Euphrasian Altar Servers

Euphrasian Altar Servers โ€œ๐†๐จ๐ ๐ก๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐๐ž ๐ฎ๐ฌ ๐ฐ๐ก๐š๐ญ ๐ฐ๐ž ๐š๐ซ๐žโ€
-๐„๐ฉ๐ก๐ž๐ฌ๐ข๐š๐ง๐ฌ ๐Ÿ:๐Ÿ๐ŸŽ

TINGNAN!Ang mga sakristan mula sa Parokya ni Sta. Maria Euphrasia ay makikiisa sa pang Bikariyang pagdiriwang ng Ika- 10...
22/11/2025

TINGNAN!

Ang mga sakristan mula sa Parokya ni Sta. Maria Euphrasia ay makikiisa sa pang Bikariyang pagdiriwang ng Ika- 100 Taon Kapistahan ng Kristong Hari. Ito ay nagpapaalala sa atin ng dangal at debosyon ng paglilingkod sa Panginoon. Ang pakikiisa nating ito ay sumasagisag sa ating sama-samang paglalakbay bilang isang sambayanang nagtitipon sa pananampalataya.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-100 Taon ng Kapistahan ng Kristong Hari, inaanyayahan ang lahat ng parokyano at residente ng Batangas City na makibahagi sa prusisyon at mga gawaing pangliturhiya na gaganapin bukas ng hapon, Linggo, Nobyembre 23, 2025. Ang pagtitipon ay magsisimula sa Batangas Provincial Capitol at magpuprusisyon patungo sa Dambana ng Basilica of the Immaculate Conception. Ang pagdiriwang ay naglalayon na muling buhayin ang diwa ng pamumunong nakaugat sa paglilingkod at mas pagyabungin ang pananampalataya sa ating Panginoon.

Viva Cristo Rey!

14/10/2025

The world is in dire need of Real Men. Will you be that man?

22/06/2024

๐˜ฟ๐™„๐˜ฟ ๐™”๐™Š๐™ ๐™†๐™‰๐™Š๐™’?

โ€œLet my prayer be directed as incense in Thy sight; the lifting of my hands, as an evening sacrificeโ€ (Ps. 141:2).

The smoke clouds rising from the thurible are a useful reminder of God's transcendence. The fog obscures our eyesight, reminding us that even though God is among us, He is never intended for us to fully comprehend or see him. Our view is clouded and obscured by the smoke, which reminds us of where we are in God's hierarchy.

The usage of incense and its (ideally) pleasant scent serves as a reminder of God's goodness and beauty while we offer our prayers. The smoke is visible. We hear the embers crackling, maybe even the clink of the chain. Finally, but certainly not least, we hope and trust that our prayers "Rise like the smoke, to God." The Old and New Testaments both make reference to our prayers ascending like incense.

๐Ÿ–ผ Created by: Bro. James of Turno 341 - St. Thรฉrรจse of the Child Jesus Parish Talisay







Today, May 29, ArchB Gilbert celebrates his 41st sacerdotal ordination anniversary. We are grateful to the Lord for bles...
29/05/2024

Today, May 29, ArchB Gilbert celebrates his 41st sacerdotal ordination anniversary. We are grateful to the Lord for blessing us with your ministry and guidance as our caring shepherd. You are a priest forever!

Today, May 29, ArchB Gilbert celebrates his 41st sacerdotal ordination anniversary. We are grateful to the Lord for blessing us with your ministry and guidance as our caring shepherd. You are a priest forever!


28/05/2024
27/05/2024
27/05/2024
27/05/2024

๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ

Si San Tarcisio ay isang batang labindalawang taong gulang na Sakristan (tagapaglingkod ng dambana) na nabuhay noong ikatlong siglo sa Roma na nooโ€™y pinamumunuan ni Emperador Valeriano kung saan inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano. Nooโ€™y palihim ang pagdaraos ng Banal na Misa at pagtatalaga ng Banal na Eukaristiya sa ilalim ng lupa at mga katakumba. Sa kadahilanang ito, naging mapanganib din ang pagdadala ng Banal na Komunyon sa mga Kristiyanong may sakit at nasa kulungan.

Isang araw, nagkataong walang diyakono na magdadala ng Banal na Komunyon sa mga Kristiyanong nasa kulungan. Nagtanong ang pari (pinaniniwalaang ito ang Santo Papa) kung sino ang maaaring magdala ng โ€œMisteryo ng Kakristyanuhanโ€ sa piitan. Tumayo ang batang si Tarcisio at dali-daling sumagot ng ganito: โ€œIsugo mo ako! Ang aking kabataan ay mabisang kalasag para sa Banal na Eukaristiya.โ€ Marami ang tumutol dito sapagkat siya ay bata pa lamang. Sa kabila ng pagtutol ng nakararami, pumayag ang pari at ipinagkatiwala sa kanya ang mahiwagang tinapay. โ€œTarcisio, tandaan mo na ang makalangit na kayamanang iyan na nasa musmos mong kamay ay hindi kailanman maaaring itapon sa mga a*o ni mapakain sa mga baboy. Iwasan mo ang mataong lugar at huwag kalilimutang Banal ang bagay na iyan. Mapangangalagaan mo ba ang Misteryong iyan nang buong pananalig at pag-iingat?โ€ Bilin sa kanya ng pari na may kasamang pagtatanong. โ€œMamamatay muna ako kaysa maibigay ang Banal na bagay na ito sa kanilaโ€, tugon ni Tarcisio.

