11/02/2026
Makibahagi sa isang makulay at makabuluhang pagdiriwang!
Ipakita ang galing at sabay-sabay na maki-indak sa
Indakan sa Kalye: Pasasalamat kay San Ildefonso de Toledo
Isang handog na sayaw, talento, at pananampalataya.
MGA ALITUNTUNIN AT PANUNTUNAN
“Indakan sa Kalye: Pasasalamat kay San Ildefonso de Toledo”
Barangay Tabang, Lungsod ng Guiguinto, Bulacan
Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang at pasasalamat kay San Ildefonso de Toledo, itinatakda ang mga sumusunod na alituntunin upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagsasagawa ng patimpalak:
1. Mga Kalahok
1.1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng lehitimong grupo mula sa Guiguinto at iba pang bahagi ng Bulacan.
1.2. Inaasahan ang disiplina, pagkakaisa, at paggalang sa kapwa kalahok, hurado, at mga organizer.
2. Bilang ng mga Mananayaw
2.1. Ang bawat grupo ay dapat may hindi bababa sa labinlimang (15) mananayaw. hindi kasama ang propsman /propswoman and main character
2.2. Ang grupong kulang sa bilang ay papatawan ng bawas na isang (1) puntos bawat hurado.
3. Musika at Sound System
3.1. Kinakailangang magdala ng sariling sound system para sa indakan sa kalye.
3.2. Ang opisyal na musika para sa street dance ay ang San Ildefonso Hymn na ibibigay ng organizer.
3.3. Para sa showdown, maaaring gumamit ng sariling musika ngunit dapat may kaugnayan kay San Ildefonso.
4. Tema at Presentasyon
4.1. Ang konsepto at koreograpiya ay dapat nagpapakita ng pagbibigay-pugay at pasasalamat kay San Ildefonso de Toledo.
4.2. Ang pagtatanghal ay dapat magpakita ng pagkamalikhain, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kultura at pananampalataya.
4.3. Showdown: minimum na 6 minuto at maximum na 7 minuto, hindi kasama ang entrance at exit.
4.4. Mini-Showdown: maximum na 2 minuto.
5. Kaayusan at Disiplina
5.1. Lahat ng kalahok ay dapat sumunod sa mga patakaran at tagubilin ng mga organizer.
5.2. Anumang kilos na magdudulot ng kaguluhan o panganib ay maaaring maging batayan ng diskwalipikasyon.
6. Pamantayan sa Paghatol
Ang paghusga ay ibabatay sa:
• Kabuuang Presentasyon
• Pagkamalikhain at Konsepto
• Koordinasyon at Pagkakaisa ng Galaw
• Pagsunod sa Tema
Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at may ganap na bisa.
7. Mga Premyo
• Unang Gantimpala: ₱20,000
• Ikalawang Gantimpala: ₱10,000
• Ikatlong Gantimpala: ₱5,000
8. Kaligtasan at Kaayusan
8.1. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa pagpapanatili ng kaligtasan, kalinisan, at kaayusan.
8.2. Ang Barangay Tabang at mga organizer ay hindi mananagot sa anumang pagkawala o aksidenteng dulot ng kapabayaan ng kalahok.
Participation Fill-up Form:
https://forms.gle/W3kHXFdSdzQ6zEtf6
Para sa mga katanungan tungkol sa nasabing patimpalak ay mangyaring makipagugnayan kay Konsi Adrian “Kylie” Casipi o tumawag sa kanyang numero (0997-625-7821)