Capilla de Sagrada Familia Pantay

Capilla de Sagrada Familia Pantay live streaming for mass

18/04/2024

Isang mapagpalang umaga po sa mga mananampalataya ng Pantay. Mamaya po sa ganap na ika 5 ng hapon ay may misa sa ating bisita para sa darating na kapistahan ng ating Patron Sagrada Familia. Nawa po ay makiisa tayo upang higit tayong pagpalain at patuloy nating ipanalangin na mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok sa ating buhay.
Maraming salamat po. LOVE TAYO NI LORD.

28/08/2023

LF: DRIVER ng kolong nagdedeliver ng mineral water.
ASAP

09/12/2022
Congratulations sa mga bagong SPPC.
05/09/2022

Congratulations sa mga bagong SPPC.

21/04/2022

Isang mapagpalang araw po mga mananampalataya Ng Sagrada Familia Pantay.
Bukas ika-22 Ng Marso ay cmula Ng nobena para sa kapistahan Ng ating patron.
Dadapitin po Ang p**n sa tahanan Ng hermano sa ganap na ika-4 Ng hapon.

April 28- Oras Ng Misa 5pm
April 29- Oras Ng Misa 6pm
April 30- Oras Ng Misa 5pm
May 01 - Oras Ng Misa 8am KAARAWAN Ng Pista

23/03/2022

Magandang umaga po!
Bukas po March 25 ay may gaganaping LENTEN RECOLLECTION sa ating Parokya . Inaanyayahan po ang lahat ng ibig makiisa at magnilay.
Salamat po.

10/02/2022

Bukas ay kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes at my misa sa ganap na 6am sa groto ng Lourdes sa gilid ng simbahan. Meron ding magaganap na pagpapahid ng holy oil para sa mga my sakit at sa mga nag aalaga nito.
Inaanyayahan po ang lahat wag lamang kalimutan ang protocol. Pinapayagan na magsimba at nasa level 2 na po tayo. Salamat po sa inyong lahat.

Sa darating ng linggo po ika 21 ng Nobyembre, 2021 ay kapistahan ng KRISTONG HARI. Narito po ang programa na ating magig...
14/11/2021

Sa darating ng linggo po ika 21 ng Nobyembre, 2021 ay kapistahan ng KRISTONG HARI. Narito po ang programa na ating magiging gabay sa pakikiisa sa pagdiriwang. Ang lahat po ng my pahintulot na lumabas ay inaanyayahan upang muli ay ating buhayin ang ating pananampalataya. Pagpalain po tayo ng Diyos st ng Sagrada Familia.

07/11/2021

Sumainyo ang pagpapala at pag-gabay ng Panginoon,

Kami ang Sangguniang Pastoral ng Parokya ng Santiago Apostol, kaisa ang buong Finance at Construction Committee, ay lumalapit sa inyong butihing puso na kami ay mabigyan ng financial na tulong na siyang magagamit sa pagsasaayos at pagpapaganda ng ating simbahan. Kasabay ng paglago ng ating pamayanan, huwag nating kalimutan ang ating Bahay-Dalanginan, ang ating bahay dalanginan ay isang pilgrim church na pinupuntahan ng mga tao, ay kailangan nang sumailalim sa kaunting pagsasaayos. Ang inyo pong tulong na ipagkakaloob ay ating ilalaan sa mga proyekto, pagawain sa ating buong simbahan o renovation at ang unang pangunahin dito ay ang pagrerepair at pagpipintura ng bubong at kesame ng simbahan dahil kinakitaan na ito ng pagkasira, ikalawa ay ang upgrading ng main line ng kuryente at pagpapalit ng mga LED lights ng buong simbahan. Kaya upang maisagawa ito ay kanilang na makalikom ng kabuang halaga na Isang Milyong Piso (1 Million Pesos) upang magawa ang proyektong ito. Naniniwala kami na pamamagitan nito higit nating mapapasigla ang ating pananampalataya. Kalakip nito ang ilang larawan proyekto.

Ang inyo pong pakikibahagi at tugon ay malaking “DAAN” sa layunin ng Simbahan upang maging kabahagi sa pagpapalaganap ng pamimintuho at ng debosyon kay Santiago Apostol, na maipadama ang pagkakabuklod ng bawat tao, sa isang pamilya, sa simbahan at ng pamayanan na nakaugnay kay Kristo.
Ang inyo pong tulong ay maaring maibigay sa ating Parish Finance and Construction Committee sa Contact No. 0915-354-7779.

SEND YOUR DONATION AND SUPPORT TO:
GCASH: 09153547779
PHILTRUST BANK: 13120-000995-8

17/09/2021

Maganda at mapagpalang araw sa inyong lahat. Sa darating na linggo po ay magkakaroon na uli ng misa sa Pantay (bisita ng Sagrada Familia) sa dating oras din po.
Pinakikiusapan po ang lahat ng magsisimba na magsuot ng face mask at face shield para sa ating kaligtasan. Maraming salamat at pagpalain tayo ng Banal na Mag anak.

14/08/2021

Isang mapagpala, mabiyaya at ligtas na araw sa inyong lahat.
Ang SPPC PANTAY po ay nagdesisyon na ipagpaliban muna ang mga misa sa ating bisita upang makapag ingat tayo.
Kung maaari po ay magkaroon na lamang muna ng magdarasal sa umaga at hapon sa bisita upang patuloy nating maipalaganap sa mananampalataya na tayo ay nagkakaisa pa rin sa pananampalataya at magpanalangiinan sa bawat isa.

Address

Pantay, San Jose, Paombong
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capilla de Sagrada Familia Pantay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Capilla de Sagrada Familia Pantay:

Share