25/06/2021
Ika-20 ng Abril,1586 sa Lima, Peru, isinilang sa mag-asawang Gaspar de Flores, isang Kastila at Maria de Olivia, ang sanggol na bininyagan sa pangalang ISABEL. Sanggol pa lamang ay nagpahiwatig na ang Panginoon ng mga kahiwagaang namalas ng kanyang ina at mga kamag-anak.,โpagtaas sa ere at ngiting animoโy namumumukadkad na rosas.โ Ito ang nagbunsod upang tawagin siyang โROSAโ. Kinakitaan siya ng kakaibang kakayahang magtiis ng anumang matinding hirap at sakit ng kalooban at katawan. Sa lahat ng ito, ang Panginoon ay kaagapay ni Rosa sapagkat ang paghihirap ng Panginoong Hesukristo ang tangi niyang inspirasyon.
Si Rosa ay masunuring anak; buong ingat na tumatalima sa lahat ng utos, hanggang sa siya ay maulila sa ina. Nag-asawang muli ang kanyang ama. Kahit na malupit ang pangalawang ina, naging masunurin pa rin siya. Pinag-ibayo ang kanyang pag-aaral, pananalangin at mga gawaing pantahanan. Upang maibsan ang kahirapang dinaranas ng pamilya, pumasok siyang hardinera at utusan sa isang mayamang pamilya. Mahusay din siyang magburda.
Nang magdalaga, lalong lumutang ang angking ganda, kayaโt marami din ang sa kanya ay naaakit. Sa kabila ng pagpuri sa kanya, ninais pa niyang sirain ang kanyang kagandahan upang ang kanyang panlabas na anyo ay hindi na makatawag pansin sa iba at sa gayon ay di na makapag-asawa. Higit niyang ninais na ihandog ang sarili sa sa Panginoon., tularan ang Kanyang sakripisyo sa ngalan ng pagmamahal. Modelo niya si Sta. Catalina ng Sienna. Di matanggap ng pamilya ang kakaibang pagpepenitensyang kanyang ginagawa, ngunit sadyang nakauukol siya talaga sa pagsunod sa Panginoon kayaโt sa gulang na dalawampu ay ganap ng madre sa Tercera Orden ni Sto. Domingo.
Sa pagtupad niya sa kanyang panata, kasama si San Martin de Porres, marami ang kanyang natulungang gumaling sa kahit na malala ng sakit, magbalik loob at lumapit sa Panginoon. Ibaโt ibang problema sa Lima, sa pagdarasal niya, may tugon lagi ang Panginoon, sapagkat naroroon ang pagpapakasakit ni Rosa.
Unti-unti ay tila iginugupo na siya sa banig ng karamdaman, ngunit patuloy sa pagdarasal. Sa mga huling araw niya, nasambit niya ang โ Panginoon, dagdagan Mo pa ang aking paghihirap, kasabay nitoโy dagdagan Mo ang Iyong Pagmamahal sa aking puso.โ Binawian siya ng buhay noong ika-24 ng Agosto, 1617, sa gulang na 31.
Sa oras ng kanyang pagpanaw, maraming milagro ang naganap sa Lima, kayaโt dumagsa ang tao sa kanyang burol, dahilan upang di agad siya inilibing upang pagbigyan ang nagnanais mak