24/02/2026
Magandang Buhay! Maari ba nming mahingi ang inyong tulong sa pamamagitan ng pagshare at pag-react sa picture na ito. Maraming Salamat mga Ka-DYMC! ๐๐
11 ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ผ ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐๐: "๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป. ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐๐ฎ. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฎ."
Kabataang DYMC, Kandilang Hindi Nauupos!
Itong larawan na ito ay kuha noong nakaraang Grand Rosary Rally, na kung saan nagpapakita na ang mga Kabataan ang pag-asa at nagdadala ng Grasya. Ipinapakita sa larawan na bawat kandilang hawak natin bilang mga kabataang DYMC, hindi lamang ito sumisimbolo ng Liwanag, kundi itoโy larawan ng ating sariling buhay. Tulad ng kandila, may mga pagkakataong tayoโy natutunaw sa pagod, nasusubok ng hangin ng problema, at tila pinapatay ng dilim ng pangamba. Ngunit hindi tayo basta nauupos. Patuloy tayong nagniningas dahil alam nating ang apoy na nasa atin ay hindi lamang atin, itoโy grasya ng Diyos na ipinagkatiwala sa ating mga puso.
Tayo ang kabataang hindi nawawalan ng pag-asa kahit ilang ulit madapa. Tayo ang patuloy na nangangarap hindi lamang para sa sarili kundi para maging biyaya rin sa kapwa. Sa bawat outreach, sa bawat dasal, sa bawat simpleng pagdamay sa iba, pinipili nating maging liwanag. Hindi man tayo perpekto, pinipili pa rin nating maglingkod. Hindi man madali ang daan, patuloy pa rin tayong naglalakad.
Ang kabataan ay Grasya dahil tayo ang paalala na ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa bagong henerasyon. Ang kabataan ay pag-asa dahil sa bawat pangarap nating binubuo, may kinabukasang hinuhulma. At bilang mga miyembro ng DYMC, dala natin ang misyong maging kandilang hindi lamang nagbibigay-liwanag kundi nagpapaliyab din ng puso ng iba.
Sa ating mga kamay, ang kandila ay hindi lamang simbolo kundi pangako: hanggaโt may isang pusong handang maniwala, may liwanag na hindi kailanman mawawala. At habang tayoโy patuloy na nangangarap at nagiging grasya sa kapwa, ang ating liwanag ay hindi lamang sisilay kundi patuloy na magniningning. Muli, ang โKabataang DYMC ay ang Pag-asa na nagbibigay ng Grasya sa kapwa.โ