CEC - Christ Evangelist Choir

CEC - Christ Evangelist Choir A group of individuals who share the same passion for singing and serving the Lord.

23/12/2025

[TINGNAN] Ang masiglang paghahanda ng Christ Evangelist Choir at San Jose de Baras Choir para sa mga awitin na magpupuno ng galak at pag-asa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa bisperas ng Pasko. ✨✨

23/11/2025

Ngayong ika-23 ng Nobyembre ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan, ito rin ang hudyat ng pagwawakas ng liturhikal na kalendaryo ng Simbahang Katolika.

Narito ang "Christus Vincit/O Kristong Haring Marangal" na inawit ng Christ Evangelist Choir sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Video Credits: SOCOM Baras

31/10/2025

Sa pagwawakas ng buwan ng Oktubre, ating isinisinara ang panahong inilaan para sa pagninilay at pananalangin sa pamamagitan ng Santo Rosaryo.

Ang bawat butil ng rosaryo ay hindi lamang kasangkapan sa pananalangin, kundi isang tulay na nag-uugnay sa atin sa Panginoong Hesukristo—sa gabay at pamamagitan ng Kaniyang Ina, ang Mahal na Birheng Maria.

Sa ating paglalakbay sa buhay, may Ina tayong laging tumatanglaw, dumadalangin, at umaakay sa atin. Ang Santo Rosaryo ay isang banal na regalo at paalala upang tahakin natin ang landas ng kabanalan—ang landas patungo sa kaharian ng langit, kung saan ang tunay at ganap na kaligayahan ay naghihintay.

Ipanalangin mo kami, O Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo, nang kami ay maging karapat-dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
AWIT SA INA NG SANTO ROSARYO
Music and Lyrics by: Rev. Fr. Carlo Magno S. Marcelo
Performed by: Christ Evangelist Choir

[TINGNAN] Kahapon, sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Ikadalawampu’t Walong Linggo sa Karaniwang Panahon sa Pandiyo...
12/10/2025

[TINGNAN] Kahapon, sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Ikadalawampu’t Walong Linggo sa Karaniwang Panahon sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose, buong pusong umawit ang Christ Evangelist Choir at nakiisa sa pagsusuot ng puti—bilang pagtugon sa panawagan ng CBCP na magsuot ng puting damit ang mga mananampalataya sa lahat ng Misa sa buwan ng Oktubre at Nobyembre 2025.

Ang puting kasuotan ay sagisag ng pananalangin para sa kaayusan ng mga kaganapan sa ating bansa, at isang taimtim na paghingi sa Diyos na tayo’y ipag-adya mula sa anumang sakuna at kapahamakan.
Bilang isang bayan at simbahan, patuloy nawa tayong manalangin para sa ating bayan.

08/10/2025

Ngayong buwan ng Oktubre, pinararangalan natin si Maria bilang Reyna ng Santo Rosaryo.

Sa bawat pagdarasal at pagtangan natin ng Rosaryo, pinatitibay nito ang ating ugnayan kay Kristo at nagsisilbing paalaala na sa landasin ng buhay, mayroong tayong mapagkalingang Ina na walang sawang dumadalangin para sa ating kapakanan.

Pakinggan natin ang isang awiting parangal sa Mahal na Birheng Maria, inihandog ng Christ Evangelist Choir sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Culminating Activity ng 36th Family Rosary Crusade sa Siena College of Taytay at Fiesta Mass sa MPC Cottonwoods Chapel sa Antipolo City

Sa lilim ng kanyang pagkalinga, tayo’y ligtas sa anumang kapahamakan—puspos ng pag-ibig, lingap, at pag-asa.

SA LILIM NG 'YONG PAGKALINGA
Composed by: Bro. Richard G. Pazcoguin, OP
Performed by: Christ Evangelist Choir

28/09/2025

Sa Mabuting Balita ngayong Ika-dalawampu’t Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon, ipinapaalala sa atin ang kahalagahan ng pagsusumikap—hindi upang kamtin ang makamundong yaman, kundi ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.

Sa talinhaga ng isang mayamang lalaki at ni Lazaro, itinuturo sa atin ang kahalagahan ng pagkalinga at pagmamahal sa kapwa—ang pagkilala sa mukha ng Diyos sa bawat taong ating nakakasalamuha. Ito ang landas tungo sa tunay na pagsasabuhay ng ating pananampalataya, na magbubunga ng kaluwalhatiang walang hanggan sa langit.

Ating balikan at pakinggan ang isa sa mga awiting inihandog ng Christ Evangelist Choir (CEC) sa pagdalaw ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa bayan ng Baras noong ika-20 ng Setyembre 2024.

24/08/2025

Ngayong ika-dalawampu’t isang Linggo sa Karaniwang Panahon, inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesus sa Mabuting Balita na tahakin ang landas na may makipot na pintuan—ang pagsunod sa Kanyang mga yapak, isang dakilang tanda ng pag-ibig na handang ialay ang sarili alang-alang sa kalooban ng Ama.

Ating balikan at pakinggan ang isa sa mga awiting inihandog ng Christ Evangelist Choir (CEC) sa pagdalaw ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa bayan ng Baras noong ika-20 ng Setyembre 2024.

Address

Baras

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CEC - Christ Evangelist Choir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share