God f1rst Christian Ministries

God f1rst Christian Ministries Non profit religious organization

14/12/2025

Dont waste christmas share the gospel of Jesus

17/02/2024
02/01/2023

Great testimony

Everyone



28/09/2022

If you kneel before God,
You can stand up to anything.
please follow my page

01/08/2022

Put God first in everything you do

Everyone Born Again The Christian Post
Billy Graham Evangelistic Association

25/12/2021

Tanong: Ano po ba talaga ang kahulugan ng Pasko?

Sagot:Ang tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi kainan, kasayahan, reunion ng magkakapamilya o mga tradisyon na hindi makatotohanan gaya ng santa claus, reindeer, belen, krismas tree, parol, tala at mga regalo. Ang pasko ay hindi rin December 25. Ang totoo, hindi nagdiwang ang mga unang Kristiyano sa Bibliya ng Pasko at Bagong Taon gaya ng ginagawa natin ngayon. Hindi rin sinabi sa Bibliya ang buwan o petsa ng kapanganakan ng Panginoong Hesu Kristo at hindi rin noon tradisyon na ipagdiwang ang mga kaarawan. Dahil sa hindi itinala sa Bibliya ang petsa ng kapanganakan ng Panginoong Hesus, iba iba ang spekulasyon ng mga dalubhasa sa Bibliya at kasaysayan tungkol dito. Isang dokumento ang natagpuan sa hilagang Africa noong humigit kumulang 243 AD kung saan sinasabi na ang kaarawan ni Hesus ay Marso 28. Si Clement naman ng Alexandria ay nagsabi na ang tunay na kaarawan ni Hesus ay November 18. Isang mananalaysay naman na nagngangalanag Fitzmyer ang kinuwenta ang kaarawan ni Hesus base sa mga tala sa kasaysayan at sinabi na ipinanganak si Hesus sa buwan ng September 11, noong 3 BC.

Ang kapanganakan ni Hesus na siyang ipinagdiriwang ng mga tao bagamat hindi totoong December 25 aang totoong petsa ng Kanyang kapanganakan. Dapat na maging sentro ng mga pagdiriwang ang katotohanan na isang araw sa kasaysayan ng mundo, ang Diyos ay bumaba mula sa langit at nagkatawang tao, isinilang ng isang birhen sa isang kural na pakainan ng mga hayop dahil wala ng lugar para sa kanya ang mga bahay tuluyan. Ang Diyos na nagkatawang tao ay namuhay bilang isang ordinaryong tao ngunit hindi nagkasala kailanman. Siya'y nagpakababa, tinuya at hindi tinanggap ng Kanyang mga kababayan, ipinagkanulo ni Hudas at itinatwa ni Pedro. Siya'y dinuran, nilait, pintungan ng koronang tinik, hinagupit at pinagpasan ng krus. Siya'y hinubaran ng damit at ipinako sa krus kasama ng dalawang kriminal at namatay. Ito ang dapat na isipin ng mga tao hindi lamang kung pasko kundi araw-araw ng kanilang buhay. Ang Diyos na hari at manlilikha ay nagkatawang tao dahil hindi kaya ng tao na makaabot sa pamantayan ng Diyos. Ang Diyos na ito ay si Hesu Kristo, ang walang bahid dungis, banal at ang bugtong na Anak ng Diyos.

Ang kahulugan ng pasko ay maring ipaliwanag sa pamamagitan ng isang talata sa Bibliya, Ito ang Juan 3:16 kung saan sinasabi, "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Ang mensahe ng pasko ay mensahe ng dakilang pagibig ng Diyos. Bagamat walang sinuman ang matuwid at karapatdapat (Roma 3:10,23), inibig ng Diyos ang makasalanang sanlibutan at ibinigay ang Kanyang bugtong na Anak na si Hesus. Matapos na mamatay at ilibing si Hesus, nabuhay Siya sa ikatlong araw at umakyat sa langit at muling lumuklok sa Kanyang trono sa langit. Ang katibayan ng kapatawaran at katubusan at kaligtasan ng sinumang mananampalataya sa Kanya ay ang Kanyang walang lamang libingan. Muling nabuhay si Hesus bilang katibayan na Siya nga ang Tagapagligtas, ang ipinangakong Mesiyas na isinilang isang araw sa kasaysayan ng sanlibutan.

Ang tunay na kahulugan ng pasko ay kaligtasan. Ang tao ay maaari ng maligtas kung magtitiwala siya sa natapos na gawain ni Hesus. Kung ilalagak mo ang iyong pagtitiwala sa ginawa ni Hesus sa krus, itatakwil mo ang iyong pagtitiwala sa iyong sarili at magsisisi sa iyong mga kasalanan, maaasahan mo na patatawarin ka ng Diyos at lilinisn sa ka sa iyong mga kasamaan at ililigtas ka sa walang hanggang pagdurusa sa impiyerno. Ito ang kahulugan ng Pasko. Mayroon ng kaligtasan at ito ay makakamit sa pamamagitan lamang ng ating panginoon at Tagapagligtas na si Hesu Kristo.

Nawa ay nakatulong sa iyo ang aming sagot. God bless you.

24/12/2021

Merry Christmas everyone

20/11/2021
12/07/2021

Be Content with What You Have

Address

Bocaue

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God f1rst Christian Ministries posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share