Saint Joseph Youth Committee Official

Saint Joseph Youth Committee Official Hermanidad 2021 - 2022 | This is the one and only official page of Saint Joseph Youth Committee. Ang SJYC ay nag simula taong 1949.

Ito ay kinabibilangan ng mga kabataang babae at lalaki mula sa barangay ng Cambaog.

27/09/2022

Opisyal na Logo at Tema para Traslacion 2023.

10/07/2021

Magandang Araw po!

Ipinababatid ng Saint Joseph Youth Committee Official na magtatagal na lamang ang pahinang ito hanggang sa Linggo, ika-11 ng Hulyo 2021.

Napagkasunduan na magkaroon na lamang ng isang opisyal na pahina para sa SJYC upang hindi makabuo ng kalituhan sa mga kabataan at mananampalataya ni San Jose.

Bilang tugon, inaanyayahan namin kayo na i-like at i-follow ang Cambaog Saint. Joseph Youth Committee upang sundan ang mga anunsyo at programang isasagawa ng Lupon ng Kabataan ni San Jose.

Maging isa tayo sa pagtugon, magkaroon ng iisang hangarin at pagtibayin ang pananampalataya. Maraming Salamat po.

Ito ang link ng magiging opisyal na pahina.
https://www.facebook.com/OfficialStjosephYouthCommittee/

Catholic Church

26/06/2021
20/05/2021

Sa sama-samang pananampalataya at pagkakaisa ay ipinagkaloob sa bisita ni San Jose ang biyayang makiisa sa ika-500 taon ng Kristiyanismo.

Sa likod ng samu't saring pagsubok na kinahaharap, ay matagumpay na nairaos ang programang magpapaalala at magpapatibay ng ating pagka-kristiyano.

Sa pangunguna ng mga mananampalataya ni San Jose, Ministry of Altar Servers, Angels of the Altar, Saint Joseph Youth Committee, at Fiesta Committee ay malugod naming inihahandog sa inyo ang pagtatanghal sabay sa tugtugin ng "Awit ng Misyon" alay sa ating Poong Maykapal.

Pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga walang sawang tumugon at sumuporta upang maisakatuparan ito.

Patuloy nating payabungin ang ating pananampalataya. Pagbuklurin nawa tayo at punuin ng pagmamahal at biyaya.




19/05/2021

Ngayong ika-19 ng Mayo ay muling pinarangalan ang Mahal na Patrong San Jose. Kaalinsabay nito ang isinagawang motorcade upang ilibot ang Mahal na Patron sa buong baranggay ng Cambaog.

Ipinararating namin ang taos pusong pasasalamat sa mga dumalo sa banal na misa at nakiisa sa ginawang motorcade. Magsama-samang muli tayo sa mga darating pang panahon. Manalig at manampalataya!




Send a message to learn more

17/05/2021

Ang lupon ng kabataan ni San Jose ay nakiisa at sumuporta sa pagbubukas ng Pintuan ng Jubileo at pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo noong nakaraang Sabado at Linggo sa Parokya ng Sto. Niño.

Layon nito na pag-isahin ang mga kabataang tagapaglingkod, magkaroon ng iisang hangarin at payabungin ang pananalig ng bawat kabataang bustosenyo.

Sa ngalan ng SJYC ay ipinaabot namin ang lubos na pasasalamat sa PCY Bustos at Sto. Niño Parish, Bustos, Bulacan sa mainit ninyong pagtanggap.

Nawa ay makasama namin kayong muli. Pagbati at maraming salamat po!

17/05/2021

Pabatid!

Sa darating na ika-19 ng Mayo, araw ng Miyerkules, sa ganap na ikaapat ng hapon, ay magkakaroon tayo ng Banal na Misa sa ating bahay dalanginan upang bigyan ng parangal ang ating minamahal na Patrong si San Jose.

Ugaliin po nating magsuot ng facemask at sundin ang health protocol. Mangyaring dalhin ang QR card upang higit na maging madali ang pagpasok sa bisita. Kung wala pa nito ay isulat na lamang sa kapirasong papel ang mga sumusunod na impromasyon:
Pangalan:
Edad:
Birthday:
Address:
Contact Number:

Patuloy tayong humingi ng tulong panalangin kay San Jose upang tuluyan nang mapuksa ang pandemya. Maraming Salamat po!

17/05/2021

Magandang Araw po!

Upang punan ang agam-agam at maging malinaw sa ating mga mananampalataya ni San Jose ang lahat nang pumasok at pinaglaanan ng pondo sa nakaraang Flores de Maria 2021, ay hayaan po ninyong ilabas ang listahang ito.

Sa likod ng kinahaharap na pandemya ng bansa, ay hindi naging madali ang pinagdaanan ng pamunuan upang mapagtagumpayan ang nasabing programa. Ngunit sa tulong ng ating Mahal na Poong si San Jose at ang Mahal na Birheng Maria ay tinugunan niya ang hiling at pinagkalooban tayo ng ibayong biyaya na siyang naging susi upang maging maayos ang lahat.

Higit sa lahat, sa ngalan ng Fiesta Committee at kabataang lingkod ni San Jose, ay patuloy na ipinaabot ang lubos na pasasalamat sa mga naghandog at walang sawang sumuporta.

Maraming Salamat po, kasiyahan nawa tayo ng Poong Maykapal.

14/05/2021

Magandang Hapon po!

Sa ngalan ng Fiesta Committee at lupon ng kabataan ni San Jose ay patuloy naming tinatanaw na malaking utang na loob ang bukas palad ninyong pagtulong at pagtugon sa katatapos lang na Flores de Maria 2021.

Hindi magiging matagumpay ang nasabing programa kung hindi dahil sa inyo. Patuloy nawa tayong biyayaan ng ating Mahal na Ina saan man tayo magtungo. Gabayan nawa tayo ng ating Mahal na Patrong si San Jose.

Muli, maraming salamat po.

11/05/2021

Magandang araw po!

Ang Saint Joseph Youth Committee katuwang ang Fiesta Committee ay ipinaaabot ang taos pusong pasasalamat sa nagkaloob ng magandang kasuotan sa ating Mahal na Patron San Jose at kay Richard Vergara Cruz para sa kasuotan ng ating Mahal na Birheng Maria.

Nawa po ay patuloy tayong gabayan at patnubayan ng ating Mahal na Patron at ng ating Mahal na Ina.

10/05/2021

Pagbati!

Lubos ang pasasalamat ng lupon ng kabataan at katandaan ng bisita ni San Jose matapos matagumpay na mairaos ang Flores de Maria 2021.

Hindi magiging matagumpay ang nasabing programa kung hindi dahil sa inyo, lalong higit sa mga walang sawang sumuporta, nagbukas palad at buong pusong naghandog ng tulong.

Patunay ito na nariyan ang Mahal na Birheng Maria maging sa gitna ng pandemya. Patuloy nawa tayong maging biyaya sa iba at damhin ang mapagkalingang pagmamahal ng ating Mahal na Ina.

Muli, maraming salamat po. Kasiyahan nawa kayo ng Poong Maykapal.

05/05/2021

Pinangunahan nina Khenner Lalu at Ces Dyan Tiemsin, kasalukuyang pangulo ng lupon ng kabataan para kay San Jose, kasama ang pangalawang pangulo na si Alfred De Guzman at ang dating pangulo na si Justin Maricar Cunanan, ang paghahandog ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria.

Patuloy nawa tayong maglingkod at magalay ng panalangin para sa ating pinakamamahal na Ina.

Address

Purok 3, Cambaog, Bustos
Bulacan
3007

Telephone

+639154305873

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Joseph Youth Committee Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share