03/08/2026
Bismillahirrahmanirrahim
""In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful""
Katotohanan na ang pag-kakapatiran sa pananampalataya ay isa sa malaking bahagi ng Islam, nasasanay ang isang Muslim sa pakikisalamuha sa kanyang kapatid na muslim, nasasanay din ang isang muslim ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan nang pag-kakapatiran na ito. Isinasagawa ng isang muslim ang pag-kakapatiran hindi dahil siya ay may kailangan sa kanyang kapwa muslim bagkus isinasagawa niya ito alang-alang lamang sa Allah(Subhanahu wa ta'ala) ng dahil dito ay nagiging matibay ang pamayanan ng mga Muslim na naayon sa batas ng Islam. Na sinusuportahan nila ang bawat isa na parang isang matibay na gusali.
Sinabi ni Propeta Muhammad(Peace Be Upon Him) :
الْمُؤْمِنُ لِلْمُؤْمِنِ كَالْبُنْيَانِ يَشُدُّ بَعْضُهُ بَعْضًا
"Ang mga mananampalatayang muslim ay parang gusali na sinusuportahan nila ang bawat isa"
'
Balik Islam