All for Christs' Glory Fellowship Inc. - Pandi Chapter

All for Christs' Glory Fellowship Inc. - Pandi Chapter ALL FOR CHRIST GLORY FELLOWSHIP INC. Pandi Chapter is an affiliate church of ACGFI Marikina. A Full Gospel Christian Church headed by Pastor Ed Saldivar Church

30/12/2024

Happy New Year Everyone 🤗
Declaring Victorous life in the year 2025
through our Lord Jesus Christ 💓

Glory to God!Happy Lord's day!May you find little hour to worship God every Sunday/Sabbath's day.He's not little! Rememb...
30/07/2023

Glory to God!
Happy Lord's day!
May you find little hour to worship God every Sunday/Sabbath's day.
He's not little! Remember He's holding ur breath right now 😊

23/08/2022

Amen🙏

28/07/2022
30/08/2021

Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
Agosto 31, 2021
Pamagat: Pinalaya

Pinalaya tayo ni Cristo sa ilalim ng Kautusan. - Galacia 5:1

Basahin: Galacia 5:1, 4-14 (Ang Salita ng Dios)

1 Pinalaya tayo ni Cristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya nʼyo at huwag na kayong magpaaliping muli.

4 Kayong mga nagsisikap na ituring na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng Kautusan ay nahiwalay na kay Cristo. Nahiwalay na kayo sa biyaya ng Dios.
5 Ngunit umaasa kami at nananalig na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya namin, ituturing kaming matuwid ng Dios.
6 Sapagkat sa mga nakay Cristo, walang halaga ang pagiging tuli o hindi. Ang tanging mahalaga ay ang pananampalatayang nakikita sa pamamagitan ng pagmamahalan.
7 Mabuti noon ang mga ginagawa ninyo. Sino ang pumigil sa inyo sa pagsunod sa katotohanan?
8 Hindi maaaring ang Dios ang pumigil sa inyo dahil siya ang tumawag sa inyo sa pananampalataya.
9 Isipin nʼyo sana na ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina.
10 Umaasa ako sa Panginoon na hindi kayo magpapadala sa ibang pananaw. Parurusahan ng Dios ang mga nanggugulo sa inyo maging sino man sila.
11 May mga nagsasabing itinuturo ko raw na kailangan ang pagtutuli para maging katanggap-tanggap sa Dios. Kung totoo iyan, mga kapatid, bakit inuusig pa rin ako hanggang ngayon? At kung iyan nga ang itinuturo ko, walang kabuluhan ang mensahe tungkol sa kamatayan ni Cristo sa krus, ang mensaheng hindi matanggap ng iba.
12 At sa mga nanggugulo naman sa inyo, hindi lang sana sila magpatuli kundi magpakapon na rin.
13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.
14 Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Binigyan kami ng aking kaklase ng isang magandang uri ng a*o. Pero nalaman namin na ang a*ong ito ay palagi lamang nakakulong sa kanyang kulungan noon. Kaya naman, paikot-ikot lamang ito sa paglalakad at hindi rin makatakbo sa malayo. Kahit na nasa maluwang itong bakuran, hindi pa rin ito malayang tumatakbo dahil akala ng a*o ay nakakulong pa rin ito.

Ang mga Judio naman na unang sumasampalataya noon kay Jesus ay tila nakagapos din sa pagsunod sa kautusan ni Moses. Mabuti ang kautusan at ibinigay talaga ito ng Dios para malaman ng tao na makasalanan sila at para sumampalataya sila kay Jesus (GALACIA 3:19-25). Gayon pa man, kailangan na nila ngayong ipamuhay ang kanilang pananampalataya na nakabatay na sa kagandahang-loob ng Dios at kalayaan na ipinagkaloob ni Cristo. Kahit wala na sila sa ilalim ng kautusan, nag-aalinlangan sila kung tunay ba silang malaya.

Maaaring nakakaranas din tayo ng ganitong problema. Maaaring kabilang tayo sa isang simbahan na may mahihigpit na batas na dapat nating sundin. Pero alalahanin natin na pinalaya na tayo ni Cristo sa ilalim ng kautusan (GAL. 5:1). Pinalaya tayo ni Jesus upang tanggapin at sumunod sa Kanyang mga utos bilang taos-pusong pagpapakita ng ating pagmamahal sa Kanya (JUAN 14:21).

