Santo Niño Chapel, Brgy. Barigon, Agoncillo, Batangas

Santo Niño Chapel, Brgy. Barigon, Agoncillo, Batangas Barangay Chapel

DAKILANG KAPISTAHAN NG PASKO NG PAGSILANG NG PANGINOON 2025. | PAANYAYAAng lahat po ay malugod na inaanyayahan na dumalo...
24/12/2025

DAKILANG KAPISTAHAN NG PASKO NG PAGSILANG NG PANGINOON 2025. | PAANYAYA

Ang lahat po ay malugod na inaanyayahan na dumalo sa gaganaping Misa sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon bukas araw ng Pasko, ika-25 ng Disyembre, sa ganap na ika-9:30 ng umaga sa ating Barangay Chapel.

Maraming salamat po at pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal!

Simbang Gabi 2025! ⛪️🌟 | PAANYAYAAng ating masayang pagdiriwang ng Misa de Gallo ay magsisimula na upang salubungin ang ...
15/12/2025

Simbang Gabi 2025! ⛪️🌟 | PAANYAYA

Ang ating masayang pagdiriwang ng Misa de Gallo ay magsisimula na upang salubungin ang pagdating ng ating Tagapagligtas, si Hesukristo. Huwag palampasin ang pagkakataong magdasal at magkaisa sa espiritu ng Pasko.

Narito na ang iskedyul ng ating Simbang Gabi sa ating Kapilya mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 24, 2025, tuwing 4:00 ng hapon.

Para sa mga nais mag-abot ng pa-misa, maari po kayong makipag-ugnayan sa ating Hermana Mayor ngayong taon na sina Mrs. F***y Aala at Mrs. Lanie Catibog.

Magsama-sama tayo sa pagdiriwang ng Misa de Gallo at pagyamanin ang ating pananampalataya!

Maraming salamat po, at mabuhay po tayong lahat!

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 🎥 || Isang makasaysayang yugto ng pananampalataya ang ating pagsaluhan—ang Solemneng Pagbabasbas ng Altar at ng ...
03/06/2025

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 🎥 || Isang makasaysayang yugto ng pananampalataya ang ating pagsaluhan—ang Solemneng Pagbabasbas ng Altar at ng bagong Simbahan ng Ina ng Laging Saklolo, na itinatanghal bilang sentro ng ating pananalig at bukal ng panibagong pag-asa.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang ngayong ika-4 ng Hunyo, ganap na ika-9 ng umaga, sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, Poblacion, Agoncillo, Batangas.

Magsama-sama tayong magpasalamat sa Diyos sa biyaya ng bagong tahanan ng pananampalataya—isang simbolo ng pag-asa, pananalig, at pagkakaisang Kristiyano.








Parish of Our Mother of Perpetual Help, Vicariate III - Archdiocese of Lipa

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎.Alinsunod sa Kalendaryong Liturhikal ng Inang Simbaha...
17/01/2025

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎.

Alinsunod sa Kalendaryong Liturhikal ng Inang Simbahan, ang Fiesta ng Mahal na Patrong Santo Niño ngayung taon ay nakatakdang ipagdiwang sa Ikatlong Linggo ng Enero, Enero 19, 2025. Malugod itong ipinapabatid sa lahat ng mga deboto ng Mapaghimalang Santo Niño mula sa loob at labas ng bansa, lalo na sa mga magbabalik-bayan na taunang namamanata.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍
Bilang paghahanda, narito ang mga Talaan ng mga Gawain kaugnay ng Dakilang Kapistahan ng ating Mahal na Patrong Santo Niño:

Enero 19, 2025 | Linggo
𝟏𝟎:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - Banal na Misa
Binyag
Blessing

𝟒:𝟎𝟎 𝐏𝐌 - Prusisyon
Luwa

Malugod na inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa ating mga pagdiriwang.

Maraming salamat po, at mabuhay po tayong lahat!

Viva Santo Niño!!
Viva Barigoñians!!

Pasko ng Pagsilang ng Panginoon 2024 ✨Malapit na ang pagdating ng ating Panginoon! Sa pagsapit ng Pasko, tayo'y magsasam...
23/12/2024

Pasko ng Pagsilang ng Panginoon 2024 ✨

Malapit na ang pagdating ng ating Panginoon! Sa pagsapit ng Pasko, tayo'y magsasama bilang isang komunidad upang ipagdiwang ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa pagsilang ng ating Tagapagligtas, si Hesukristo. Ang bawat misa ay isang pagkakataon upang muling buhayin ang ating pananampalataya at maranasan ang kapayapaan at pag-asa na dala ng Pasko. Nawa'y maging pagkakataon ito para magpasalamat tayo sa mga biyaya at pagmamahal na patuloy nating natamo mula sa Kanya.

Narito ang iskedyul ng mga Banal na Misa para sa

✨Bisperas ng Pasko (Disyembre 24)
- Simbang Gabi: 04:00 PM

✨Araw ng Pasko (Disyembre 25)
- Misa sa Araw ng Pasko: 08:00 AM

Halina’t magsama-sama tayo upang salubungin ang Tagapagligtas nang may bukas na puso at pagkakaisa. Higit pa sa mga handaan at palamuti, ang tunay na diwa ng Pasko ay makikita sa pagbibigay-pugay at pagbabahagi ng pagmamahal ng Diyos sa ating kapwa.

Tayo’y magkaisa upang gawing makulay at makabuluhan ang Pasko ng Pagsilang ng Panginoon 2024 sa pamamagitan ng pananampalataya, pasasalamat, at pagtitiwala.

