GTYM It's GTYM (God Time) with GTYM (God's Team). Come and join us and bring Good News to the world!

25/01/2021

A great question to ponder!

Why do you read the Bible?

Start your day with a prayer 🙂
19/01/2021

Start your day with a prayer 🙂

At habang nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang kanyang kamay nananalo...
14/12/2020

At habang nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang kanyang kamay nananalo naman ang mga Amalekita...
..Gumawa si Moises ng altar at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ang aking Bandila ng Tagumpay.”

Exodus 17:11‭, ‬15 ASND

Ano/Sino ang itinataas at ibinabandera natin sa buhay?

Nakakapagod ang mga labanan sa isip, sa damdamin at sa praktikal na buhay. Ano o sino ang magpapalakas ng loob mo para mapagtagumpayan ang mga laban na ito?

Si LORD mismo ang magpapaalala sa atin na Siya lang at wala nang iba ang pinanggagalingan ng tagumpay dahil Siya mismo ay "bandila" ng tagumpay, Siya mismo ang "simbolo" ng panalo.

Pagod ka na ba? Tingin lang sa taas, iwagayway ang "Watawat ng tagumpay" kapag ika'y nanlulupaypay.

Magandang araw, pagpalain tayo ng Maykapal!

Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat para turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, ta...
08/12/2020

Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat para turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.

Roma 15:4 ASND

At sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan, na walang iba kundi ang mga mananampalataya, ay pinag-uugnay-ugnay,...
07/12/2020

At sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan, na walang iba kundi ang mga mananampalataya, ay pinag-uugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin nang may pag-ibig, ang buong katawan ay lalago at lalakas.

Efeso 4:16 ASND

May bilang ka kapatid! Hindi ka man kabilang sa music ministry, humahalili kay Pastor sa preaching o isang youth leader, kabahagi ka ng Body of Christ.

Sa simpleng panalangin para sa church, malaki ang naiaambag natin para sa guidance at unity ng ating iglesia. Bukod doon, marami pang ibang options. Just pray to God na i-reveal Niya kung ano ang pwede mong maging part sa ikalalago ng iyong church.

Blessed Monday and week ahead!

Madalas hinahanap natin ang Diyos at natutuksong huwag nang maniwala kapag di natin nararanasan ang mga himala Niya at g...
04/12/2020

Madalas hinahanap natin ang Diyos at natutuksong huwag nang maniwala kapag di natin nararanasan ang mga himala Niya at gawa sa buhay natin.

Ang totoo, malapit lang talaga Siya. Minsan ang sukatan ng pagiging malapit ng Diyos ay hindi sa visible na nagagawa Niya kundi sa willingness natin makinig at sumunod sa mga aral Niya.

Willingness to hear, read and obey His Word are the keys to His nearness.

Be aware of His presence through His Word.

Happy weekend kapatid.

Ahaziah sent a third army officer and 50 more soldiers. This officer went up to Elijah, then he got down on his knees an...
01/12/2020

Ahaziah sent a third army officer and 50 more soldiers. This officer went up to Elijah, then he got down on his knees and begged, “Man of God, please be kind to me and these 50 servants of yours. Let us live! Fire has already wiped out the other officers and their soldiers. Please don't let it happen to me.”

2 Kings 1:13‭-‬14 CEV

Sometimes, our choice of words determines the outcome of events in our life. Ilang beses ka na ba napahamak dahil mali ang nasabi mo? O ilang beses ka nang na-misinterpret ng tao dahil mali ang choice of words mo? Ilang tao na ang na-offend dahil medyo "mahangin" ang dating ng iyong pananalita?

Choose your words wisely.

God bless you...

01/12/2020

We believe that every believer is mandated by God to make disciples. What role do you play to fulfill it? Are you a mobilizer, a sender, a goer, or an intercessor?

Share it with us!

🥰🙏✝️
25/11/2020

🥰🙏✝️

We sure have different experiences in the past weeks. Some are good, some are not so good. Let us know how your November's coming along.

Describe it in the emojis that best describe this 2nd to the last month of 2020!

Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Ngunit huwag ka rin nama...
24/11/2020

Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Ngunit huwag ka rin namang magpapakasama ni magpapakamangmang at baka mamatay ka nang wala sa panahon. Huwag kang magpapakalabis ng kabutihan o kasamaan. Sa anumang kalagayan mo, magtatagumpay ka kung may takot ka sa Diyos.

Ang Mangangaral 7:16‭-‬18 MBB05

Huwag magpakasama o magpakamangmang... Alam na natin yan simula bata pa tayo. Matic na kumbaga.

Pero nakakita na ba kayo ng taong sobrang talino/bait/banal to the point na madalas matawag na "KJ"? Siguro oo. Napaka uneasy pakitunguhan ng mga ganitong tao dahil natatakot ka na baka:

1. Basahan ka ng bible verse karakaraka kapag merong "napakasimpleng" bagay na disagree siya sa'yo.

2. Pagmukhain kang ewan sa sobrang talino nya, eh nagbibiro ka lang naman para magtawanan kayo.

3. Sobrang bait eh obvious nang inaabuso.

The bible teaches us to be good and holy. At the same time, itinuturo ng bible na maging maayos tayo sa pakikitungo sa kapwa.

You can be holy without being overly religious. You can be intelligent without making others look stupid. You can be kind without compromising yourself. Make God the center of everything. Balance lang kapatid.

Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the ...
22/11/2020

Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles. And let us run with perseverance the race marked out for us,

Hebrews 12:1 NIV

Many people wants to hear God's voice and to know His will. But most of the time end up being clueless and unbelieving.

The thing is, God really wants to speak to us but there could be something in our lives that could hinder us from hearing His message and knowing His will.

Could it be our busyness? Our sins? Our frustrations with Him? Or we simply don't know who He really is?

Whatever it is, if we really want to have an established relationship with our God, set aside a time and pray so you can know Him more and more of His plans and will for your life.

Blessed week ahead...

USAPANG UNDAS:TANONG: Sabi nila, ang Puno ng Balete raw ay tirahan ng kapre... Eh paano kung bonsai yung balete? Bonsai ...
31/10/2020

USAPANG UNDAS:

TANONG: Sabi nila, ang Puno ng Balete raw ay tirahan ng kapre... Eh paano kung bonsai yung balete? Bonsai na rin ba yung kapre? At kung bonsai yung kapre, kapre pa rin ba siya o nuno? 🤔

Ang Araw ng mga Patay o Undas kung tawagin nating mga Pilipino ay hindi dapat maging araw ng katatakutan, araw ng maligno o araw ng mga multo kundi Araw ng Pag alala sa naging buhay ng mga namatay nating mahal sa buhay. At bilang pag alala rin na tayo mang nabubuhay ay mamamatay rin sa nakatakdang araw para sa atin.

Mali ang konsepto ng Halloween kung saan para bagang itinatanghal ang kapangyarihan ng kadiliman. Sabi ng Biblia sa 1 Corinto 10:31
"Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.".

Sino kaya ang naluluwalhati kapag nagsusuot tayo ng mga nakakatakot na costume? Diyos ba o si Satanas?

Maging mapanuri tayo sa bawat pagdiriwang na ginagawa natin. Alamin ang pinagmulan, at pinatutungkulan ng selebrasyon. At itanong sa sarili, "Diyos ba ang aking naluluwalhati?"

Mapagpalang araw ng Linggo. Ingat po tayo sa bagyo...🙂

Address

Basilio Street
Balanga
2110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GTYM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share