Extraordinary Minister of Holy Communion - Birhen Ng Lourdes Parish

Extraordinary Minister of Holy Communion - Birhen Ng Lourdes Parish This page is dedicated to sharing faith, reflection, devotion centered on the Holy Eucharist.

As an EMHC, I am called to serve Christ by bringing His Body to the faithful, especially the sick, elderly, and those who are unable to attend Mass. The Extraordinary Minister of Holy Communion at Birhen ng Lourdes Parish (EMHC-BLP) is a dedicated individual committed to serving the faith community with reverence and devotion. This minister plays a vital role in the sacred liturgy, facilitating the distribution of the Eucharist with a profound sense of responsibility and humility. Grounded in a deep faith, this minister embodies the spirit of service, ensuring that the faithful receive the Body and Blood of Christ with utmost respect and care. Through their commitment to the parish, they contribute to fostering a sense of spiritual communion and unity among the worshiping community at Birhen ng Lourdes Parish.

25/08/2026

August 26, 2026
Miyerkules ng ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)

Todays Reading
2 Tesalonica 3:6-10, 16-18
Salmo 127
Mateo 23:27-32

Personal reflection

Kung titingnan ni Hesus ang loob ng puso ko ngayon, ano kaya ang kailangan Niyang linisin?

Kung kahapon, pinaalala sa atin ni Hesus na "linisin muna ang loob ng tasa at pinggan, at magiging malinis din ang labas nito," ngayon naman ay mas lalo Niyang ipinakita kung bakit mahalaga ang paglilinis ng puso. Sa Gospel ngayon, tinawag Niya ang mga Pariseo na parang "mga libingang pinaputi" - maganda sa panlabas, pero sa loob ay may kabulukan. Minsan, ganito rin ako. I can look okay, smile, serve, pray, and appear strong in front of others, pero deep inside may mga sama ng loob, pride, insecurities, at wounds na kailangan ko ring dalhin kay Lord.

Todays Gospel reminds me that God is more interested in what is happening inside me than in how I look before people. Hindi sapat na maayos ang panlabas kung magulo naman ang puso. Hindi sapat ang pagiging active sa church, maraming ginagawa o maraming sinasabi tungkol sa faith kung hindi naman ito nakikita sa paraan ng pakikitungo natin sa ating kapwa. Kaya bago ko tingnan ang pagkukulang ng iba, kailangan ko munang tingnan ang sarili kong puso. Lord, clean me from within.

Reminder ng Ebanghelyo sa atin ngayon, huwag nating ubusin ang panahon sa pagpapaganda ng labas habang nakakalimutan nating linisin ang loob. Let us choose sincerity over appearance, humility over pride, and love over judgment. Kapag malinis ang ating puso, unti-unting magiging malinis din ang ating salita, kilos, at pakikitungo sa ating kapwa.

Lord Jesus, linisin Mo ang puso ko upang ang kabutihan sa loob ay tunay na makita sa aking buhay. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

August 25, 2026 Martes ng ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)Todays Reading2 Tesalonica 2:1-3a, 14-17Salmo 95Mat...
24/08/2026

August 25, 2026
Martes ng ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)

Todays Reading
2 Tesalonica 2:1-3a, 14-17
Salmo 95
Mateo 23:23-26

Ano ang kailangang linisin ni Lord sa loob ng puso ko upang ang kabutihan Niya ay tunay na makita sa aking buhay?

Minsan, mas concern tayo sa kung ano ang nakikita ng ibang tao kaysa sa kung ano ang tunay na nangyayari sa loob ng ating puso. We make sure na maayos ang ating image, maganda ang pakikitungo, active sa church, at nakikita ng iba na okay tayo. Pero sabi ni Hesus, "Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa at pinggan, at magiging malinis din ang labas nito." Napakalalim ng paalala na ito - because God is not only looking at what people see; He looks at what is hidden in our hearts.

