18/07/2026
ANIBAN, Bacoor City, Cavite โ Nagtipon ang mga kinatawan ng pitong simbahan sa Vicariate of St. Michael the Archangel (VSMA) ngayong Hulyo 18, 2026, sa Parokya ng San Lorenzo Ruiz upang talakayin ang kalagayan ng ministri ng kabataan at paghandaan ang mga susunod na gawain ng bikarya.
Dumalong kinatawan ng Parokya ng San Miguel Arkanghel sina G. Ralph Robert J. Alalay, Tagapag-ugnay ng Ministri sa Kabataan, at Bb. Ronna Marj Santianez, Katuwang na Tagapag-ugnay ng Ministri sa Kabataan.
Sinimulan ang pagpupulong sa panalangin at kumustahan, kung saan nagbahaginan ang mga kalahok ng kalagayan ng mga kabataan sa kani-kanilang mga parokya at ng kanilang mga karanasan sa paglilingkod. Tinalakay rin ang mahahalagang paparating na gawain at mga estratehiya upang higit pang mapasigla ang pakikilahok ng mga kabataan sa buhay ng Simbahan.
Nagtapos ang pagpupulong sa isang masaya at makabuluhang talakayan na nagbigay ng panibagong sigla at inspirasyon sa mga kinatawan sa pagpapatuloy ng kanilang misyon para sa kabataan.
Ipinaabot ng Vicariate Youth Ministry (VYM) ang pasasalamat kay Reb. Pd. Reymar A. Arca, Vicar Forane ng VSMA, sa mainit na pagtanggap at patuloy na suporta sa mga kabataan.