San Roque Chapel - Taywanak Ibaba

San Roque Chapel - Taywanak Ibaba Saint Roch or Rocco was a Catholic saint, a confessor who is specially invoked against the plague.

"O San Roque, kami'y kaisa mo sa pagpaparangal kay Tata Nepo." Sa ika-16 ng Mayo, ika-6 ng gabi, ating samahan ang patro...
15/05/2026

"O San Roque, kami'y kaisa mo sa pagpaparangal kay Tata Nepo."

Sa ika-16 ng Mayo, ika-6 ng gabi, ating samahan ang patron ng mga may karamdaman at kalamidad—si Sr. San Roque—sa pakikiisa sa taunang maringal na prusisyon ng Pintakasing Martir ng Alfonso, si San Juan Nepomuceno. Gaganapin ang prusisyon matapos ang Banal na Misa, hudyat ng maluwalhati niyang kapistahan.

" Si Hesukristo ang Tinapay ng Buhay at siyang bukal ng buhay na walang hanggan— na patuloy na ibinabahagi at pinagsasal...
24/04/2026

" Si Hesukristo ang Tinapay ng Buhay at siyang bukal ng buhay na walang hanggan— na patuloy na ibinabahagi at pinagsasaluhan ng mga mananampalataya."

Nitong ika-23 ng Abril ay mataimtim na ipinagdiwang ang Banal na Misa sa Kapilya ni San Roque. Sa kanyang homiliya, tinalakay ni Fr. Ross Layugan, Katuwang na Kura Paroko, ang malalim na kahalagahan ng Banal na Eukaristiya at ang tunay na pakikibahagi sa Misteryong Katawan ni Kristo.

Binigyang-diin niya na ang pinagsasaluhan ay hindi lamang karaniwang tinapay at alak, kundi ang buong diwa ng pagtanggap kay Kristo nang may kababaang-loob at walang pagbabalatkayo.

"DALAW-PATRON SA NAYON"Mula sa mayabong na Barangay Matagbak ay inihatid ang imahen ng Pintakasi ng Alfonso na si San Ju...
24/04/2026

"DALAW-PATRON SA NAYON"

Mula sa mayabong na Barangay Matagbak ay inihatid ang imahen ng Pintakasi ng Alfonso na si San Juan Nepomuceno.

Mainit na tinanggap ng Kapilya ni San Roque sa Taywanak Ibaba ang kanyang presensya, at inalayan ng panalangin at maringal na pagpaparangal.

Sa nalalapit mong Kapistahan, idulog mo,
O Pintakasi na San Juan Nepomuceno, ang bayan ng Alfonso.

O, San Juan Nepomuceno, ipanalangin mo kami.

MAPAGPALANG ARAW! Sa ika-23 ng Abril sa ganap na ika - 9:00am ay itinakda ang pag dalaw ng ating Mahal na Patron na si S...
20/04/2026

MAPAGPALANG ARAW!

Sa ika-23 ng Abril sa ganap na ika - 9:00am ay itinakda ang pag dalaw ng ating Mahal na Patron na si San Juan Nepomuceno. Susundan din ito ng banal na misa sa ganap na ika - 6:00pm. Halina't ating salubungin sa kapilya ang pagdalaw ng ating minamahal na patron na si San Juan Nepomuceno.

Sa nalalapit niya na kapistahan, siya ay ating alalahanin sa pamamagitan ng debosyon at panalangin.

San Juan Nepomuceno, Pintakasi ng Alfonso, Ipanalangin mo kami.

Kapayapaan, pagkakaisa at biyaya ang dala ng pagsamba.Noong ika-26 ng Marso, 2026, ika-6 ng gabi, ginanap ang Banal na M...
26/03/2026

Kapayapaan, pagkakaisa at biyaya ang dala ng pagsamba.

Noong ika-26 ng Marso, 2026, ika-6 ng gabi, ginanap ang Banal na Misa sa San Roque Chapel. Pinangunahan ito ni Fr. Henrico Tagalog, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong partisipasyon bilang mga Katoliko.

"Ang tunay na Katoliko ay mayroong alam, may partisipasyon, at totoo sa pagiging Katoliko." — Fr Henry.

𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚!Sa darating na March 26, 2026 (Huwebes) sa ganap na ika-6 ng gab...
25/03/2026

𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚!