Sa daan patungo sa piitan, nakasalubong niya ang mga kalaro niyang pagano at inaya siyang maglaro. Tumanggi ito sapagkat may malaking tungkulin siya na dapat niyang unahin. Napansin ng mga kalaro niya ang hawak niya. Pinilit nila itong kunin subalit hindi nila ito nakuha. Nalaman nilang Kristiyano si Tarcisio. Sinimulan nila itong pagbabatuhin at pagsisipain. Sa kabutihang palad, may dumating na guwardiyang Praetoriano na lihim ding Kristiyano at iniligtas ang hinang-hinang katawan ni Tarcisio. Sa daan pabalik ng katakumba, namatay ang musmos na katawan ni Tarcisio nang dala pa rin ang โ€œMisteryo ng Kakristyanuhanโ€. Naging tapat siya sa kanyang tungkulin. Hindi niya isinuko ang Banal na Eukaristiya maging kapalit man nito ang kanyang buhay. Sinasasabing ang Banal na Eukaristiya na kanyang bitbit ay naging parte ng kanyang katawan, laman ng kanyang laman. Inilibing ang batang martir ng Banal na Eukaristiya sa Katakumba ni San Callisto sa Roma at ang kanyang mga relikya ay matatagpuan sa Simbahan ni San Silvestre sa Capite sa Roma.


27/05/2024

๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—•๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ผ ๐—”๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜€

Si Carlo Acutis ay pumanaw sa edad na 15 taon lamang dahil sa nakamamatay na sakit na lukemya, at sa kanyang pagkawala, nakadama ang lahat ng mga taong nakakakilala sa kanya ng isang malaking hungkag sa buhay nila at matinding paghanga para sa kanyang maigsi ngunit masidhing patotoo ng tunay na buhay-Kristiyano. Mula nang matanggap niya ang kanyang pinakaunang Komunyon sa edad na 7 taon, hindi na siya kailanman nakaranas na lumiban sa pang-araw-araw na pagdaraos ng Banal na Misa. Tumatayo siya palagi, bago o pagkatapos ng Banal na Eukaristiya, sa harap ng Tabernakulo bilang pagsamba sa Panginoon na tunay na sumasaatin sa Banal na Sakramento. Siya ay meron ding magiliw na debosyon sa Mahal na Birhen na araw-araw niyang ipinagpupuri sa pamamagitan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo. Ang modernong pamumuhay at mga pangyayari sa buhay ni Carlo ay maayos niyang naihahalo sa kanyang masiglang buhay-simbahan at sa kanyang debosyon kay Maria na mismong dahilan para siya ay maging katangi-tanging binatilyo na hinahangaan at minamahal ng lahat.

Ayon kay Carlo: โ€œAng dapat nating maging layunin ay ang matamo ang walang-hanggan, hindi ang katapusan. Ang walang-hanggan ang ating Pinagmulan. Sa Langit, tayo ay palaging hinihintayโ€. Ayon sa sariling salita ni Carlo: "Lahat ay ipinapanganak na orihinal subalit marami ang namamatay bilang mga kopya". Upang matamo ang layuning ito at hindi โ€œmamatay na isang kopya,โ€ ayon kay Carlo, dapat nating maging aguhon o kumpas ang Salita ng Diyos na dapat nating harapin sa lahat ng oras. Subalit para sa isang Layunin na ganito katayog, kakailanganin ang mga Daan na hindi pangkaraniwan: ang mga Sakramento at ang pananalangin. Higit sa lahat, inilalagay ni Carlo sa gitna ng kanyang sariling buhay ang Sakramento ng Eukaristiya na tinatawag niyang โ€œAng aking daan papunta sa Langitโ€.

Si Carlo ay napakahusay pagdating sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa computer at siya ay itinuturing na henyo ng kanyang mga kaibigan at mga nakatatanda na nakatapos ng Computer Engineering. Namamangha sila sa kanyang kakayahan na maintindihan ang mga nakatagong sekreto at kaalaman sa computer na kadalasang nababatid lang ng mga taong nakatapos sa unibersidad. Ang mga pinagkakawilihan ni Carlo ay binubuo ng computer programming, video editing, paggawa ng website, at maging ang paggawa ng mga magasin kung saan nangangasiwa siya ng pagsulat at layout nito, at hanggang sa pagtulong bilang boluntaryo sa mga nangangailangan, sa mga bata at sa mga matatanda. Samakatwid, maituturing na isang misteryo ang maka-Diyos na binatilyong ito mula sa Diyosesi ng Milan, na bago pumanaw, inihandog niya ang kanyang mga paghihirap sa Papa at sa Simbahan.

ยฉ Opisyal na Website ng Asosasyon CARLO ACUTIS at ng Sanhi ng Canonization ng Mapalad na Carlo Acutis


28/03/2024

Address

St. Mary Euphrasia Parish, De Joya Capitol Village, Kumintang Ilaya, Batangas
Batangas
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Euphrasian Altar Servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Euphrasian Altar Servers:

Share