Pacem Ministry - Antipolo Cathedral

Pacem Ministry - Antipolo Cathedral | ๐€ ๐•๐จ๐ฒ๐š๐ ๐ž ๐“๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐‡๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ, ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง |

22/05/2026

Pacem Ministry Official HandshakeโœŒ๏ธ๐Ÿ•Š๏ธ

Rooted in Faith, enriched by History, and voyaged with Mary and her Son, Jesus Christ, we are the Pacem Ministry, and we are seeking for you! ๐Ÿ”โญ๏ธ

Come aboard, as our Ministry is setting sail onto another purposeful voyage through History, Faith, and Devotion with more committed applicants! โš“๏ธ๐Ÿšข ๐ŸŒŠ

๐Ÿ“ฉ To deepen your enthusiastic journey with us, apply and register here:
https://forms.gle/8sZDF9dtLD21AU879

See you on board! Be a bearer of knowledge, Be a devout servant of God, Be a Pacem. โณ

Happiest birthday to our ever-loving and ever-nurturing Coordinator, Kuya Eric! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ Your stewardship enlivens our drive t...
20/05/2026

Happiest birthday to our ever-loving and ever-nurturing Coordinator, Kuya Eric! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

Your stewardship enlivens our drive to forge ahead with gallantry, determination, and optimism. In the same way as a lighthouse in turbulent times, you direct us not only with eyes that has vision for innovation, but also with a heart that beats for commitment from the start. The luminescence you luster lights our way in firmly devoting to Mary and her Son, Jesus Christ. ๐Ÿ’ก๐Ÿซ€

May this day created especially for you brings the bliss, motivation, and positivity akin to what you have shared to us! May you also be blessed with fair well-being, unbounded delight, and ceaseless fulfillment as you touch our hearts and transform our lives. โœจ๐Ÿ’Ž

May you be as constant as the stars. ๐ŸŒŸ We love you so much, our forever Kuya Eric! ๐Ÿฉต๐Ÿค

Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Flores de Mayo at Santa Cruzan ang ating ginanap kasama ang mga miyembro ng...
16/05/2026

Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Flores de Mayo at Santa Cruzan ang ating ginanap kasama ang mga miyembro ng PACEM Ministry. Sama-sama nating inaalala ang debosyon Kay Maria sa pamamagitan ng bulaklak at panalangin. Nawa'y maging paalam ito ng ating pananampalataya at pagkakaisa.

Nagyong araw buong galak nating ipinakikilala ang ating Reyna, Reina Cielo sa katauhan ni Alexandre Montes kasama ang kanyang consierto, Eric Dela Cruz. Reina Cieloโ€”sumasagisag ng biyaya, kapayapaan, at pagaasa. Ang kanyang presensya ay sumasagisag ng liwanag at kariktan sa sagala.

Sa bawat hakbang, dalhin natin ang diwa ng pagmamahal at paglilingkod. Ang Flores de Mayo ay hindi lang tradisyon, kundi Isang buhay na panata ng bayan.









REINA DEL CIELO Y DE LA TIERRA Pagpaparangal sa pinaka magandang bulaklak sa hardin ng Panginoon: ang Birheng Maria, Ina...
16/05/2026

REINA DEL CIELO Y DE LA TIERRA

Pagpaparangal sa pinaka magandang bulaklak sa hardin ng Panginoon: ang Birheng Maria, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Buong galak na makikibahagi ang Pacem Ministry sa pagdiriwang ng Santa Cruzan na gaganapin ngayong araw, alas-6 ng gabi, sa Antipolo Cathedral.

Kinakatawan ni Alexandra Margaret S. Montes bilang Reina del Cielo, kasama si Eric Jr. DC. Latonio. Ang kanilang pakikiisa ay sumisimbolo ng pananampalataya, debosyon, at patuloy na pagmamahal sa mga tradisyong Kristiyano na nagbibigay-buhay sa ating komunidad.









TINGNAN | Pagtatapos ng Unang Nobenaryo ng Mahal na Birhen ng AntipoloMatagumpay na nagtapos ang unang nobenaryo para sa...
14/05/2026

TINGNAN | Pagtatapos ng Unang Nobenaryo ng Mahal na Birhen ng Antipolo

Matagumpay na nagtapos ang unang nobenaryo para sa Mahal na Birhen ng Antipolo matapos ang siyam na araw ng taimtim na pananalangin, debosyon, at sama-samang pagpapalalim ng pananampalataya. Sa loob ng mga araw na ito, nagtipon-tipon ang mga deboto upang mag-alay ng panalangin at pasasalamat, habang patuloy na hinihingi ang patnubay at biyaya ng Mahal na Ina.

Dinaluhan ito ng maraming deboto na buong pusong nakibahagi sa banal na pagdiriwang bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birhen. Naging makahulugan ang bawat araw ng nobenaryo sapagkat hindi lamang nito pinagtibay ang pananampalataya ng bawat isa, kundi nagbigay rin ito ng pag-asa, kapayapaan, at pagkakaisa sa buong sambayanan.

