Sto. Niño Chapel- Bangbangalon Loob

Sto. Niño Chapel- Bangbangalon Loob Welcome to the official page of Sto. Niño Chapel of Bangbangalon Loob — your source for chapel announcements, masses, and events.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Pagtatapos ng Flores de Mayo at Santacruzan sa Kapilya ng Sto. Niño, Barangay Bangbangalon LoobSa temang “Flor...
31/05/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Pagtatapos ng Flores de Mayo at Santacruzan sa Kapilya ng Sto. Niño, Barangay Bangbangalon Loob

Sa temang “Flores de Mayo: Maria, Huwaran Tungo sa Mahalimuyak na Pamilya at Kabataan,” idinaos ang isang Banal na Misa bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Flores de Mayo at Santacruzan, na pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐑𝐞𝐲𝐧𝐞𝐥 𝐒𝐚𝐣𝐮𝐥. Ito ay nagsilbing pasasalamat sa patuloy na paggabay at pagpaparangal sa Mahal na Ina.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa Hermano at Hermana 2026, 𝐑𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥 𝐈𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 at 𝐍𝐞𝐥𝐉𝐨𝐲 𝐈𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧, kasama sina Hermanito 𝐂𝐚𝐫𝐥 𝐃𝐞𝐧𝐢𝐞𝐥 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐜𝐚𝐬 at Hermanita 𝐈𝐯𝐲 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐜𝐚𝐬, at Sub Hermanito 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐄𝐫𝐢𝐜 𝐃𝐞 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨 at 𝐊𝐚𝐲𝐞 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐜𝐚𝐬 sa kanilang dedikasyon at masigasig na pamumuno upang maisakatuparan ang matagumpay na pagdiriwang ngayong taon.

Kasabay nito, mainit na pagbati rin sa aming mga magiging Hermano at Hermana 2027, 𝐉𝐞𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐬 at 𝐋𝐚𝐦𝐛𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐌𝐮𝐭𝐲𝐚, kasama sina Hermanita 𝐉𝐞𝐧𝐧𝐲𝐫𝐨𝐬𝐞 𝐉𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 at Hermanito 𝐀𝐫𝐯𝐞𝐥 𝐉𝐨𝐬𝐡𝐮𝐚 𝐑𝐞𝐠𝐚𝐥𝐚𝐝𝐨, Sub Hermanita 𝐍𝐨𝐫𝐚𝐢𝐧𝐧𝐞 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐜𝐚 𝐌. 𝐂𝐮𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧 at Sub Hermanito 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐄𝐮𝐠𝐞𝐧𝐞 𝐌. 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐬 buong pusong tumanggap ng panibagong tungkulin para sa susunod na taon.

Sa gabay at pagmamahal ng Birheng Maria, nawa’y patuloy kayong pagpalain at bigyang lakas sa inyong paglilingkod.

02/05/2026
02/05/2026
02/05/2026
P A A N Y A Y AMapagpalang araw po.Inaanyayahan po ang lahat, lalo’t higit ang mga kabataan ng Barangay Bangbangalon (Lo...
02/05/2026

P A A N Y A Y A

Mapagpalang araw po.

Inaanyayahan po ang lahat, lalo’t higit ang mga kabataan ng Barangay Bangbangalon (Loob), sa gaganaping Flores de Mayo na may temang:

Flores de Mayo: Maria, Huwaran Tungo sa Mahalimuyak na Pamilya at Kabataan

Ito ay gaganapin mula Mayo 1 hanggang Mayo 29, 2026, sa ating Kapilya sa Ibaba, ganap na ika-5:00 ng hapon.

Inaasahan po ang inyong pagdalo at pakikiisa sa gawaing ito.

Maraming salamat po.

Rodolfo M. Montiel
Barangay Pastoral Council President

TINGNAN | Pagdiriwang ng Daan ng Krus noong Marso 27, 2026 sa Brgy. Bangbangalon Loob, sa pangunguna ni Bro. Eric Flores...
28/03/2026

TINGNAN | Pagdiriwang ng Daan ng Krus noong Marso 27, 2026 sa Brgy. Bangbangalon Loob, sa pangunguna ni Bro. Eric Flores, katuwang ang Barangay Pastoral Council.

