๐ข๐บ ๐๐ข๐ณ๐ต ๐น ๐ช๐ด ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ...
๐๐ต๐ข๐บ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ฆ๐ฅ, ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฌ๐ข๐ณ๐บ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฏ ๐๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ถ๐ณ๐ด! ๐งก๐งก