22/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ญ๐๐๐๐๐ ๐
๐ ๐ด๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ป
๐๐๐ ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐
๐ผ๏ธ: ๐บ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ต๐๐๐๐, ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐
Nitong ika-16 ng Mayo, muling nabuhay ang diwa ng pananampalataya sa Mahal na Birheng Maria sa ginanap na Sagala ng mga Dalaga sa Calawitan, San Ildefonso, Bulacan. Tampok sa sagalang ito ang mga anghel, Constantino, Ave Maria, at ang apat na reyna; Reyna del Santisimo Rosario, Reyna de las Flores, Reyna Emperatriz, at Reyna Elena suot ang kanilang magaganda at makukulay na kasuotan.
Sa gabing ito, tila muling nabuksan ang isang makulay na yugto ng ating nakaraan kung saan nangingibabaw ang pananampalataya at tradisyon. Ang paggunita sa ganitong mga gawain ay siya ring pagpasa ng ating nakasanayang mga tradisyon sa bagong henerasyon upang manatiling buhay ang kulturang Pilipino at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Hindi maisasakatuparan ang matagumpay at makabuluhang pagdaraos ng naturang sagala kung wala ang suporta at pakikiisa ng bawat isa. Kaya naman, taos-pusong nagpapasalamat ang Saint Joseph Hasik ng Kabataan sa lahat, maging sa buong Barangay Calawitan. Higit din pong pasasalamat sa Saint Joseph Samahan ng Katandaan sa pagiging katuwang upang maging matagumpay ang pagdiriwang.
Patuloy nating buhayin at pahalagahan ang ating pananampalataya sa Mahal na Birheng Maria. ๐ธ
๐จ : Obra ni Sevie EventsStyling
๐ท : Axl Torres
(1/2)