Sa darating na March 26, 2026 (Huwebes) sa ganap na ika-6 ng gabi ay magkakaroon ng Banal na Misa sa ating tuklong.

Ang pakikiisa sa Banal na Misa ay isang pagpapadama sa Diyos na tayong lahat ay nagkakaisa sa pagdiriwang para sa kanyang karangalan sa mga kabutihang ipinagkaloob niya sa atin. Isa itong espesyal na paraan upang alalahanin natin siya at ang ating mga tungkulin sa ating kapwa. Mag sama-sama ayain ang mga kakilala. Lumapit sa Dambana ng Diyos bilang sambayanan, magpasalamat at tumanggap ng bigay Niyang biyaya.

𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚!Sa darating na December 23, 2025 (Martes) sa ganap na ika-6 ng g...
23/12/2025

𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚!

Sa darating na December 23, 2025 (Martes) sa ganap na ika-6 ng gabi ay gaganapin ang Banal na Misa at ang ika-9 na araw ng simbang gabi.

Ang pakikiisa sa Banal na Misa ay isang pagpapadama sa Diyos na tayong lahat ay nagkakaisa sa pagdiriwang para sa kanyang karangalan sa mga kabutihang ipinagkaloob niya sa atin. Isa itong espesyal na paraan upang alalahanin natin siya at ang ating mga tungkulin sa ating kapwa. Mag sama-sama ayain ang mga kakilala. Lumapit sa Dambana ng Diyos bilang sambayanan, magpasalamat at tumanggap ng bigay Niyang biyaya.

Pagkatapos ng Banal na Misa ay magkakaroon ng Panunuluyan sa ating tuklong. Halina't sabay - sabay natin saksihan ang kwento ng paglalakbay nina Maria at Jose patungo sa pagsilang ng ating Tagapagligtas.

𝐒𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐁𝐈 𝟐𝟎𝟐𝟓 Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗶. Magsisimula ito sa darating na Lunes, Disyembre ...
14/12/2025

𝐒𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐁𝐈 𝟐𝟎𝟐𝟓

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗶. Magsisimula ito sa darating na Lunes, Disyembre 15, hanggang Disyembre 23, 2025.

Halina't makiisa sa Siyam na gabing pananalangin at paghahanda para sa pagdating ng ating Manunubos. Sama-sama tayong manalangin at maghanda sa diwa ng pasko.

𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚!Sa darating na November 27, 2025 (Huwebes) sa ganap na ika-6 ng ...
26/11/2025

𝐇𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐮𝐤𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚!

Sa darating na November 27, 2025 (Huwebes) sa ganap na ika-6 ng gabi ay magkakaroon ng Banal na Misa sa ating tuklong.

Ang pakikiisa sa Banal na Misa ay isang pagpapadama sa Diyos na tayong lahat ay nagkakaisa sa pagdiriwang para sa kanyang karangalan sa mga kabutihang ipinagkaloob niya sa atin. Isa itong espesyal na paraan upang alalahanin natin siya at ang ating mga tungkulin sa ating kapwa. Mag sama-sama ayain ang mga kakilala. Lumapit sa Dambana ng Diyos bilang sambayanan, magpasalamat at tumanggap ng bigay Niyang biyaya.

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎𝐌apagpalang Ama,Sa hudyat ng Iyong salita sumusunod ang hangin at dagat...
09/11/2025

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎

𝐌apagpalang Ama,
Sa hudyat ng Iyong salita sumusunod ang hangin at dagat.

Iunat mo ang iyong mga mapagpalang kamay upang 𝗶𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗱𝘆𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼.

Lingapin Mo ang mga anak Mong nagsusumamo sa Iyo.
Pawiin Mo ang lahat ng aming takot at pangamba.
Imulat Mo ang aming mga mata at buksan ang aming mga puso upang makatugon kami sa pangangailangan ng bawat isa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus na Panginoon namin at Diyos na nabubuhay at naghahari kasama Ninyo at ng Espiritu Santo Ngayon at magpasawalang hanggan.

𝐀𝐦𝐞𝐧.

𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍, 𝐈𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈!

Address

Alfonso
4123

Telephone

+639361318368

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque Chapel - Taywanak Ibaba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share