10/10/2022
ISAIAS 13:9-13
(9) Makinig kayo!Darating na ang araw ng Panginoon,ang araw ng kalupitan at matinding galit.Wawasakin ang lupain hanggang sa hindi na matirhan,at ang mga makasalanang naroon ay lilipulin.
(10) Hindi na magniningning ang mga bituin.Sisikat ang araw pero madilim,at ang buwan ay hindi na rin magbibigay ng liwanag.
(11) Sinabi ng Panginoon, Parurusahan ko ang mundo dahil sa kanyang kasamaan. Parurusahan ko ang mga makasalanan dahil sa kanilang kasalanan.Wawakasan ko ang kahambugan ng mayayabang. Patitigilin ko ang pagmamataas ng mga taong malupit.
(12) Kaunti lang ang matitirang tao,kaya mas mahirap silang hanapin kaysa sa dalisay na gintong galing sa Ofir.
(13) Yayanigin ko ang langit at ang mundo.Ako ang Panginoong Makapangyarihan ay gagawin ito sa araw kung kailan ipapakita ko ang matindi kong galit.♥️♥️♥️
Sabi ng Makapangyarihang Diyos!
Sa huli ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga Salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan,lahat ng tao sa panahon ng nga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsan ng naging-alay sa kasalanan,subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang araw sa mga huling araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay, ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ang matuwid na Diyos,at ako ay ang nagliliyab na araw,at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon ang lahat ay sasambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos,at sa gayon makita nila ang aking tunay na mukha; Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita,at hindi rin Ako basta ang Manunubos Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan...