Our Father Mission of Love Church

Our Father Mission of Love Church JESUS is the way, the truth, and the life. John 14:6

Huwag nating kakaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang lo...
13/06/2023

Huwag nating kakaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t-isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon. Mga Hebreo 10:25

Minsan, matagal ang paghihintay sa pagtugon ng Dios sa ating idinadalangin. Pero kahit na matagal ang ating paghihintay,...
03/02/2023

Minsan, matagal ang paghihintay sa pagtugon ng Dios sa ating idinadalangin. Pero kahit na matagal ang ating paghihintay, patuloy lamang tayong magtiwala sa Dios. Inihahanda Niya ang lahat ng bagay sa tamang panahon.

Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang. – Habakuk 2:3

Basahin: Mateo 7:24–29Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)24 “Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aki...
02/02/2023

Basahin: Mateo 7:24–29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
24 “Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aking mga sinasabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato.
25 Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa matibay na pundasyon.
26 Ngunit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita pero hindi naman ito sinusunod ay parang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin.
27 Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, nagiba ito at lubusang nawasak.”
28 Pagkatapos ipangaral ni Jesus ang mga bagay na ito, namangha ang mga tao,
29 dahil nangaral siya nang may awtoridad at hindi tulad ng kanilang mga tagapagturo ng Kautusan.

Last Sunday's Message Part II: Powerful Names of God in the Bible
01/02/2023

Last Sunday's Message Part II: Powerful Names of God in the Bible

Last Sunday's Message: Powerful Names of God in the Bible
01/02/2023

Last Sunday's Message: Powerful Names of God in the Bible

31/01/2023

Pagkaing Espirituwal ngayong Martes
Enero 31, 2023
Pamagat: Magpatawad

Huwag kayong papatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. – Roma 12:21

Basahin: Roma 12:9–21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

9 Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.
10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.
11 Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong pusong maglingkod sa Panginoon.
12 At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.
13 Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.
14 Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain.
15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis.
16 Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat.
18 Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.
19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”
20 Kaya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo. Kung siyaʼy nauuhaw, painumin mo. Dahil kapag ginawa mo ang mga ito, mapapahiya siya sa kanyang sarili.”
21 Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

Noong taong 1994, binuwag ng bansang Timog Aprika ang sistema ng apartheid – pagtuturing na mababa ang iba. Pinalitan nila ito ng sistemang demokratiko. Naging mahirap sa simula ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno. Sinabi ni Desmond Tutu, na sumulat ng aklat na No Future Without Forgiveness, “Maaari nating makamit ang katarungan kahit pa mahirapan ang bansa natin.”

Dahil sa pagkakaroon ng bagong pamunuan sa gobyerno, naging mahirap para sa Truth and Reconciliation Committee na magkaloob ng katotohanan, hustisya, at awa sa mga tao. Binigyan ng pagkakataong mapatawad at magbago ang mga taong nagkasala kung aamin sila sa mga pagkakamali nila at hihingi ng tawad. Mabubuo lamang muli ang bansang Timog Aprika kung matapang silang haharap sa katotohanan at magpapatawad.

Katulad ng Timog Aprika, nahihirapan din tayong magkaroon ng balanse sa pagkakaloob ng pagpapatawad at hustisya sa mga tao (Micas 6:8). Nararapat tayong magpakita ng pagpapatawad sa iba. Hindi tayo dapat gumanti sa iba para lang makamit nag hustisya.

Hinihikayat tayo ng Dios na lagi tayong magpakita ng pagpapatawad at pag-ibig sa iba. Hinihikayat Niya rin tayo na, “Iwasan ang masama at laging gawin ang mabuti (Roma 12:9). Hindi rin tayo dapat gumawa ng masama sa ating kapwa (13:10). Sa tulong ng Banal na Espiritu, makakaya nating magpatawad, magmahal, at huwag gumawa ng masama sa ibang tao (12:21).

Naranasan mo na ba na hindi mabigyan ng katarungan?

- Monica La Rose

Mapagmahal na Dios, sa tuwing nakakaranas ako ng kalungkutan at kawalan ng hustisya, tulungan Mo po akong magpatawad at piliing magmahal.

React, Share, and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ourdailybreadpilipinas
Visit filipino-odb.org
to learn more about Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright © 2023 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
Disclaimer: Please note that internet browsers and online platforms may have built-in translation features that may inadvertently change the meaning and overall thought of our content.

Address

Banaba San Pascual
Batangas
4204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Father Mission of Love Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share