Sa pagtatapos ng unang nobenaryo, nananatiling buhay sa puso ng bawat deboto ang diwa ng pananampalataya at pagtitiwala sa mapagkalingang pag-aaruga ng Mahal na Birhen ng Antipolo. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapalalim ang ating debosyon at patuloy na mamuhay nang may pananampalataya, pagmamahal, at paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.






Sa puso ng Antipolo, patuloy ang pagbuhay sa diwa ng pananampalataya at tradisyon sa pagbubukas ng panahon ng paglalakba...
14/05/2026

Sa puso ng Antipolo, patuloy ang pagbuhay sa diwa ng pananampalataya at tradisyon sa pagbubukas ng panahon ng paglalakbay para sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Sa pagsikat ng araw, libo-libong deboto ang nakiisa sa banal na prusisyon mula sa dambana ng Antipolo patungong Pinagmisahan Hills at pabalik, tangan ang kanilang mga panalangin at panata. Sa bawat hakbang ng pag-ahon, muling ginunita ng mga mananampalataya ang sakripisyo, debosyon, at tradisyong taon-taon nilang iniaalay sa Mahal na Birhen. Higit sa isang paglalakad, ito ay naging buhay na patunay ng matibay na pananampalataya ng bawat deboto.

Kasunod nito ay ang pagbubukas ng Replica Exhibit, kung saan itinampok ang ibaโ€™t ibang replika ng Birhen ng Antipolo mula sa ibaโ€™t ibang samahan at deboto. Bawat imahen ay tila may sariling kuwento ng pananampalataya, pag-asa, at pasasalamat ng mga taong patuloy na humihingi ng gabay sa Ina. Sa bawat pagtingin, mas lalong nadarama ang malalim na ugnayan ng mga mananampalataya sa kanilang patrona.

Isa rin sa pinakahihintay ng mga deboto ang muling pagbubukas ng Camarin matapos ang ilang buwang pagsasaayos. Muling nabuksan ang banal na lugar kung saan isinasagawa ang tradisyon ng Beso Manto, ang paghalik sa belo o mantel ng Mahal na Birhen bilang tanda ng paggalang at pananalig. Para sa marami, ang sandaling ito ay naging tahimik ngunit makapangyarihang pagtatagpo ng puso at pananampalataya.

Pagsapit ng gabi, muling naging buhay ang mga lansangan ng Antipolo sa engrandeng prusisyon bilang opisyal na pagbubukas ng pilgrimage season at Ahunan. Mas naging makabuluhan ang pagdiriwang sa pagdalo ng mga deboto mula sa ibaโ€™t ibang simbahan at dambana na nagkaisa sa iisang layunin ng pananalangin. Sa bawat awit, dasal, at paglakad, mas tumingkad ang pagkakaisa ng Simbahan at ng sambayanan.

At sa bawat pagtatapos ng paglalakbay, nananatiling buhay sa Antipolo ang pananampalatayang patuloy na umaahon at bumabalik sa piling ng Ina.







MAYO 5 | Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting PaglalakbaySa araw na ito, ating ipinagdiriwan...
05/05/2026

MAYO 5 | Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Antipolo, ang mapagkalingang Ina na patuloy na gumagabay sa bawat manlalakbay at nagdadala ng kapayapaan sa ating mga puso.

Sa bawat paglalakbay ng ating buhay, nawaโ€™y samahan Niya tayo, ilayo sa panganib, at akayin sa landas ng kabutihan at pananampalataya.

Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ipanalangin mo kami.







TIGNAN | Ang Pagsisimula ng Prusisyon ng Mahal na Birhen ng Antipolo. Prusisyon para sa pagbubukas ng Peregrinasyon sa a...
05/05/2026

TIGNAN | Ang Pagsisimula ng Prusisyon ng Mahal na Birhen ng Antipolo. Prusisyon para sa pagbubukas ng Peregrinasyon sa ating Ina.







KASALUKUYAN | Nakahanda na ang Mapaghimalang Birhen ng Antipolo para sa paglalayag sa kaniyang kabayanan
05/05/2026

KASALUKUYAN | Nakahanda na ang Mapaghimalang Birhen ng Antipolo para sa paglalayag sa kaniyang kabayanan







04/05/2026

TINGNAN | Matapos simulan ang prusisyon mula sa kanyang dambana, patungo na ang Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay as Pinagmisahan Hills.








02/05/2026

KASALUKUYAN | Tunghayan ang Concertio ng Koro ng Antipolo Cathedral. Isang paghahandog ng Musika para sa ating sinisintang Ina, para sa kaniyang walang hanggang pagkalinga sa atin.






Address

Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pacem Ministry - Antipolo Cathedral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share