Nais din in Jesus na “magmahalan tayo at magtulungan” (GALACIA 5:13). Magkakaroon ng lubos na kagalakan at pag-ibig ang isang taong naunawaan ang sinabing itong sa Biblia, “Kung ang Anak ng Dios ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo” (JUAN 8:36).

-Mike Wittmer

Panginoon, tulungan N’yo po akong magtiwala sa Inyong sinabi na ako po ay pinalaya N’yo na.

Our Daily Bread PilipinasPagkaing Espirituwal Ngayong Huwebes.Agosto 19, 2021Pamagat: Bagong TahananWalang anumang isinu...
18/08/2021

Our Daily Bread Pilipinas
Pagkaing Espirituwal Ngayong Huwebes.
Agosto 19, 2021
Pamagat: Bagong Tahanan

Walang anumang isinumpa ng Dios na makikita roon. Naroon ang trono ng Dios at ng Tupa, at sasambahin Siya ng mga lingkod Niya. -Pahayag 22:3

Basahin: Pahayag 22:1-5 (Ang Salita ng Dios)

1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito ay kasinglinaw ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Dios at ng Tupa,
2 at umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Namumunga ito ng 12 beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dahon nito ay ginagamit sa pagpapagaling sa mga bansa.
3 Walang anumang isinumpa ng Dios na makikita roon. Naroon ang trono ng Dios at ng Tupa, at sasambahin siya ng mga lingkod niya.
4 Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan.
5 Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Dios ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Si Annie Moore ang kauna-unahang taga Ireland na dumaan sa Ellis Island upang makarating sa bansang Amerika. Lubos ang kanyang saya at pananabik na manirahan sa bagong lugar na iyon. Napakahirap ng buhay niya sa kanilang bansa kaya naisip niyang mangibangbansa upang magsimula ng bagong buhay. Punong-puno siya ng pangarap at pag-asa sa pagsisimula niya ng panibagong buhay sa isang lugar na magbibigay sa kanya ng maraming oportunidad.

Ganoong saya at pananabik rin naman kaya ang mararanasan nating mga nagtitiwala kay Jesus kapag nakita na natin “ang bagong langit at ang bagong lupa” (PAHAYAG 21:2)? Ang lugar na ito ay tinatawag sa Biblia na “Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem” (TAL. 2). Napakaganda ng pagkakalarawan dito ni Apostol Juan. Sa lugar na iyon ay mayroong “ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito ay kasinglinaw ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Dios at ng Tupa” (22:1). Tumutukoy ang tubig sa buhay at kasaganaan at magmumula ito mismo sa ating Dios. Sinabi rin ni Juan na “walang anumang isinumpa ng Dios na makikita roon” (T. 3). Manunumbalik din ang dating magandang pagsasama at relasyon ng Dios sa mga tao.

Nakamamanghang isipin ang pagmamahal sa atin ng Dios sa pamamagitan ng pagsugo ng Kanyang Anak na si Jesus upang tayo’y iligtas.

Bukod pa rito, may inilaan pa ang Dios na bagong tahanan sa langit kung saan makakasama natin Siya magpakailanman.

-Estera Pirosca Escobar

Panginoon, maraming salamat po sa Inyong pagmamahal. Isang kagalakan po na makapiling po namin Kayo sa langit sa tahanang Inyong inihanda.

18/08/2021
18/08/2021

"Anak, ang grace ng Diyos ay dapat maging inspirasyon mo para mas lalong magsumikap ka na makasunod sa kalooban Niya, HINDI dapat ito gamitin para mamuhay sa mga gusto mo lang dahil lang alam mong mahal ka Niya at papatawarin ka din Niya. Alam Niyang hindi ka perpekto, pero sikapin mo pa rin gawin ang the BEST na paglilingkod na makakaya mo."

"Through Him we have received grace and apostleship for obedience to the faith among all nations for His name." - Romans 1:5



Follow us on Instagram👇
https://instagram.com/usapangdiscipleship?igshid=1tlfemrpahasi

Our Daily Bread PilipinasPagkaing Espirituwal Ngayong Miyerkules.Agosto 18, 2021Pamagat: Napapagod Ka Na Ba?May anghel n...
17/08/2021

Our Daily Bread Pilipinas
Pagkaing Espirituwal Ngayong Miyerkules.
Agosto 18, 2021
Pamagat: Napapagod Ka Na Ba?

May anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, “Bumangon ka at kumain.” -1 Hari 19:5

Basahin: 1 Hari 19:1-9 (Ang Salita ng Dios)

1 Ngayon, sinabi ni Ahab sa asawa niyang si Jezebel ang lahat ng ginawa ni Elias, at kung paano nito pinagpapatay ang lahat ng propeta ni Baal.
2 Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahe para kay Elias na nagsasabi, “Lubusan sana akong parusahan ng mga dios kung sa ganitong oras bukas ay hindi pa kita napapatay, tulad ng ginawa mo sa mga propeta.”
3 Natakot si Elias, kaya tumakas siya papunta sa Beersheba na sakop ng Juda, at iniwan niya roon ang utusan niya.
4 Pagkatapos, naglakad siya ng isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, “Sobra na po ito Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay ko, wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno.”
5 Pagkatapos, humiga siya sa ilalim ng punongkahoy, at nakatulog. Biglang may anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, “Bumangon ka at kumain.”
6 Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli.
7 Muling bumalik ang anghel ng Panginoon, kinalabit si Elias at sinabi, “Bumangon ka at kumain, dahil malayo pa ang iyong lalakbayin.”
8 Kaya bumangon si Elias, kumain, at uminom. Pinalakas siya ng kanyang kinain, at naglakbay siya sa loob ng 40 araw at 40 gabi, hanggang makarating siya sa Horeb,[a] ang bundok ng Dios.
9 Puma*ok siya sa isang kweba at doon natulog kinagabihan.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Sinabi ni Zack Eswine sa kanyang libro na silang mga pastor ay lubhang napapagod sa bigat ng mga problemang pasan nila. Hindi man tayo ang mismong tinutukoy ni Zack, nakakaranas din tayo ng pisikal, mental at espirituwal na pagkapagod. Dahil ito sa mga problema at sa dami ng mga responsibilidad. Minsan nga ay gusto na lang natin itong tulugan.

Mababasa naman natin sa 1 Hari 19 ng Biblia ang tungkol kay Propeta Elias na nakaranas din ng matinding pagsubok. Nais siyang ipapatay ni Reyna Jezebel (TAL. 1-2) dahil sa pagpatay niya sa mga propeta ng dios-diosang si Baal (TINGNAN ANG 18:16-40). Natakot si Elias kaya tumakas siya at idinalangin niya sa Dios na mamatay na lang sana siya (19:3-4).

Humiga at nakatulog si Propeta Elias dahil sa lubhang pagkabalisa. Kinalabit siya ng isang anghel at sinabi na “bumangon [siya] at kumain” (TAL. 5, 7). Pinalakas siya ng pagkaing ipinagkaloob ng Dios at “naglakbay siya sa loob ng 40 araw at 40 gabi” hanggang sa makarating siya sa isang kuweba (T. 8-9). Kinausap siya doon ng Dios at pinalakas ang kanyang loob. Dahil doon, naging handa muli si Elias na ipagpatuloy ang ipinapagawa sa kanya ng Dios (TAL. 9-18).

Maraming paraan ang maaaring gamitin ng Dios upang palakasin ang ating loob. Maaaring sa pamamagitan ito ng ibang tao, isang awitin, pananalangin o pagbabasa ng Biblia.

Napapagod ka na ba dahil sa bigat ng iyong problema? Ipagkatiwala mo sa Dios ang mga ito. Papasanin Niya ang mga ito para sa iyo.

-Julie Schwab

Panginoon, salamat po sa kapahingahang ipinagkakaloob N’yo po sa akin sa tuwing lumalapit po ako sa Inyo sa panahon ng mga pagsubok.

Ptra Berta You are a Faithful Servant..God will welcome you now in heaven..Condolence to Saldivar Family..Ptra Berta We ...
14/08/2021

Ptra Berta You are a Faithful Servant..
God will welcome you now in heaven..
Condolence to Saldivar Family..
Ptra Berta We will Miss you 😭😭😭

-Sis Joyce

Address

Real De Cacarong , Pandi
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All for Christs' Glory Fellowship Inc. - Pandi Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share