Parish Pastoral Council for Responsible Voting - BTP

Parish Pastoral Council for Responsible Voting - BTP PPCRV is the 'Citizen's Arm of COMELEC' since 2010. It was established back in the late '90s and continues to serve up to now.

This supports and aims to follow 3F objectives: Fair, Free, Fraud-Free Elections.

Nagsimula na ang Voters' Education Caravan ng PPCRV kung saan ang mga kabataang volunteers ng nasabing samahan ay umiiko...
21/11/2021

Nagsimula na ang Voters' Education Caravan ng PPCRV kung saan ang mga kabataang volunteers ng nasabing samahan ay umiikot sa mga pamayanan upang makipanayam sa mga parokyanong botante.

Ang paggabay at pangangaral ay nakaayon sa utos ng Simbahan at sa programa ng National PPCRV na tinatawag na "SAMPUNG UTOS NG WASTONG PAGPILI"

Maging mabunga nawa ang ginagawang ito ng ating mga kawani. Ipanalangin natin ang misyon ng bawat isa at para sa isang Malinis, Malaya at Walang-dayang Halalan 2022!

Ad Majorem Dei Gloriam!



PubMat: Jan Matt Macuha

Glory to God! Ang tinig ng mamamayan ay muling mananaig sa 2022! Matagumpay na naisagawa at natapos ng Parish Pastoral C...
01/11/2021

Glory to God! Ang tinig ng mamamayan ay muling mananaig sa 2022!

Matagumpay na naisagawa at natapos ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) BTP, ang pagpapakilala sa mga naghain ng kandidatura para sa lokal na eleksiyon. Dito ay lumagda sila sa pangangako para sa isang malinis, malaya at walang dayang halalan 2022.

Ang aming pasasalamat sa Team Ka-Bayani, Team I Love Baco-New Generation at Team Always Ready sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon at kagustuhang ilahad ang nagkakaisang hangarin sa isang matuwid na halalan.

Ang gawain ay kaisa ng mga tunguhin ng PPCRV na tinatawag na CHAMP: Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful elections.

Maging matapat nawa kayo sa inyong mga sinumpaang salita sa dambana ni Kristo.

Ad Majorem Dei Gloriam!



PubMat: Jan Matt Macuha

01/11/2021
Magparehistro ka!
10/10/2021

Magparehistro ka!

Sa mga nag-request na ma-extend ang voter’s registration, ok na! Pwede na ulit mag-register until October 30, 2021!

I-download ang registration form sa irehistro.comelec.gov.ph at pumunta sa pinakamalapit na COMELEC office o satellite registration sites sa inyo.

Pormal nang kinilala at itinalaga ng Blessed Trinity Parish sa pangunguna ni Rev. Fr. Raymond H. Ruga, PhD. at ng COMELE...
26/09/2021

Pormal nang kinilala at itinalaga ng Blessed Trinity Parish sa pangunguna ni Rev. Fr. Raymond H. Ruga, PhD. at ng COMELEC-Baco ang dalawampu't limang kasapi ng PPCRV.

Dinasal din ang Panalanging pang Halalan at umikot ang Banal na Misa sa pagninilay sa mga salitang "..ang hindi laban sa atin ay panig sa atin."

Pinapaabot ng PPCRV ang dalawang mensahe:

Una, nananawagan pa ng marami pang volunteers ang samahan.
Pangalawa, Maraming salamat sa mga sponsors na siyang tumutulong sa aspetong pinansyal ng inisyatibong ito. Pagpalain kayo!

Ad Majorem Dei Gloriam!



PubMat: Jan Matt Macuha

16/09/2021

"Bullets kill. Viruses kill. Governance without direction kills. Corruption kills. Trolls kill with fake news. Hunger kills. When will the killings stop? The poor pay for the corruption of the powerful. The nation is sinking in debt."

Archbishop of Nueva Segovia Marlo Peralta, Archbishop of Lingayen Dagupan Socrates Villegas and Archbishop of Tuguegarao Ricardo Baccay encourage the youth and first time voters to register and vote in in their Joint Pastoral Message on the Culture of Murder and Plunder signed September 12.

They also appeal to "reluctant candidates" to "bring back ethics in our political life and run according to your conscience not according to the surveys".

Kahalagahan ng samahan at buong pusong pagkakaloob ng sarili. Iyan ang paalala ni Frater Ronald Roco II sa ginanap na pa...
06/09/2021

Kahalagahan ng samahan at buong pusong pagkakaloob ng sarili. Iyan ang paalala ni Frater Ronald Roco II sa ginanap na paghuhubog para sa mga volunteers ng PPCRV-BTP.

Binati rin niya ang samahan sapagkat nangunguna ang BTP sa lahat ng mga lokal na parokya sa pagtatalaga ng PPCRV.

Patuloy at makalangit na pagbati mga lingkod ng Bayan at Simbahan!



PubMat: Jan Matt Macuha

Pagbating makalangit!Matagumpay na naisagawa ng PPCRV-BTP ang Pangkalahatang Oryentasyon sa mga kasapi nito at ang pagta...
01/09/2021

Pagbating makalangit!

Matagumpay na naisagawa ng PPCRV-BTP ang Pangkalahatang Oryentasyon sa mga kasapi nito at ang pagtatatag ng mga komite para sa isang sistematikong tunguhin.

Nagsalita rin at nagbahagi ang isang dating miyembro ng PPCRV na si Arch. Eldie Roldan, PhD. Ibinahagi niya ang kaniyang mayamang karanasan bilang isang mamamayang may ginampanan sa mga natatamong pagbabago.

Padayon! Mga tagapagtanggol ng Malaya, Pantay at Walang-dayang halalan!






PubMat: Jan Matt Macuha

23/08/2021

Love mo ba ang Pinas?
Kung love mo ang Pinas, MAGPAREHISTRO NA!

Love Kita Pinas by KZ Tandingan



Sa ngalan ng Malaya, Pantay at Walang Daya na Halalan sa 2022, ang PPCRV-BTP ay kaisa ng mga nagsipagtindig alang-alang ...
21/07/2021

Sa ngalan ng Malaya, Pantay at Walang Daya na Halalan sa 2022, ang PPCRV-BTP ay kaisa ng mga nagsipagtindig alang-alang sa karapatan at kaunlaran.

Isang makalangit na pagsuporta sa lahat ng mga nais na ipaglaban ang maayos na sistema!

Address

Leyte
5201

Telephone

+639199858141

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Pastoral Council for Responsible Voting - BTP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share