14/01/2026
Ilang paalala para sa sinumang gustong sumali sa Panalangin at Pag-aayuno. Pagpalain tayong lahat ng Diyos.
1. Suriin ang pangangatawan at kalusugan kung kakayanin ang pag-aayuno sa loob ng limang (5) araw.
2. Magpasuri sa iyong doktor upang malman kung kakayanin ng iyong pangangatawan ang pag-aayuno.
3. Kung hindi kakayanin ng inyong katawan ang pag-aayuno, maari mo ng itigil.
4. Habang nag-aayuno, maglaan ng oras para manalangin.
5. Sagutan ang commitment form tanda ng iyong pangako at plano.
6. Dumalo sa pagtitipon gabi-gabi sa inyong lokal na simbahan simula Enero 14 - 17, 2026 at asa oras ng Sunday Service sa Enero 18, 2026.
7. Sa pagtatapos ng pag-aayuno, dahan-dahang ibalik ang nakaugaliang pagkain. Huwag munang kumain ng mga pagkaing mahirap tunawin ng tiyan.