09/07/2026
Paalam at Maraming Salamat, Bro. Pedro "Pete" Amutan! 🕊️
Ang San Nicolas de Tolentino Parish ay nakikiisa sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng ating minamahal na lingkod ng Simbahan, Bro. Pedro "Pete" Amutan.
Bilang isang tapat na Miyembro ng Instituted Lay Ministers, Adoracion Nocturna Filipina, at Lectors and Commentators, buong puso niyang inialay ang kanyang panahon, kakayahan, at pananampalataya sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang sambayanan.
Maraming salamat, Bro. Pete, sa iyong walang sawang paglilingkod sa Banal na Misa,sa ating simbahan, sa mga kapilya, sa mga paaralan, at saanman ka ipinadala upang maglingkod. Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod sa pagdiriwang ng mga Sakramento at mga banal na gawain ng Simbahan: sa mga Misa para sa mga yumao, kasal, kumpil, Unang Banal na Komunyon, at sa napakarami pang pagkakataong naging katuwang ka sa pagpapalaganap ng pananampalataya.
Ang iyong kababaang-loob, dedikasyon, at katapatan sa ministeryo ay nagsilbing inspirasyon sa maraming mananampalataya. Ang iyong buhay ay naging tunay na saksi ng paglilingkod kay Kristo at sa Kanyang Simbahan.
Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May he rest in peace. Amen.
San Nicolas de Tolentino, Patron ng mga Kaluluwa sa Purgatoryo, ipanalangin mo ang kaluluwa ni +Bro. Pedro "Pete" Amutan.