05/03/2026
โ๐๐๐ -๐ข๐๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง: ๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐งโ (Batay sa Juan 3:16)
๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ซ๐ฎ-๐๐๐ซ๐ฎ๐ก๐๐ง ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ ๐จ๐ง๐๐จ๐ง ๐๐๐ง๐ญ๐๐ง ๐๐ฑ๐ก๐ข๐๐ข๐ญ
Sa pagpasok, paghahanda at pagninilay natin sa panahon ng kuwaresma, magsisimula po bukas, ika-18 ng Pebrero (Miyerkules ng Abo) ang pagtatanghal ng mga mumunting imaheng pang-mahal na araw ng ating Parokya. Ang mga santong ito ay mga biswal na pagtuturo ng buhay, pagpapakasakit ng ating Panginoon, kasama ang mga banal na kabahagi ng kasaysayan ng ating kaligtasan. Magtatagal ang exhibit hanggang ika-22 ng Marso. Bukas po ang ating Exhibit tuwing Martes hanggang Linggo, magsadya lamang po sa opisina ng ating Parokya para sa inyong Pagbisita. Maging paalala nawa sa atin ang gawaing ito sa layunin ng Kuwaresma: magsisi, mag-ayuno, at mag-kawanggawa.