Rich in God

Rich in God sharing Word of God

TODAY'S VERSE: Awit 42:5‎"Bakit ako nalulungkot, nabahala nang mainam?‎Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;‎Di...
04/09/2025

TODAY'S VERSE: Awit 42:5
‎"Bakit ako nalulungkot, nabahala nang mainam?
‎Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;
‎Diyos na Tagapagligtas, muli ko s'yang aawitan."

‎TODAY'S DEVO: Tuwing nakakaranas tayo ng mga pagsubok at problema, nalulungkot tayo at nababahala, walang kapanatagan ang isip at balisa ang katawan.

‎Sa mga ganitong sitwasyon, piliin nating manalangin, tumawag at makipag-usap sa ating Panginoon. Umawit ng mga papuri, sa ganitong paraan, magkakaroon ng kapayapaan ang iyong isipan, liligaya ang iyong kalooban at mawawala ang pagkabahala.

‎Huwag mong hayaang matalo ka ng kalungkutan at pagkabahala. Labanan mo ito! Manalangin at magtiwala sa Diyos.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Roma 8:6"Ang pagkahumaling sa mga bagay ukol sa laman ay magbubulid sa kamatayan, ngunit ang pagsisikap s...
16/05/2025

TODAY'S VERSE: Roma 8:6
"Ang pagkahumaling sa mga bagay ukol sa laman ay magbubulid sa kamatayan, ngunit ang pagsisikap sa mga bagay ukol sa espiritu ay magbubunga ng buhay at kapayapaan."

TODAY'S DEVO: Ito ay patungkol sa pamumuhay ayon sa espiritu. Kamatayan ang kahihinatnan kung namumuhay ka ayon sa laman. Buhay at kapayapaan naman ang bunga ng pagsisikap sa mga bagay ayon sa espiritu.

Sa paanong paraan ka ba namumuhay bilang isang kristyano? Naaayon ba sa Panginoon ang iyong pamumuhay. Sikapin mong mamuhay ng naaayon sa espiritu o sa kalooban ng Panginoon. Iwasan mong mamuhay ng dahil lamang sa pita ng laman o sa kagustuhan mo. Wala itong magandang maidudulot. Hindi magiging maayos ang iyong pamumuhay.

Kung nais mo ng payapang pamumuhay. Sundin ang espiritu at ang kalooban ng Diyos.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Santiago 5:16"Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa't...
09/05/2025

TODAY'S VERSE: Santiago 5:16
"Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa't-isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid."

TODAY'S DEVO: Ito ay patungkol sa pagtitiyaga at pananalangin. Ipagtapat ang inyong mga kasalanan sa iyong kapwa at magpanalanginan sa isa't-isa. Sapagkat ang panalangin ay makapangyarihan.

May mga kasalanan tayo na hindi natin kayang sarilinin. At upang gumaan ito, kailangan natin ng taong mapagsasabihan natin, taong mapagkakatiwalaan at makapagpapalagayan mo ng loob. Piliin mo ang taong matuwid. Magpanalanginan kayo sa isa't-isa. Sa ganitong paraan ay gagaan ang kalooban mo at mababawasan ang kasalanan mo sapagkat alam mong napatawad ka na ng Diyos.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: 2 Pedro 1:4"Na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kay...
07/05/2025

TODAY'S VERSE: 2 Pedro 1:4
"Na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya'y nakalaan sa inyo doon sa langit.

TODAY'S DEVO: Sinasabi ng talatang ito na malaki ang ating pag-asa. May kayamanang nakalaan sa atin doon sa langit. Kayamanang walang kapintasan, di masisira at di kukupas.

Ang lahat ng paghihirap at pagpapagal natin dito sa lupa ay may magandang kapalit doon sa langit. Ito ay kayamanang galing sa Diyos. Tandaan na ang paghihirap ay may kapalit na kaginhawahan.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Filipos 4:13"Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo."TODAY'S DEVO: Ito...
06/05/2025

TODAY'S VERSE: Filipos 4:13
"Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo."

TODAY'S DEVO: Ito ay isang pasasalamat sa tulong na natanggap. Ang lakas ng loob ay magagawa dahil sa tulong ni Cristo.

Kapag mahina ka, nangangailangan ka ng magpapalakas sa iyo. Sapagkat ito ang tutulong sa iyo para lumaban ka. Kanino ka humuhugot ng lakas? Sa mga tao na alam mong makakapagbibigay sa iyo ng lakas at mapapayyhan ka ng tamang gagawin. At higit sa lahat sa ating Panginoon, siya ang magpapadala ng tao na tutulong sa iyo. Nagbibigay din Siya ng kalakasan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at awitin.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Juan 14:21"Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa ak...
05/05/2025

TODAY'S VERSE: Juan 14:21
"Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya."

TODAY'S DEVO: Ito ay ang pangako tungkol sa Espiritu Santo. Iniibig mo ang Diyos kung tinatanggap at tinutupad mo ang kanyang nga utos.

May kasabihan tayo na "Kapag mahal mo; susundin mo." Susunod ka kahit tinatamad ka, kase nga mahal mo. Ang pagsunod at pagtanggap ay pagmamahal. Katulad na lamang sa mag-asawa; sinusunod mo ang asawa mo kase mahal mo. Tinatanggap mo ang kanyang mga pagkakamali, kase mahal mo. Kung walang pagmamahal, hindi ka susunod.

