Ministry of the Altar Servers Hermosa Bataan

  • Home
  • Ministry of the Altar Servers Hermosa Bataan

Ministry of the Altar Servers Hermosa Bataan This is the Official page of Ministry of the Altar Servers in Saint Peter Martyr of Verona

Maligayang kaarawan JM!"Ang grasya ng panginoon ay laging sumaiyo at gabayan ka nawa niya sa bago kabanata ng iyong buha...
21/05/2026

Maligayang kaarawan JM!

"Ang grasya ng panginoon ay laging sumaiyo at gabayan ka nawa niya sa bago kabanata ng iyong buhay”

Maligayang kaarawan sa isang tunay na lingkod ng Diyos! Patuloy kang maging ilaw at inspirasyon sa bawat kabataan at sa lahat ng iyong ginagawa. Nawa'y pagpalain ka ng Panginoon ng walang hanggang kaligayahan at pag-ibig


Maligayang kaarawan Dhaile!"Ang grasya ng panginoon ay laging sumaiyo at gabayan ka nawa niya sa bago kabanata ng iyong ...
13/05/2026

Maligayang kaarawan Dhaile!

"Ang grasya ng panginoon ay laging sumaiyo at gabayan ka nawa niya sa bago kabanata ng iyong buhay”

Maligayang kaarawan sa isang tunay na lingkod ng Diyos! Patuloy kang maging ilaw at inspirasyon sa bawat kabataan at sa lahat ng iyong ginagawa. Nawa'y pagpalain ka ng Panginoon ng walang hanggang kaligayahan at pag-ibig


Panalangin sa Ikasiyam na Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de VeronaO Aming Diyos na mapagkaloob batis na hindi natutu...
02/05/2026

Panalangin sa Ikasiyam na Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de Verona

O Aming Diyos na mapagkaloob batis na hindi natutuyuan ng biyaya, bukal ng walang hanggang saklolo sa paggawa ng magaling upang luminis ang kaluluwa sa dungis ng kasalanan, tulad ng ipinagkaloob sa inyong karapat-dapat na aliping San Pedro Martir, na gumawa ng maraming himala alang-alang sa kagalingan ng kapwa; isinasamo namin Panginoon na buksan ang malabo naming pag-iisip, magamot ang aming kabingihan, ituwid ang aming pamumuhay at pagalawin ang aming dila; upang magpuri sa inyo; at buhayin ang aming kaluluwa sa inyong mahal na biyaya. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang guninanasa sa pagsisiyam na ito.





Panalangin sa Ikawalong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de VeronaO Diyos at Panginoong mga hukbo, sandata at ...
01/05/2026

Panalangin sa Ikawalong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de Verona

O Diyos at Panginoong mga hukbo, sandata at lakas ng dumudurog sa mga kaaway ng ating pananampalatayang Katoliko, dinggin ang lakas at tinig ng inyong kawal na si San Pedro Martir, na dahil sa inyong kaluwalhatian ay nagtamo sa mga tao, nagpabalik loob ang mga pusakal na erehe at inakit sa loob ng Iglesia Katolika, na hindi nabawasan ang ningas ng pananampalataya sa kanyang puso sa malakas niyang pamamagitan. Ipagkaloob aming Panginoon ang pananatili sa pananampalatayang Katoliko, upang magtagumpay sa mga kaaway ng aming kaluluwa na gaya ng hinihingi dito sa pagsisiyam. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsasasyam na ito.



Panalangin sa Ikapitong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de VeronaO mapagpaumanhin naming Hesus! Na upang turu...
30/04/2026

Panalangin sa Ikapitong Araw ng Nobenaryo kay Apo San Pedro Martir de Verona

O mapagpaumanhin naming Hesus! Na upang turuan kaming magtiis at magbata ng mga upasala at paratang, ay nagtitiis kayo ng walang bilang na pagpapakasakit at paghamak ng daigdig, dinggin ang walang katulad na pagpapaumanhin ng inyong karapat dapat na aliping San Pedro Martir de Verona, na sa pagbabata ng lahat ng paratang at pagpapakasakit ay nagpakita ng katuwaan tuwina na walang imik; ipagkaloob po ninyo alang-alang sa kanyang mga karapatan at malakas na pamamagitan, na kung mapagtitiisan ko ang hirap sa mga gawain sa buhay na ito, ay makamtam namin ang kabanalang hinihingi sa pagsisiyam na ito. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apo San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.



πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€π€π‘π€π–π€π 𝐏𝐎, 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 π„π‘ππˆπ„!Ang inyong Ministry of Altar Servers ay bumabati sa inyo ng isang Maligayang Kaaraw...
30/04/2026

πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€π€π‘π€π–π€π 𝐏𝐎, 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 π„π‘ππˆπ„!

Ang inyong Ministry of Altar Servers ay bumabati sa inyo ng isang Maligayang Kaarawan, Father Ernie! Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong serbisyo at patnubay sa ating parokya, at lalo na sa aming Ministry! Nawa'y patuloy po kayong biyayaan ng Poong Maykapal sa inyong pamamastol sa amin at sa sambayanan ng San Pedro de Verona.



