27/07/2023
PAGBATI SA MGA NAGTAPOS!!🎓
Ang mga kasapi ng Legion of Mary • SPCY Lucky 14 at ng ating Sub-Parish ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ay bumabati sa ating mga kabataan nagtapos taong-pampaaralan 2022-2023.
Sa kabila ng maraming gawain sa paaralan ay hindi kayo nakakalimot na maglingkod sa ating bisita. Sa tulong ninyo, nawa'y makahikayat pa tayo ng mga kabataan na mapalapit ang kanilang kalooban sa ating Panginoon at sa ating Mahal na Ina. Hiling namin na ang inyong mga kahilingan at buong pagsusumikap sa pag-aaral ay maisakatuparan ng ating Poong Maykapal sa langit.
Muli, pagbati sa inyong matagumpay na pagtatapos. Ipinagmamalaki namin kayo, PALAGI!