26/08/2026
Sa aklat ng Philippians, isinulat ni Paul habang siya ay nakakulong—ngunit kahit nasa gitna ng hirap, nakita niya pa rin ang dahilan para magalak.
Alam niyang ang mamatay ay ang makasama si Hesus. Ngunit pinili niyang manatili at mabuhay, hindi dahil mas madali, kundi dahil may mga taong kailangan pa niyang mahalin.
Para kay Pablo, higit na mahalaga ang ipagpaliban ang komportableng buhay para matulungan ang mga kapatid na mas lumalim kay Lord.
Pinili niyang manatili kasi mahal niya ang mga tao. Ang kagalakan niya ay nakatali sa simbahan—sa pagkakasundo, pagpapatawaran, at paglago ng bawat isa.
Minsan, nakakalimutan natin na ang kagalakan ay hindi nasa komportableng sitwasyon.
Nasa pag-ibig.
Nasa malasakit.
Nasa pagpiling magmahal kahit mahirap.
Masaya siya dahil nagmamahal siya.
✉️ If you were encouraged by this message, join us for our Prayer Meeting at 7:00 PM online via Google Meet. See you!