-ibig

Magsisimula na ang Simbang Gabi 2024! ⛪️🌟Ang ating masayang pagdiriwang ng Misa de Gallo ay magsisimula na upang salubun...
04/12/2024

Magsisimula na ang Simbang Gabi 2024! ⛪️🌟

Ang ating masayang pagdiriwang ng Misa de Gallo ay magsisimula na upang salubungin ang pagdating ng ating Tagapagligtas, si Hesukristo. Huwag palampasin ang pagkakataong magdasal at magkaisa sa espiritu ng Pasko.

Narito na ang schedule ng ating Simbang Gabi sa ating Kapilya mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 24, 2024, tuwing 4:30 ng hapon.

Para sa mga nais mag-abot ng pa-misa, maari kayong makipag-ugnayan sa ating Hermana Mayor ngayong taon na sina Mrs. Liezel Maranan at Mrs. Bien Oserin.

Magsama-sama tayo sa pagdiriwang ng Misa de Gallo at pagyamanin ang ating pananampalataya!

Maraming salamat po, at mabuhay po tayong lahat!

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨!!Congratulations! Sir Jaybie Humarang, your dedication and hard work have truly paid off as you g...
30/06/2024

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨!!

Congratulations! Sir Jaybie Humarang, your dedication and hard work have truly paid off as you grad - waiting with the well-deserved honor of Magna Cum Laude.

Your outstanding accomplishment demonstrates your extraordinary talent for academics, strength in the face of difficulty, and unwavering dedication to greatness. Your success serves as an inspiration to us all, proving that with passion, perseverance, and a relentless pursuit of knowledge, one can reach great heights.

Congratulations on this incredible milestone, Magna Cum Laude – your future is bound to be filled with even more remarkable accomplishments!

𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒐𝒇 𝑺𝒆𝒏𝒊𝒐𝒓 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐 𝑵𝒊ñ𝒐 𝒊𝒔 𝒕𝒓𝒖𝒍𝒚 𝒑𝒓𝒐𝒖𝒅 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖!!

27/06/2024

Maligayang Kapistahan
Mahal na Ina ng Laging Saklolo
June 27

Masintahing ina, ipanalangin mo kami.

🌸🕯️Flores de Mayo 🕯️🌸Tema: "𝐁𝐮𝐥𝐚𝐤𝐥𝐚𝐤 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐧𝐝𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚: 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐬𝐚 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬 𝐝𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨"Sa bawat pags...
01/05/2024

🌸🕯️Flores de Mayo 🕯️🌸

Tema: "𝐁𝐮𝐥𝐚𝐤𝐥𝐚𝐤 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐧𝐝𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚: 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐬𝐚 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬 𝐝𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨"

Sa bawat pagsilang ng bagong umaga sa buwan ng Mayo, ang kagandahan ng Flores de Mayo ay sumasalamin sa ating debosyon at pagmamahal kay Birhen Maria. Sa bawat bulaklak at kandila na ating inihahandog, handog din natin ang ating pagmamahal at pasasalamat sa kanya.

Inaanyayahan namin kayong maki-isa sa aming pagdiriwang upang masaksihan ang kahalagahan ng pag-aalay na ito sa ating tradisyon. Sama-sama nating ipagdiwang at maging bahagi ng pagpapakita ng debosyon at pagmamahal kay Birhen Maria

Makikita sa ibaba ang mga larawan ng mga pangalan ng mga aalay, bawat isa ay nagpapahayag ng kanilang pananampalataya at pag-asa sa tulong at patnubay ni Maria.

Sa pagkakaisa at pagmamahalan, itaguyod natin ang diwa ng Flores de Mayo at iparinig sa mundo ang ating pagmamahal kay Maria.

Maraming salamat po, at mabuhay tayong lahat!!

🌸🕯️


𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨!Ngayung ika 21, ng Enero 2024, ang nasabing iyung kapistahan, isang ...
20/01/2024

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨!

Ngayung ika 21, ng Enero 2024, ang nasabing iyung kapistahan, isang pagkakataon upang ipahayag ang aming debosyon at pasasalamat. Sa aming puso, ikaw ay isang tanglaw at gabay, isang tagapagdala ng kagalakan at pag-asa sa bawat isa.

Sa Kapistahang ito, nagtitipon kami bilang isang komunidad, nagdadasal at nagpapahayag ng aming pananampalataya. Sa iyo naming inaawit ang mga papuri at himig ng kasiyahan, dahil ikaw ay aming pag-asa at pag-asa ng nayon.

Mahal na Santo Niño, sa iyong kapistahan, nawa'y pakinggan mo ang aming mga dasal at hiling. Aming dalangin na patuloy kang maging aming gabay, sa aming mga pagsisikap at mga landas na aming tinatahak at tatahakin.

Kami ay humahayo na may pusong puno ng pananampalataya, na ipagpatuloy ang iyong misyon ng pagmamahal at pagpapala. Sa aming pagdiriwang, nawa'y maging masigla at maligaya, at maramdaman ang iyong banal na presensya sa aming lahat.

Mahal na Patron Santo Niño, tinatanggap mo ang aming panalangin, at pinapangako naming magsisilbi at magmahal sa iyo. Sa bawat hakbang na aming ginagawa, gabayan mo kami, upang maging mga tunay na disipulo ng iyong Banal na Kaharian.

Nawa'y madama namin ang iyong pagmamahal at kapayapaan, sa Kapistahang ito at sa bawat araw ng aming buhay. Maligayang Kapistahan sa Mahal na Patron Santo Niño, aming minamahal at pinagmamalasakitan.

Amen!

𝐕𝐢𝐯𝐚! 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨!

Address

Barigon, Agoncillo
Batangas
4211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santo Niño Chapel, Brgy. Barigon, Agoncillo, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category