19/12/2024
Ikalimang Araw ng Simbang Gabi 🙏🌟
Sa ating patuloy na paghahanda sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoon, nawa’y patatagin Niya ang ating pananalig, maging tapat tayo sa ating mga pangako, at manatiling nakatindig sa ating mga prinsipyo.
Panalangin natin na gabayan Niya ang ating puso upang laging pumili ng tama at maglingkod nang may katapatan sa kapwa. Tulungan nawa tayo ng Diyos na maging liwanag para sa isa't isa.
☝️❤️