18/05/2026
May 18, 2026
Monday
Day 145 of 365
MABUTING BALITA
Juan 16, 29-33
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ng mga alagad kay Hesus, โNgayon poโy tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil dito, naniniwala kaming kayoโy mula sa Diyos.โ Sumagot si Hesus, โNaniniwala na ba kayo ngayon?โ Darating ang oras โ at ngayon na nga โ na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunmaโy hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayoโy magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit laksan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PAGNINILAY:
Ang Mabuting Balita ay nagpapaalala sa atin na kahit dumaan tayo sa hirap, takot, at pagsubok sa buhay, hindi tayo nag-iisa dahil kasama natin ang Diyos. Tulad ng sinabi ni Hesus, dapat tayong magkaroon ng matatag na pananampalataya at lakasan ang ating loob sapagkat napagtagumpayan na Niya ang sanlibutan. Sa bawat problema na ating kinakaharap, ang kapayapaan at pag-asa ay matatagpuan natin sa pakikipag-isa kay Kristo.