Panalangin sa Ikaanim na Araw na Nobenaryo para kay Apo San Pedro Martir de VeronaO aming Diyos, dalisay na Espiritu at ...
29/04/2026

Panalangin sa Ikaanim na Araw na Nobenaryo para kay Apo San Pedro Martir de Verona

O aming Diyos, dalisay na Espiritu at ibiging esposo ng mga Birheng nasa inyong pagtahan sa puso ng mga tao ay lumilinis at biyayaan ng kalangitan. Pagkalooban po kami Panginoon, ng wagas na pag-ibig na tinaglay ng iyong aliping San Pedro Martir de Verona, at ng kanyang pag-iingat sa katawan at kaluluwa sa kanyang buhay; at dahil dito'y naging dapat ang ating Santo na dalawin siya ng Mahal na Birhen sa kanyang silid na kasama ng mga Martires, Santa Cecillia, Ines at Catalina; ay parito ka parito esposong kalinis-linisang mga Birhenes sa aking kaluluwa at pag-alabin mo ako sa pag-ibig sa kalinisan at gawaing tahanan di man dapat, katulad ng ninanasa ko dito sa pagsisiyam. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.



29/04/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ | π“π€π‹π€πŒππ”π‡π€π˜ 𝐀𝐓 πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€π’π€ππ“πŽ 𝐍𝐆 π€ππŽ 𝐒𝐀𝐍 ππ„πƒπ‘πŽ πŒπ€π‘π“πˆπ‘ 𝐃𝐄 π•π„π‘πŽππ€







[Background Music: "Panginoon, Narito Ako" by Himig Heswita, Chris Dumadag SJ, the images used in the video belongs to their rightful owners.]

Panalangin sa Ikalimang Araw ng Nobenaryo Para kay Apo San Pedro Martir de VeronaO maibiging Hesus, g**o ng taga-pagturo...
28/04/2026

Panalangin sa Ikalimang Araw ng Nobenaryo Para kay Apo San Pedro Martir de Verona

O maibiging Hesus, g**o ng taga-pagturo sa sanlibutan, na si pagkamatiisin ng inyong alipin ay nangauna kayo sa pagbabata ng dilang kahirapan, upang matutuhan ang pag-iwas sa mga layaw ng daigdig, dinggin po ninyo ang aming tagapamagitan at alagad ninyong San Pedro Martir, na matuto kaming magpakahirap magsanay sa pagdaralita, mag-pakasakit sa sarili at iba pang pagtitiis; ipagkaloob po ninyo sa amin alang-alang sa kanyang mga karapatan, ang kabanalang ito ng pagpapakasakit sa sariling loob, pag- iisip pandamdam at buong pagkatao at nang luminis ang aming kaluluwa sa dungis ng mga kasalanan at sa ganitong paraan ay maging dapat kaming magtamo ng biyaya. Siya Nawa

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.



Panalangin sa Ikaapat na Araw ng Nobenaryo para kay Apo San Pedro Martir de VeronaO di matingkalang kapangyarihan ng Diy...
27/04/2026

Panalangin sa Ikaapat na Araw ng Nobenaryo para kay Apo San Pedro Martir de Verona

O di matingkalang kapangyarihan ng Diyos at Panginoon, sa langit at lupa na dahil sa pagpapakababa at kabanalang dalisay ay hinamak ang kadakilaan, nagkatawang tao at isinilang sa isang sabsabang nilapastangan ng mga hudyo hanggang mamatay ng kalait- lait sa krus; dinggin Panginoon sa gayong kababaan ng aming tagapamagitang San Pedro Martir na nang papurihan ng bayan pasanin niya sa balikat at iakyat sa pulpito at gayun man ay hindi kailanman nagpalalo, ay sa pamamagitan ng kanyang mga dalangin at karapatan, ay ipinagkaloob naman sa amin ang kabanalang ito, upang matamo namin ang inyong mahal na biyaya. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.



π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—žπ—”π—§π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺO Diyos na lipos ng pag-ibig sa tao! Alang- alang sa inyong wagas na kabutihan ay gawin ninyo...
26/04/2026

π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—žπ—”π—§π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

O Diyos na lipos ng pag-ibig sa tao! Alang- alang sa inyong wagas na kabutihan ay gawin ninyo Panginoon, na maalab ng (iyong) pag- ibig na inyong ipinagkaloob sa inyong alipin at tagapagtanggol naming San Pedro Martir, ay makintal sa puso at damdamin ng lahat ng tao, mabuhay sa kalinisan ng pagtulad sa inyo at pagsisikap na kayo po lamang ang ibigin sa habang buhay na ligtas sa kakulangan ng kasalanan at kung magiging dapat ay makapisan ninyong maghari sa kaluwalhatian sa langit. Siya Nawa.

Dasalin ang tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Gloria, tuloy hingin sa Apong San Pedro ang mga biyayang ninanasa sa pagsisiyam.



Address

Poblacion Hermosa, Bataan

2111

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of the Altar Servers Hermosa Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship?

Share