Ganito din sa ating Panginoon. Kung mahal mo Siya, susundin mo ang mga utos Niya. Kung hindi ka susunod, ibig sabihin hindi mo Siya mahal.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Gawa 17:11"Mas mabuting kausapin ang mga Judio roon kaysa mga taga-Tesalonica; wiling-wili sila ng pakiki...
19/04/2025

TODAY'S VERSE: Gawa 17:11
"Mas mabuting kausapin ang mga Judio roon kaysa mga taga-Tesalonica; wiling-wili sila ng pakikinig sa pangangaral ni Pablo, at sinasaliksik araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang mga sinasabi niya."

TODAY'S DEVO: May mga nakakausap tayo na nakikinig sa ating mga kwento, interesado sila sa mga sinasabi mo. At mayroon din namang hindi nakikinig at hindi interesado, hahayaan ka lang nyang magsalita ngunit ang mga sinasabi mo ay lagpas lamang kabilang tenga nila.

Minsan ganito din tayo sa ating Panginoon o sa ating mga Pastor kapag nangangaral sila ng salita ng Diyos. Hindi tayo nakikinig. Sarado ang mga tenga natin sa mga sinasabi nila. Kaya kadalasan hindi natin namamalayan ang mga pagpapalang dumarating sa atin.

Subukan mong makinig sa mga maliliit tinig ng Panginoon. Anong malay mo, isa na pala ito sa matagal mo ng ipinapanalangin.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Mateo 10:22"Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siya...
18/04/2025

TODAY'S VERSE: Mateo 10:22
"Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas."

TODAY'S DEVO: Ito ay patungkol sa mga pag-uusig na darating. Magagalit at kukutyain kayo ng mga tao dahil sa Panginoon ngunit ang mananatili sa Kanya hanggang wakas ang siyang maliligtas.

Ang maglingkod ng tapat sa Panginoon ay madaming pagdaraanang hirap at sakripisyo. Kasama na dito ang panghuhusga ng mga tao. Nakatingin sila sa bawat galaw at kilos mo. At hundi maiiwasang maisumbat nila ang pagiging kristyano mo. Anuman ang mangyari, manatiling tapat na lingkod ng Panginoon. Huwag kang sumuko at lalong huwag mong isuko ang Panginoon.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Awit 5:8"Naglipana mandin ang aking kaaway,O Dakilang Yahweh, ako'y pangunahan;Tulungan mo ako na lagi ko...
16/04/2025

TODAY'S VERSE: Awit 5:8
"Naglipana mandin ang aking kaaway,
O Dakilang Yahweh, ako'y pangunahan;
Tulungan mo ako na lagi kong sundan,
Ang kalooban mo magpakailanman!

TODAY'S DEVO: Ito ay dalangin upang ingatan. Idinadalangin sa Panginoon ang kaligtasan nila sa mga kaaway at tulungan na laging sundin ang Kanyang kalooban.

Napaliligiran ka man ng mga kaaway, unahin mong tawagin ang Panginoon. Huwag kang manguna, hayaan mong Siya ang humarap at makipaglaban.

Marami tayong kaaway o kalaban sa buhay. Hayaan mong ang Panginoon ang humarap at manguna sa mga ito.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Josue 23:11"Huwag kayong makalilimot umibig kay Yahweh na inyong Diyos."TODAY'S DEVO: Ito ay patungkol sa...
16/04/2025

TODAY'S VERSE: Josue 23:11
"Huwag kayong makalilimot umibig kay Yahweh na inyong Diyos."

TODAY'S DEVO: Ito ay patungkol sa pagsasalita ni Josue sa mga tao. Huwag kalimutang ibigin ang Panginoon.

Kahit anong mangyari; anuman ang sitwasyon mo sa buhay, mahirap man o sagana, huwag mong kalilimutang ibigin ang Panginoon. Siya ang lumikha sa iyo at hindi ka Niya pababayaan sa lahat ng oras.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE:  1 Juan 4:19"Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin."TODAY'S DEVO: Tinutukoy nito na ...
10/04/2025

TODAY'S VERSE: 1 Juan 4:19
"Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin."

TODAY'S DEVO: Tinutukoy nito na ang Diyos ay pag-ibig. Umiibig tayo dahil sa Kanya.

Ang Diyos ang unang umibig sa atin. Inibig Niya tayo ng lubos, walang hanggan at hindi kayang tumbasan ninuman. Ang pag-ibig Niya ay wagas, walang kapantay. Walang nilalang na Kayang umibig gaya ng pag-ibig na pinapadama Niya.

Umiibig ka dahil sa Diyos. Siya ang unang nagpadama ng pag-ibig sa atin.

MAPAGPALANG ARAW💜

TODAY'S VERSE: Mateo 28:20"At turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama nin...
09/04/2025

TODAY'S VERSE: Mateo 28:20
"At turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan"

TODAY'S DEVO: Ito ay patungkol sa pagsugo ni Jesus sa labing-isang alagad. Pinahayo Niya ang mga ito upang gawing alagad ang lahat ng bansa. Bautismuhan at turuang sumunod sa mga utos Niya.

Sumunod sa ipinag-uutos ng Diyos kahit na alam mong hindi mo ito kayang gawin. Mahihirapan ka pero hindi ka pababayaan ng Diyos. Siya ay kasama mo sa lahat ng pagsubok na pagdadaanan mo.

MAPAGPALANG ARAW💜

Address

Purok3 Tranca
Bay
4033

Telephone

+495469110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rich in God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share