23/02/2026
Alam nyo ba ang kwento
ng isang Japanese macaque na si Punch?
Ipinanganak siya sa Ichikawa City Zoo…
Noong July 26 2025,sa Chiba Prefecture, Japan
pero sa murang edad pa lang,
naranasan na niya ang sakit ng pag-abandona.
Hindi siya inalagaan ng kanyang ina.
Hindi niya naranasan ang init ng yakap…
ang seguridad…
ang pagmamahal na dapat sana’y natural sa isang sanggol.
Mag-isa siya.
Tahimik.
Nalilito
Pero hindi siya pinabayaan ng mga tagapag-alaga sa zoo.
Binigyan siya ng isang stuffed toy ,isang orangutan.
At doon nagsimula ang kakaibang kwento ni Punch.
At may sang eksena dun
Na inaway sya ng malaking unggoy
At alam nyo ba saan sya tumakbo???
Dun sa orange oraggutan stuffed toys nya
Na para bang pakiwari nya mama nya yun
Na anytime pwede syang kampihan 😭
Mahigpit niya itong niyakap.
Parang doon niya hinahanap ang aruga.
Parang doon niya inilalabas ang lungkot.
Tuwing makikita mo siya na yakap ang laruan, ramdam mo ang isang katotohanang
Kahit hayop sila, marunong silang masaktan.
Marunong silang mangulila.
Marunong silang magmahal.
Unti-unti, sinusubukan niyang makihalubilo sa ibang unggoy.
Hindi man agad siya tinanggap, hindi siya sumuko.
Patuloy siyang lumalapit.
Patuloy siyang umaasa.
Si Punch ay hindi lang isang viral na unggoy.
Isa siyang paalala
Na lahat ng nilalang, maliit man o malaki,
ay may puso.
At lahat tayo… naghahanap ng pagmamahal.
At minsan,
kahit isang simpleng yakap
kahit stuffed toy lang
pwedeng maging mundo ng isang pusong nasasaktan.