May mga pagkakataon na mukhang ok tayo sa labas, pero deep inside, may hurt, resentment, inggit, pride, disappointment, o pagod na matagal na nating kinikimkim. Minsan, nakangiti tayo pero may silent battles na tayo lang at ang Diyos ang nakakaalam. And perhaps, this is where Jesus is gently touching our hearts today: Anak, huwag mo munang ayusin ang tingin ng ibang tao sa iyo. Hayaan mong Ako muna ang maglinis ng puso mo. Dahil kapag ang loob ay unti-unting nalilinis ng Diyos, kusa ring magbabago ang ating pananalita, pakikitungo, at paraan ng pagmamahal sa iba.

Sa aking pagninilay sa Gospel ngayon, I realize that holiness is not about looking perfect; it is about allowing God to transform me from the inside out. Dahil kapag malinis ang puso, hindi na kailangang pilitin ang kabutihan - lalabas ito naturally sa ating buhay.

Lord Jesus, linisin Mo ang aking puso mula sa lahat ng hindi nakalulugod sa Iyo, at gawin Mo akong malinis inside and out. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

August 24, 2026 Kapistahan ni San Bartolome, Apostol (Red)Todays ReadingPahayag 21:9b-14Salmo 144Juan 1:45-51Personal re...
23/08/2026

August 24, 2026
Kapistahan ni San Bartolome, Apostol (Red)

Todays Reading
Pahayag 21:9b-14
Salmo 144
Juan 1:45-51

Personal reflection

May "Nazaret" ba sa buhay ko na kailangan kong tingnan muli gamit ang mga mata ng Diyos at hindi ang aking sariling paghuhusga?

Sa Gospel ngayon, sinabi ni Natanael, "May mabuti bang maaaring magmula sa Nazaret?" - isang tanong na parang may pagdududa at panghuhusga. Minsan ganito rin ako: may mga taong minamaliit ko, may mga sitwasyong agad kong hinuhusgahan, at may mga bagay na iniisip kong " Wala nang magandang mangyayari dito." Pero ipinakita ni Hesus na hindi dapat ganoon nagtatapos ang aking pagkilala sa Kanya. Kilala ako ni Hesus kahit sa mga pagkakataong hindi ko Siya lubos na nakikilala.

Sa Kapistahan ni San Bartolome na kinikilalang si Natanael, nakikita ko ang kanyang beautiful journey of faith - mula sa isang taong nagtatanong, "May mabuti bang nagmumula sa Nazaret?", hanggang sa isang taong nakakilala kay Hesus at naging isang apostol. Hindi siya pinilit ni Hesus na maniwala; sa halip, sinabi ni Felipe "Halika at tingnan mo." At nang makita at makatagpo niya si Hesus, nagbago ang kanyang pananaw. It reminds me that sometimes, I need to stop judging from distance and come closer to Jesus. Dahil baka ang taong minamaliit ko, ang lugar na sa tingin ko ay walang mabuting maibibigay, o ang sitwasyong nawawalan na ako ng pag-asa - doon pala ipinapakita ng Diyos ang Kanyang kabutihan.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Bartolome, tinatanong ko rin ang aking sarili: Ilang Nazaret sa buhay ko ang hinusgahan ko agad nang hindi ko man lamang tiningnan nang mas malalim? Ang paanyaya ni Hesus sa akin ay simple: "Come and see." Lumapit, kilalanin, at huwag agad humusga. Dahil ang Diyos ay kayang gumawa ng mabuti mula sa mga lugar, tao, at sitwasyong hindi ko inaasahan. Tulad ni Natanael, maaaring ang aking pagdududa ngayon ay maging daan tungo sa mas malalim na pananampalataya bukas. Mula sa pagkilala, tungo sa pagsunod; Mula sa pagsunod, tungo sa paglilingkod.

