03/03/2026
PRE-MATURE OR NORMAL?
Bawat kristiyano ay nangangailangan ng dalawang bautismo (Matthew 3:11).
Isa sa tubig at isa sa Espiritu, upang siya ay maipanganak mula sa tubig at mula sa Espiritu (John 3:1-7). Bukod dito, kung masyado mong iaasa ang iyong buhay-kristiyano sa bautismo sa tubig lamang, madidismaya [burn-out] ka sa buhay-kristiyano.
Ang BAUTISMO SA TUBIG ay tumutukoy sa iyong nakaraanβinililibing nito ang nakaraan, hinuhugasan nito ang nakaraan, tinatapos nito ang nakaraan, at iniiwan kang malinis at walang laman (Matthew 3:11, Matthew 3:13-17, Mark 16:16, Acts 2:38-39, Acts 22:12-16, Romans 6:4, Ephesians 5:26, 1 Peter 3:21).
Iyan ay isang napaka-delikadong kalagayang espirituwal; at ang ilan sa mga miserableng kristiyano na makikilala mo ay yaong mga malinis ngunit walang laman.
Sa katunayan, sinabi ni Hesus na delikadong linisin ang iyong buhay at iwan itong walang laman. Sapagkat sinabi Niya, "Mapapalayas mo ang isang masamang espiritu [demon], ngunit pupunta ito at magtatawag ng iba pang masasamang espiritu [demons], at pagbalik niya ay matatagpuan niyang malinis at walang laman ang katawan [human body] na pinanggalingan niya, at maninirahan doon kasama ang pitong demonyong tinawag niya." At pagkatapos ay mayroon ka nang walong demonyo na higit na mas masasama sa dati mong kalagayan (Matthew 12:43-45).
Mahalagang sa oras na malinis na ang isang tao sa pamamagitan ng pagba-bautismo sa tubig, siya naman ay dapat mapunuan. Iyan ang dahilan kung bakit sa Bagong Tipan, sa sandaling mabaustismuhan ang mga kristiyano sa tubig, agad nilang ipinapatong ang kanilang mga kamay sa kanila, at nananalangin na matanggap nila ang BAUTISMO SA BANAL NA ESPIRITU" (Acts 2:38-39, Acts 8:12-17, Acts 19:1-7).
ππ±π₯