23/09/2020
=ANG DIYOS ANG AKING MUOG NA KANLUNGAN
2 Samuel 22:33 (1-51) (MBBTAG)
๐ sa mga panahon po na tayo ay may pinagdadaanan sa buhay, kanino po tayo madalas lumapit at humingi ng tulong? maaaring natutulungan po nila tayo pero may hangganan po kasi limitado lang po ang kaya nating gawin.... napakasarap pong basahin ang ginawang awit ni David sa 2 Samuel 22 kasi dito po makikita kung gaano po siya nakadepende kay Lord (TOTAL DEPENDENCY TO THE LORD)... ito po ung mga panahon na marami po siyang kaaway at isa po don si Saul sapagkat sa sobrang inggit na nadarama napag-isipan niyang ipapatay si David... tunghayan po natin ang kanyang awit.... (wow, tunghayan๐
๐
๐
at napakatagalog๐๐๐)
22 Inawit ni David ang awit na ito para kay Yahweh nang araw na iniligtas siya ni Yahweh mula sa kamay ng kanyang mga kaaway at sa kamay ni Saul. 2 โSi Yahweh ang aking tagapagligtas, matibay na muog na aking sanggalang. 3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan. 4 Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh!
๐ kung maghahanap ka ng MATINDING SANDIGAN, kay Lord ka lumapit at sumandig kasi walang ibang makakabuwag sa Kanya...
5 โPinapalibutan ako ng alon ng kamatayan, tinutugis ako nitong agos ng kapahamakan. 6 Daigdig ng mga patay, ako'y pinupuluputan, patibong ng kamatayan, ang aking dinaraanan. 7 โSa kagipitan ko, ako ay tumawag, ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap. Mula sa templo niya ay kanyang dininig, ang aking pagsamo at ang aking hibik.
๐ ISANG TAWAG lang sa ating Panginoon, tayo ay Kanyang pakikinggan...
8 โNayanig ang lupa nang siya'y magalit, at nauga pati sandigan ng langit. 9 Nagbuga ng usok ang kanyang ilong, at mula sa bibig, lumabas ang apoy. 10 Hinawi ang langit, bumabรข sa lupa makapal na ulap ang tuntungang pababa 11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad; sa bilis ng hangin siya ay naglayag. 12 Nagtago sa likod ng dilim, naipong tubig, ulap na maitim. 13 At magmula roon gumuhit ang kidlat, at sa harap niya'y biglang nagliwanag.14 Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasang Diyos ay narinig.15 Mga palaso niya'y pinakawalan, dahil sa kidlat mga kaaway niya'y nagtakbuhan. 16 Sa sigaw ni Yahweh sa mga kaaway, sa apoy ng galit niyang nag-aalab, ang tubig sa dagat ay halos maparam, mga pundasyon ng mundo'y naglitawan.
๐ ISANG SALITA lamang Niya kayang magbago ang lahat...
17 โMula sa ilalim ng tubig sa dagat, iniahon ako't kanyang iniligtas. 18 Iniligtas ako sa mga kaaway na di ko makayang mag-isang labanan. 19 Sa kagipitan ko, ako'y sinalakay, subalit para sa akin si Yahweh ang lumaban. 20 Sapagkat sa akin siya'y nasiyahan, iniligtas niya ako sa kapahamakan.
๐ sa mundong puno ng problema na halos tayo ay malunod na, SIYA ANG ATING LIFESAVER AT KASANGGA๐ญ๐ญ๐ญ
21 โGinantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran, pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan. 22 Sapagkat ang tuntunin ni Yahweh ay aking sinunod, hindi ako lumihis sa landas ng aking Diyos. 23 Aking sinunod ang buong kautusan, isa mang utos niya'y hindi ko sinuway. 24 Nalalaman niyang ako'y walang sala, sa gawang masama'y lumalayo tuwina. 25 Kaya't ginantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran; pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan.
๐ gusto ba nating maranasan ang naranasan ni David na sa gitna ng maraming kaaway o pagsubok MAY PAGPAPALA PA RIN SIYANG NATANGGAP? PAGSUNOD NG BUONG PUSO ang susi...
26 โSa mga taong tapat, ikaw rin ay tapat, sa mga matuwid, matuwid kang ganap. 27 Sa pusong malinis, bukรกs ka at tapat, ngunit sa mga baluktot, hatol mo'y marahas. 28 Mga nagpapakumbaba'y iyong inililigtas, ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak. 29 Ikaw po, O Yahweh, ang aking tanglaw,pinawi mong lubos ang aking kadiliman. 30 Sa tulong mo'y nalulupig ko ang mga kaaway, sa pamamagitan mo, Diyos, anumang pader ay nahahakbang. 31 Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag.