Lord Jesus, alisin Mo sa aking puso ang mabilis na paghuhusga at turuan Mo akong "come and see" bago ako humusga, tulad ni San Bartolome, help me to recognize You, follow You, and serve You with a humble and faithful heart. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

August 23, 2026 Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)Todays ReadingIsaias 22:19-23Salmo 137:1-2a, 2bk-3, 6, 8bkRom...
22/08/2026

August 23, 2026
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)

Todays Reading
Isaias 22:19-23
Salmo 137:1-2a, 2bk-3, 6, 8bk
Roma 11:33-36
Mateo 16:13-20

Personal reflection

Kung personal kang tataningin ni Hesus ngayon, "Sino Ako para sa iyo?" Ano ang magiging sagot ng puso mo?

Sa Gospel ngayon, parang personal ding tinatanong ako ni Hesus: "Sino Ako para sa iyo?" Hindi Niya ako tinatanong kung gaano karami ang alam ko tungkol sa Kanya, ilang beses ako magsimba, nagdasal, o naglingkod. Ang tanong Niya ay mas malalim, mas personal: "Who am I to you?" At napaisip ako - sino nga ba si Hesus para sa akin? Siya ba ay Diyos na naaalala ko lamang kapag akoy may problema? Kapag may sakit, may takot, may pangangailangan, o kapag wala na akong ibang malapitan? O kilala ko ba talaga Siya, hindi lamang dahil sa mga naririnig ko, kundi dahil naranasan ko Siya sa sarili kong buhay?

Para sa akin, Jesus is my savior, my friend, my strength, and my hope. Siya ang kasama ko sa mga panahong tahimik akong umiiyak at walang ibang nakakaunawa. Siya ang nagbibigay ng lakas kapag gusto ko nang sumuko, at Siya rin ang nagpapaalala sa akin na kahit hindi ko nauunawaan ang lahat ng nangyayari, "I am never alone." Marahil marami sa atin ang may mga pagkakataong nagtanong, " Lord, nasaan ka?" Pero kapag binalikan natin ang ating buhay, makikita natin na nandoon pala Siya - sa taong ipinadala Niya para tumulong, sa pagkakataong hindi natin inaasahan, sa lakas na bigla nating natanggap, at maging sa mga pagsubok na kalaunan ay nagturo sa atin na mas magtiwala.

Ang pagkilala kay Hesus ay hindi lamang pagsagot ng, "Ikaw ang Anak ng Diyos." Ito ay isang commitment na araw-araw Siyang piliin at sundan. To recognize Jesus means allowing Him to change my heart - to forgive when it is hard, to love when I am hurt, to serve even when I am tired, and to hope even when my life feels uncertain. At siguro, ito ang pinakamahalagang tanong na dapat kong dalhin hindi lang ngayon kundi araw-araw: Sino nga ba si Hesus para sa akin. Dahil habang mas nakikilala ko Siya, mas nauunawaan ko rin kung sino ako at kung para saan Niya ako tinatawag. At sa sagot ko ngayon, mula sa puso: "Lord, You are my everything. Hindi man perpekto ang aking pananampalataya, pero araw-araw, nais kitang mas makilala, mas mahalin, at mas sundan.

Lord Jesus, thank You for never giving up on me. Tulungan Mo akong mas makilala ka hindi lamang sa aking mga salita, kundi sa bawat karanasan ng aking buhay. Be my strength when I am weak, my hope when I am discouraged, and my guide when I am lost. Ikaw ang aking Panginoon, aking kaibigan, at aking lahat. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

August 22, 2026 Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria (White)Todays ReadingEzekiel 43:1-7a o (Isaias 9:1-6)...
21/08/2026

August 22, 2026
Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria (White)

Todays Reading
Ezekiel 43:1-7a o (Isaias 9:1-6)
Salmo 84 o 112
Mateo 23:1-12 o (Lucas 1:26-38)

Personal reflection

Sa aking paglilingkod, mas hinahanap ko ba ang pagkilala ng tao o ang kalooban ng Diyos?

