26/12/2025
Maligayang Kaarawan, San Jose Marello๐ฅณ
Ngayong araw ay ginugunita ang ika-181 kaarawan ng ating founder na si St. Joseph Marelloโang huwaran na modelo at patnubay ng mga kabataan. At bilang pag alala at pag gunita, sama sama po tayong manalangin
PANALANGIN KAY SAN JOSE MARELLO
O San Jose Marello, katulad ng iyong pintakasi at huwarang si Poong San Jose, ikaw ang patunay na ang kabanalan ay hindi natatamo sa mga di-pangkaraniwang pamamaraan na siyang umaakit ng pansin ng mundo kundi sa pamamagitan ng araw-araw na pagsasabuhay ng mga katangian ng kapayakan, pagkakawanggawa at kapakumbabaan ng may buong pagtitiwala sa Dakilang Lumikha, itinatag mo ang Oblatos ni San Jose upang mapaglingkuran ang mga kapakanan ni Hesus sa pagtulad sa Kanyang Tagapangalaga at Patnubay.
Ama ng mga kabataan, tagapagsanggalang ng mga dukha at mga matatanda, mahinahong pastol ng iyong kawan, huwaran ng pagkakawanggawa, pinagsanib mo ang lakas at kabutihan, ang panalangin at paggawa, ang katapatan sa Simbahan at masigasig na pagkilala sa mga palatandaan ng mga panahon.
Nawa ay magbigay inspirasyon ang iyong buhay na banal sa mga kabataan na tanggapin ang Mabuting Balita bilang kanilang tiyak na gabay, ang mga Oblato bilang mga kubli at tapat na kasangkapan ng mga gawain ng Diyos, ang mga pari at mga Obispo bilang mga matatapat at mapagmahal na mga pastol.Samahan mo kaming manalanging mabuhay kaming lahat ng may kapayapaan sa aming puso't isipan na nagmumula lamang sa isang mapagtiwalang pagsuko sa kalooban ng Diyos.
Amen.