Kapisanan ng Gintong Pag-Asa

Kapisanan ng Gintong Pag-Asa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapisanan ng Gintong Pag-Asa, Religious organisation, Brgy. Sta. Clara, City of Sto. Tomas, Batangas.

🎉🌸 **94TH STA. CLARA TAPUSAN / MAY FLOWER FESTIVAL 2026** 🌸🎉Isang makulay, masaya, at punong-punong selebrasyon ng pagka...
27/05/2026

🎉🌸 **94TH STA. CLARA TAPUSAN / MAY FLOWER FESTIVAL 2026** 🌸🎉

Isang makulay, masaya, at punong-punong selebrasyon ng pagkakaisa at tradisyon! 💐✨
Halina’t makiisa sa pinakamalaking handaan ng Barangay Sta. Clara kasama ang mga naggagandahang performances, kantahan, sayawan, at walang kapantay na saya! 🎶🎤💃

🎊 *The Ultimate Variety Show 2K26*
📍 Barangay Sta. Clara, Sto. Tomas City, Batangas
📅 May 31, 2026 | ⏰ 11:00 PM-ONWARDS

Kasama ang ating espesyal na panauhin na si Mark Herras at iba pang mahuhusay na performers! 🌟

💖 Sama-sama nating ipagdiwang ang **94 taon ng Tapusan / May Flower Festival** — tradisyong nagbubuklod sa bawat puso ng Sta. Clara!

Mapagpalang araw. Ipinababatid po sa lahat ang opisyal na listahan ng mga Hermana na magpapaalay ng bulaklak para sa Mah...
05/05/2026

Mapagpalang araw. Ipinababatid po sa lahat ang opisyal na listahan ng mga Hermana na magpapaalay ng bulaklak para sa Mahal na Birheng Maria bilang bahagi ng ating pagdiriwang.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta, debosyon, at pakikiisa sa banal na gawaing ito.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Mahal na Birheng Maria. 🙏

Sa pagdating ng unang araw ng Mayo, sumasabay ang pag-usbong ng bagong pag-asa at kagandahan—tila mga bulaklak na unti-u...
01/05/2026

Sa pagdating ng unang araw ng Mayo, sumasabay ang pag-usbong ng bagong pag-asa at kagandahan—tila mga bulaklak na unti-unting namumukadkad sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. 🌸

Ngayong Mayflower Festival 2026 ng Barangay Santa Clara, City of Santo Tomas, Batangas, buong galak naming ipinapakilala ang mga reyna na sumisimbolo sa ningning, biyaya, at kariktan ng ating pamayanan. Tulad ng buwan ng Mayo, sila ay larawan ng pagbubukad ng ganda, lakas, at inspirasyon na nagbibigay kulay at buhay sa ating selebrasyon.

Halina’t tunghayan at ipagdiwang ang kanilang ningning—mga reyna ng Mayo na tunay na sumasalamin sa puso at diwa ng ating tapusan. 👑✨

01/05/2026

Mapagpalang araw sa lahat.

Ang oras po ng alay mamaya ay 6:00 pm sa kadahilanang may misa at holy hour na magaganap.

Maraming Salamat. 🙏

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta sa ating Bingo Fundraising—lalo na sa mga bumi...
30/04/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta sa ating Bingo Fundraising—lalo na sa mga bumili ng bingo cards bilang bahagi ng ating sama-samang paghahanda para sa pagdiriwang ng Mayflower Festival.

Sa bawat ambag ninyo, maliit man o malaki, nabubuo ang isang makulay at makabuluhang selebrasyon na puno ng pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahalan ng ating komunidad. Kayo ang naging dahilan kung bakit mas napalapit tayo sa matagumpay na pagdiriwang na ating inaasam.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Nawa’y patuloy nating pagyamanin ang diwa ng bayanihan at malasakit sa isa’t isa.