๐ KATAPATAN, PAGIGING MATUWID, PUSONG MALINIS, AT PAGIGING MAPAGPAKUMBABA ang mga katangian na dapat nating patuloy na i-develop upang makapagbigay lugod sa ating Panginoon...
๐ TANGLAW sa kadiliman at ating KALASAG
๐ HIS WAYS ARE HIGHER THAN OUR WAYS & HIA THOUGHTS ARE GREATER THAN OUR THOUGHTS...
32 โMaliban kay Yahweh, may Diyos pa bang iba? Iisang tanggulan, hindi ba't siya na? 33 ANG DIYOS ANG AKING MUOG NA KANLUNGAN, ANG NAG-IINGAT SA AKING DARAAN. 34 Tulad ng sa usa, paa ko'y pinatatag, sa mga bundok iniingatan akong ligtas. 35 Sinanay niya ako sa pakikipagdigma, matigas na pana kaya kong mahila.
๐ ANG DIYOS ANG AKING MUOG NA KANLUNGAN, AKING GABAY SA TINATAHAK KUNG DARAANAN... kapag Siya ang nagtake complete control sa buhay natin, WE ARE BECOMING STRONGER kahit ano pang pagsubok ang dumating sa buhay natin...
36 โAko'y iniligtas mo, Yahweh, ng iyong kalinga, at sa tulong mo ako'y naging dakila. 37 Binigyan mo ako ng pagtataguan, kaya di mahuli ng mga kalaban. 38 Mga kaaway ko ay aking tinugis, hanggang sa malipol, di ako nagbalik. 39 Nilipol ko sila at saka sinaksak, at sa paanan ko sila ay bumagsak!40 Pinalakas mo ako para sa labanan, kaya't nagsisuko ang aking kalaban. 41 Mga kaaway ko'y iyong itinaboy, mga namumuhi sa aki'y pawang nalipol. 42 Humanap sila ng saklolo, ngunit walang matagpuan. Hindi sila pinansin ni Yahweh nang sila'y nanawagan. 43 Tinapakan ko sila hanggang sa madurog, pinulbos ko silang parang alikabok; sa mga lansangan, putik ang inabot.
๐ WE CAN DO EVERYTHING THAT WE CANNOT EXPECT WE CAN DO BECAUSE OF HIMโ๏ธโ๏ธโ๏ธโ๏ธโ๏ธ
44 โSa mga naghimagsik, ako'y iyong iniligtas, pamamahala sa mga bansa sa aki'y iniatas; at marami pang ibang sumuko't nabihag. 45 Ang mga dayuhan sa aki'y yumuyukod, kapag narinig ang tinig ko, sila'y sumusunod. 46 Sa laki ng takot ay naglalabasan sa kanilang kutang pinagtataguan.
๐ TAYO AY INATASAN NI LORD UPANG MAMUNO... WALANG IBANG NAGTIWALA SA ATIN NG GANITO KUNDI SIYA LAMANG๐ญ๐ญ๐ญ
47 โMabuhay si Yahweh! Purihin ang aking batong tanggulan. Dakilain ang aking Diyos! Ang bato ng aking kaligtasan 48 Nilulupig niya ang aking kalaban at pinapasuko sa aking paanan. 49 Iniligtas ako sa aking kaaway, ako'y inilayo sa sumasalakay; sa taong marahas, ipinagsanggalang.
50 โSa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.
51 Pinagkaloobang magtagumpay lagi, ang abang lingkod mong piniling hari; di mo kailanman pababayaan ang iyong pinili, na si Haring David at ang kanyang mga susunod na lahi.โ
๐ LAGI NATING TANDAAN NA ANG LAHAT NG KANYANG TINAWAG AT PINILI AY HINDING HINDI NIYA PABABAYAAN KAHIT MINSAN... AT MATUTO TAYONG IBIGAY AT IBALIK ANG LAHAT NG PAPURI'T PARANGAL SA KANYA SAPAGKAT SA KANYA NAGMULA ANG LAHAT NG MERON AT KAYA NATING GAWIN....
๐ Lord, tunay nga po na wala kang katulad... salamat po sa pribilehiyong ipinagkaloob ninyo sa bawat isa sa amin upang paglingkuran ka at ang iyong mga minamahal... patuloy mo kaming ilapit sa puso mo Oh, Diyos upang makilala ka pa namin ng lubos at makasunod kami sa nais mong ipagawa sa amin ng walang pagdududa... nakakalula, nakakadurog ang tiwala mo sa amin... nawa'y sa lahat po ng aming gjnagawa ay magbigay kaluguran sa iyo... maraming salamat po Amaโ๏ธโ๏ธโ๏ธ๐ญ๐ญ๐ญ
Pinagpalang umaga po sa lahat๐๐๐