28/02/2026
Kaninang 4:00pm ng hapon ginanap ang Way Of The Cross o daan ng krus. Dito sa Our Lady of Fatima Villa Ynares.
Bahagi ng ating paglalakbay sa panahon ng Kuwaresma. Sama-sama nating ginunita ang paghihirap at sakripisyo ni Kristo, nagmuni sa Kanyang pag-ibig, at nag-alay ng panalangin para sa ating patuloy na pagbabalik-loob.
Nawaβy sa bawat istasyon ay mas mapalalim ang ating pananampalataya at mas mapatatag ang ating pagsunod sa Kanya.
Maraming Salamat po sa mga nakiisa at dumalo sa ginawang Way Of The Cross.