“Sinasamba at pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo, sapagkat sa pamamagitan ng Banal na Krus ay iniligtas Mo ang sanlibutan.”

Sa bawat hakbang ng Daan ng Krus, hindi lamang paghihirap ang ating ginugunita, kundi ang sukdulang pag-ibig, pag-ibig na handang magsakripisyo para sa iba. Nawa’y sa ating pagninilay, matutunan nating yakapin ang krus ng ating buhay, magtiwala sa kalooban ng Diyos, at magmahal, hindi lamang higit sa sarili, kundi lalo’t higit sa ating kapwa.

24/03/2026

P A A N Y A Y A !!!

Mapagpalang araw po.

Inaanyayahan Po ang lahat ng mananampalataya ng Barangay Bangbangalon sa gaganaping BPK Mass sa March 25, 2026 sa ganap na ika- 5:30 ng hapon sa lumang Kapilya(taas) na pamumunuan ni Rev. Fr. Tito Amodia

Inaasahan Po Ang inyong pagdalo at pakikiisa sa gawaing ito.

Pagpalain Po tayong lahat ng Poong Maykapal

Rodolfo M. Montiel
Barangay Pastoral Council- President

23/02/2026

Inaanyayahan ka naming makiisa sa makabuluhang paggunita ng 𝐢𝐤𝐚-40 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐄𝐃𝐒𝐀 — isang paalala ng lakas ng 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖, 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣.

Halina at sama-sama nating 𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐇𝐀𝐍𝐈𝐍, 𝐈𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆, 𝐀𝐓 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍!

Makiisa sa prusisyon, Banal na Misa, at talakayan na magpapaalab muli ng diwa ng pagkakaisa sa ating puso.

📅 Pebrero 25, 2026
Hindi lang ito pag-alala — 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧.
Maging bahagi ka ng kasaysayan. Sumama ka at magbigay-pugay sa diwa ng People Power!

Pubmat by: Aeron Lagustan | EIC

03/02/2026

📿 40 𝐃𝐚𝐲𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐞𝐯𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 | 𝐋𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧 𝐒𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 📿

Inaanyayahan ang lahat ng 𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 7 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 na makiisa sa ating 40 𝗗𝗮𝘆𝘀 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝘃𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻 ngayong 𝐊𝐮𝐰𝐚𝐫𝐞𝐬𝐦𝐚 — isang panahon ng panalangin, sakripisyo, at paglilingkod.

Sabay-sabay nating palalimin ang ating pananampalataya at mas palapitin ang ating sarili sa Diyos.

📍 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐥𝐚:
Dumulog sa Parish Office
o hanapin ang ating Parish Youth Council Officers.
Contact Number: 0965 446 3260
Feb. 1 - Feb. 15 2026

𝑨𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑵𝒐𝒗𝒊𝒄𝒊𝒐 𝒂𝒕 𝑵𝒐𝒗𝒊𝒄𝒊𝒂?

Ang Pamamanata ng Nobisyо at Nobisyа ay isang 40-araw na paglalakbay ng pananampalataya tuwing Kuwaresma at Mahal na Araw dito sa Marinduque.
Isang panahon para huminto, magnilay, at bumalik sa Diyos.

Noon, para sa mga magkasintahang naghahanda sa pag-aasawa.
Ngayon, para rin ito sa kabataang naghahanap ng direksyon, lakas, at mas malalim na kahulugan ng buhay.

Bakit sila namamanata?

• para magpasalamat
• para humingi ng gabay
• para magbago
• para mas makilala ang Diyos
• para matutong maglingkod

“Hindi perpekto. Pero handang maglakbay.”

Kung handa kang magbago,
kung handa kang magtiwala,
baka ikaw na ang tinatawag.

Sama-sama tayong magnilay at maglakbay kay Kristo. ✝️

Pubmat by:Aeron Lagustan | EIC

Address

Boac

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Chapel- Bangbangalon Loob posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share