Sa Ebanghelyo mula kay San Mateo, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa titulo, posisyon, o pagkilala ng tao, kundi sa pagpapakumbaba at paglilingkod. "Ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo." Napakaganda nitong iugnay sa Queenship ni Maria - siya ay Reyna, ngunit hindi reyna na naghahanap ng kapangyarihan. Si Maria ay Reyna dahil buong kababaang loob niyang sinabi: "Narito ang alipin ng Panginoon."

Sa buhay ni Maria, makikita natin na ang tunay na royalty ay service, humility, and love. She never placed herself above others; instead, she placed herself at the service of God and His people. Bilang mga lingkod din tayo, maaaring marami tayong tungkulin, titulo, o responsibilidad, pero ang tanong ay: Naglilingkod ba ako para mapansin, o naglilingkod ako dahil mahal ko ang Diyos at kapwa?

Today, as we honor Mary as our Queen, I am reminded that true greatness is not about being above others. Kung minsan pakiramdam natin maliit lang ang ginagawa natin, huwag tayong panghinaan ng loob. A simple act of kindness, a patient heart, a prayer for someone, or simply staying when others choose to leave - these can become beautiful offerings to God. May we have the heart of Mary: humble enough to serve, strong enough to endure, and faithful enough to trust God even when we do not understand.

Mary, our Queen and humble servant, teach me to serve like you - with humility, love, and a heart that always point to Jesus. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

20/08/2026

August 21, 2026
Paggunita kay San Pio X, papa(White)

Todays Reading
Ezekiel 37:1-14
Salmo 106
Mateo 22:34-40

Personal reflection

Sa arawa-araw kong buhay, kanino ko maaaring iparamdam ngayon na siya ay minamahal at hindi nakakalimutan ng Diyos?

Minsan,.sa dami ng problema at struggle sa buhay, nakakalimutan natin kung ano talaga ang pinaka-importanteng bagay sa ating pananampalataya. Sa Gospel ngayon, pinaaalalahanan tayo ni Hesus: "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso... at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Hindi lang pala tungkol sa dami ng ating dasal, paglilingkod, o mga gawaing pang-simbahan. Ang sukatan ay kung marunong ba tayong magmahal.

Lalo na sa mga taong hindi pansin ng lipunan - mga kapos sa buhay, nakakaramdam ng rejection, mga taong tila walang nakakapansin sa kanilang paghihirap - ang pag-ibig ay maaaring maging isang malaking sign of hope. Minsan, hindi naman nila.kailangan ng malaking bagay. Isang pakikinig, isang kamay na tumutulong, isang salitang "nandito ako," o simpleng paggalang ay maaaring magbigay sa kanila ng lakas para ipagpatuloy ang buhay. Sa mundong maraming judgement at division, let us choose compassion, kindness, and love. Baka tayo ang sagot sa panalangin ng isang taong tahimik na umaasa.

At para sa akin, ito ang magandang reminder ni Hesus ngayon: Love God, then let that love overflow to others. Hindi natin kailangan maging perfect para magmahal. Kailangan lamang nating magkaroon ng pusong handang umunawa, magpatawad, magbahagi, at tumulong. Dahil sa huli, ang pinakamahalagang maiiwan natin ay hindi kung gaano karami ang ating natanggap, kundi kung gaano karami ang ating minahal at napag-alayan ng kabutihan. May pag-asa pa - because every act of genuine love can make someone feel that God has not forgotten them.

Lord Jesus, teach me to love You deeply and to see Your face in every person, especially those who are poor, forgotten, and hurting. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

19/08/2026

August 20, 2026
Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan (White)

Todays Reading
Ezekiel 36:23-28
Salmo 50
Mateo 22:1-14

Personal reflection

Kung tinatawag ako ng Diyos ngayon, ano ang magihing tunay kong tugon - "Yes, Lord," o "Mamaya na"?

Sa aking pagninilay sa pasage na ito mula sa Ebanghelyo ni San Mateo, "Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang," napapaisip ako: Paano ko ba tinatanggap ang invitation ng Diyos sa buhay ko? Hindi lamang pala sapat na ako ay tinawag o invited. May response akong kailangang ibigay. Parang isang pagtitipon na kung saan ang lahat ay inimbitahan, ngunit inaasahang magsuot ng kasuotang nababagay sa okasyon. Sa ating pananampalataya, ang "wedding garment" ay simbolo ng pusong handang magbago, magmahal, magpatawad at sumunod sa Diyos.

As I look at my own journey, nare-realize ko na maraming beses akong tinatawag ng Panginoon - sa paglilingkod, sa paggawa ng kabutihan, sa pagtulong sa kapwa, at maging sa mga simpleng pagkakataong kailangan kong maging mabuting tao. Sometimes I respond, sometimes I hesitate, and sometimes I make excuses. Pero ang magandang balita ay God never stops inviting me. Kahit ilang beses akong nagkulang, may bagong pagkakataon pa rin Siyang ibinibigay upang muling magsabi ng "Yes, Lord"

Kaya ang invitation na ito ay para sa ating lahat - sa matagal nang nagseserve, sa bagong magsisimulang mag serve, at maging sa mga taong naghahanap pa ng kanilang lugar sa simbahan. Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang - not because God loves only a few, but because not everyone chooses to respond wholeheartedly. Sana, sa bawat tawag Niya, piliin nating tumugon. Let us come to His banquet not only as invited guests, but as people wearing the garment of "faith, love, humility and a willing heart."

Lord Jesus, thank You for continually inviting me into Your love and service
Turuan Mo akong magsuot ng "wedding garment" ng faith, love, humility, and goodness. Give me the courage to say "Yes" whenever You call me. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

18/08/2026

August 19, 2026
Paggunita kay San Ezekiel Moreno, obispo (White)

Todays Reading
Ezekiel 34:1-11
Salmo 22:1-3a, 3b-4, 5, 6
Mateo 20:1-16a

Personal reflection

Kapag pinagpapala ako ng Diyos, paano ko maibabahagi ang kanyang kabutihan upang maging pag-asa rin ako sa iba?

Minsan, aminado ako, may mga pagkakataon napapaisip ako, "Lord, bakit parang mas maraming blessings ang iba kaysa sa akin?" Nakikita ko ang tagumpay ng iba, habang ako ay patuloy na naghihintay at nagsisikap. Pero sa Gospel ngayon, pinapaalalahanan Mo ako na Your goodness is not measured by what others receive, but by how deeply You love each one of us. Hindi kailangang ikumpara ang sarili ko sa iba, dahil may sariling timing at biyaya Ka para sa bawat isa sa amin.

Perhaps may mga taong pakiramdam nila ay nahuhuli na sila sa buhay - late na ang kanilang pangarap, late na ang kanilang pagkakataon, o parang wala nang pag-asa. Pero ang Diyos ay hindi tumitingin sa kung gaano tayo ka-late. He still calls us, He still gives us a chance, and He still believes in us. Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa. Dahil Ang biyaya Niya ay maaaring dumating sa oras na hindi natin inaasahan.

At kung tayo naman ang naunang pinagpala, sana hindi tayo maging mapanghusga o mainggitin. Let us be generous with goodness we have received. Kung may kakayanan tayong tumulong, tumulong tayo. Kung may pagkakataon tayong magbigay ng encouragement, magbigay tayo. Dahil ang kabutihan ng Diyos na natanggap natin ay hindi lamang para sa atin - it is meant to be shared with others. Sa bawat kabutihang ginagawa natin, nagiging daluyan tayo ng pag-asa at pagmamahal ng Diyos sa iba.

Lord Jesus, teach me to trust Your timing, rejoice in the blessings of others, and share the goodness I receive. Gawin Mo akong instrumento ng hope, kindness, and love. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

17/08/2026

August 18, 2026
Martes ng ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)

Todays Reading
Ezekiel 28:1-10
Deuteronomio 32
Mateo 19:23-30

Personal reflection

Ano ang bagay na kailangan kong ipaubaya sa Diyos dahil hindi ko na kayang dalhin mag-isa?