Lubos na nagpapasalamat kina:
🔸Mga anak ni Sta. Clara na bumili
🔸Hon. Arth Jhun A. Marasigan and City Government of Sto. Tomas
🔸Hon. Eric M. Jaurigue and Sangguniang Brgy. of Sta. Clara
🔸Hon. Christian Jemuel L. Camacho and Sangguniang Kabataan of Brgy. Sta. Clara
🔸Fr. Rev. Eric Joaquin Arada
🔸Mr. & Mrs. Randy and Leny Camitan
🔸Hon. Ford M. Jaurigue
🔸Mr. & Mrs. Domeng Jaurigue & Family
🔸Hon. Josel Lemus & Family
🔸Mrs. Maggie Sancebuche

Sa buong buwan ng Mayo—mula ika-1 hanggang ika-31—ating binibigyang-pugay ang Hermana ng mga Pag-aalay ng Bulaklak para ...
30/04/2026

Sa buong buwan ng Mayo—mula ika-1 hanggang ika-31—ating binibigyang-pugay ang Hermana ng mga Pag-aalay ng Bulaklak para kay Mahal na Birheng Maria.

Sa bawat araw ng pag-aalay, ang Hermana ay nagsisilbing gabay at inspirasyon sa taimtim na debosyon, handog ang panahon, sipag, at puso upang mapanatili ang kagandahan at kabanalan ng ating tradisyon. Tulad ng mga bulaklak na iniaalay, ang kanilang paglilingkod ay sumasagisag sa kadalisayan, pagmamahal, at pananampalataya.

Isang pagpupugay sa mga Hermana na naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito—patunay na ang simpleng pag-aalay ay nagiging dakilang handog kapag ito’y nagmumula sa pusong tapat kay Ina ng lahat.

Narito ang listahan ng hermana para sa unang linggo.

Ang oras po ng alay bukas ay 6:00 pm sa kadahilanang may misa at holy hour na magaganap.

Maraming Salamat. 🙏

Bingo Bonanza at Brgy. Covered Court, 5pm! See you there!
25/04/2026

Bingo Bonanza at Brgy. Covered Court, 5pm! See you there!

Magandang gabi po. Ipinababatid ng Kapisanan ng Gintong Pag-asa na ang Bingo Bonanza ay gaganapin sa Abril 25, 2026 (Sabado), ganap na ika-5 ng hapon sa ating barangay covered court.

Para sa mga nais bumili ng bingo cards, maaari po kayong makipag-ugnayan sa alinmang opisyal ng KGP.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta.

Magandang gabi po. Ipinababatid ng Kapisanan ng Gintong Pag-asa na ang Bingo Bonanza ay gaganapin sa Abril 25, 2026 (Sab...
17/04/2026

Magandang gabi po. Ipinababatid ng Kapisanan ng Gintong Pag-asa na ang Bingo Bonanza ay gaganapin sa Abril 25, 2026 (Sabado), ganap na ika-5 ng hapon sa ating barangay covered court.

Para sa mga nais bumili ng bingo cards, maaari po kayong makipag-ugnayan sa alinmang opisyal ng KGP.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta.

Mapagpalang gabi. Bukas pagkatapos ng banal na misa po ito magaganap. Salamat po
11/04/2026

Mapagpalang gabi. Bukas pagkatapos ng banal na misa po ito magaganap. Salamat po

05/04/2026

MR. JIMBOY BRIONES IGLESIA
Kapisanan ng Gintong Pag-asa President 2026.

Halina’t ating suportahan ang bagong presidente ng KGP para sa makabuluhang MAY FLOWER FESTIVAL 2026.

Maraming salamat. 💚

🎥: Parish of Sta. Clara

Mapagpalang Gabi sa ating lahat. 🙏🏻Sa mga nagnanais pong maging Reyna sa darating na May Flower Festival / TAPUSAN 2026 ...
20/03/2026

Mapagpalang Gabi sa ating lahat. 🙏🏻

Sa mga nagnanais pong maging Reyna sa darating na May Flower Festival / TAPUSAN 2026 ay mangyare po lamang na magbigay alam sa kahit na sinong KGP Officers po o magpadala ng mensahe sa page na ito.

Ang bunutan ng mga magiging reyna ay gaganapin po sa Abril 12, 2026 pagkatapos ng Banal na Misa.

Ang mga titulo;
👑Reyna Elena👑
👑Dama 1 👑
👑Dama 2 👑
👑Sagala 1 👑
👑Sagala 2 👑

Maraming salamat po. ❤️

Address

Brgy. Sta. Clara, City Of Sto. Tomas
Batangas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng Gintong Pag-Asa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share