10/08/2026
Para sa kaalaman po ng lahat, ang KABATAAN ni San Igmedio ay hindi po nagsosolicit. Wala po kaming kinalaman kaugnay ng mga solicitation sa gawi ng Santisima Trinidad. Huwag po tayong basta-basta maniniwala sa mga nagpapakilala o nag-iikot gamit ang aming pangalan nang walang opisyal na pahintulot o katibayan.
โKung may lumapit man po sa inyo na nagpapanggap na miyembro ng aming samahan upang humingi ng anumang donasyon o tulong pinansyal, paki-report po agad ito sa aming mga opisyal o ipagbigay-alam sa aming opisyal na pahina.
โAng lahat po ng opisyal na anunsyo, aktibidad, at proyekto ng aming samahan ay idinadaan lamang sa aming opisyal na pamunuan at sa aming kapilya.
โMaraming salamat po sa inyong pag-unawa, pakikipagtulungan, at patuloy na pag-iingat!