May mga panahon sa buhay na masasabi ko, "Lord, hindi ko na kaya." May mga problema na kahit anong effort ko, parang walang pagbabago. May mga bagay na gusto kong ayusin pero lalo lamang nagiging complicated. Sometimes, I feel helpless because I have tried everything, but still, nothing seems to work. Sa Gospel ngayon mula kay San Mateo, pinapaalala sa akin ni Hesus: "Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay." Hindi pala kailangang ako ang may sagot sa lahat.

Maraming beses, gusto nating kontrolin ang lahat - ang future, pamilya, trabaho, relationships, at maging ang mga bagay na hindi naman natin kayang hawakan. We become tired because we carry things that only God can carry. Perhaps, the lord is inviting me to let go, to surrender, and to trust Him more. Hindi ibig sabihin ng surrender na susuko na ako; ibig sabihin, hindi na ako nag-iisa sa laban. Kapag hindi ko na kaya, doon ko mas nararanasan na may Diyos na kumakapit sa akin.

Kaya kahit may mga araw na mabigat, kahit may mga panalangin na tila walang sagot, I will choose to hope. Dahil ang limitasyon ko ay hindi limitasyon ng Diyos. What I cannot do, God can do. What I cannot understand, God already knows. At kung minsan, ang kailangan ko lang sabihin ay : "Lord, I don't know how, but I trust that You can."

Lord Jesus, kapag pakiramdam ko ay wala nang pag-asa, remind me that nothing is impossible with You. Give me the courage to surrender, the patience to wait, and the faith to trust Your perfect plan. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

16/08/2026

August 17, 2026
Lunes ng ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (Green)

Todays Reading
Ezekiel 24:15-24
Deuteronomio 32:18-19, 20, 21
Mateo 19:16-22

Personal reflection

Ano ang hinihingi ni Lord na bitawan ko upang mas malaya akong makasunod sa Kanya?

Minsan, katulad ng mayamang binata sa Gospel ngayon, lumalapit din tayo kay Hesus dala ang maraming tanong: "Lord, ano pa ba ang kailangan kong gawin?" Gusto nating maging mabuting tao, maging faithful, at sundin ang kalooban Niya. Pero may mga pagkakataon na may hinihingi si Lord na bitawan natin - isang bagay, isang attachment, isang sakit ng nakaraan, o kahit isang pangarap na matagal nating pinanghahawakan. At doon tayo nahihirapan, dahil hindi madaling bitawan ang mga bagay na minahal at pinahalagahan natin

Sometimes, we think that letting go means losing something important. Pero sa Diyos, letting go can be an act of trust. Kapag sinabi nating, "Lord, Ikaw na ang bahala," hindi ibig sabihin na wala na tayong pakialam. Ibig sabihin, nagtitiwala tayo na may mas magandang plano ang Diyos kaysa sa kaya nating makita. Perhaps, what we are afraid to release today is exactly what is preventing us from receiving the peace, healing, and freedom that God wants to give us.

Kaya ngayong araw, huwag nating tanungin lamang, "Ano pa ang kailangan kong gawin para kay Lord?" Tanungin din natin ang ating sarili, "Ano ang kailangan kong bitawan para mas malaya kong masundan si Hesus?" Maybe it is our pride, anger, fear, resentment, or the need to control everything. Hindi man madali, let us remember: when we let go and place everything in God's hands, we are not losing - we are learning to trust. At minsan, sa mismong pagbitaw natin, doon natin mararanasan ang tunay na kapayapaan.

Lord Jesus, teach me to let go of what keeps me from You. Give me the courage to surrender, the faith to trust, and the heart to choose You above everything. Amen.

Birhen ng Lourdes, pray for us.
San Jose, pray for us
San Gabriel Arkanghel, pray for us

Address

Malolos Avenue
Bagong Barrio
1400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Extraordinary Minister of Holy Communion - Birhen Ng Lourdes Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share