23/08/2026
Sa Islam, walang pagdiriwang ng kapanganakan.
Kabilang dito ang kapanganakan ng ating Mahal na Propeta Muhammad (SAW).
Bakit?
Dahil ang Islam ay relihiyon ng daleel. Ang bawat gawaing pagsamba ay kailangan ng batayan mula sa Qur'an at Sunnah.
At sa buong buhay ng Propeta (SAW), ng mga Sahabah, Tabi'un, at Atbi'ut Tabi'in β wala ni isa sa kanila ang nagdiwang ng Mawlid.
Kung ito ay kabutihan, mauuna sana silang gumawa nito. Sila ang pinaka nagmamahal at pinaka nakakakilala sa Propeta (SAW).
Kaya kung may magsasabing βipinagdiriwang ito,β ang tanong ay: Saan ang daleel?
At kung may ilalatag man, ito ay pawang mga imbento lamang at walang matibay na batayan.
Hindi ito tungkol sa pagtatalo. Ito ay tungkol sa pagmamahal na may pagsunod.
Mahal natin ang Propeta (SAW) sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang turo, hindi sa paggawa ng bagay na hindi niya itinuro.
Pasensya na kung magkakaiba tayo ng paninindigan dito.
Ngunit pinipili nating pangalagaan ang dalisay na katuruan ng Islam β yaong itinuro ng mga Salafus Salih.
Ψ§ΩΩΩΩ
Ψ£Ψ±ΩΨ§ Ψ§ΩΨΩ ΨΩΨ§ ΩΨ§Ψ±Ψ²ΩΩΨ§ Ψ§ΨͺΨ¨Ψ§ΨΉΩ
βYa Allah, ipakita Mo sa amin ang katotohanan bilang katotohanan at bigyan Mo kami ng kakayahang sundan ito.β
βAbubakar Ibn Abdulrauf