Immaculate Conception Sulsugin Chapel

Immaculate Conception Sulsugin Chapel The Immaculate Conception is a dogma of the Catholic Church which states that the Virgin Mary was free of original sin from the moment of her conception.

Immaculate Concepcion Chapel - Saint John Nepomucene Parish

Mula sa samahan ng Immaculate Conception Youth Circle (ICYC), kami po ay labis na nagpapahalaga at nagpapasalamat sa lah...
27/05/2026

Mula sa samahan ng Immaculate Conception Youth Circle (ICYC), kami po ay labis na nagpapahalaga at nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong, nakilahok, at dumalo sa ating Flores De Mayo 2026. Una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa ating Mahal na Birhen de las Florez at sa ating Panginoon para sa kanilang gabay at sa magandang panahon na ipinagkaloob sa ating Flores De Mayo. Salamat din sa ating kuraparoko Fr. Henry Tagalog mula sa San Juan Nepomuceno Parish Alfonso sa kanyang pamimisa para sa ating Flores De Mayo. Kami ay nagpapahayag ng pasasalamat sa ating Hermana Mayor Gng. Fe Camarce at kanyang pamilya dahil sa kanilang pagtutulungan, pagkakaisa, at pagtanggap sa ating Mahal na Birhen De Las Flores. Salamat po sa lahat ng pag-aasikaso na nagbigay-daan sa tagumpay ng ating Flores. Maraming salamat din sa ating Kapitan Delfin, Tanod, Sangguniang Barangay, at Sangguniang Kabataan sa kanilang suporta. Hindi po maisasagawa ito kung hindi dahil din po sa inyo. Nawa po sa mga dadaan pa na Flores De Mayo ay muli po tayong magkaisa. Muli po tayong magsama-sama at magtulong-tulong para sa ating Flores De Mayo 2027 na ang ating Hermana Mayor ay sina Gng. Josefina Crus at pamilya.

Muli po, maraming salamat po sa inyong lahat. Pagpalain nawa po kayo ng may kapal.

“Flores de Mayo 2026 – Immaculate Conception Youth Circle”Sa darating na Mayo 22, 2026, taos-pusong inaanyayahan ang lah...
20/05/2026

“Flores de Mayo 2026 – Immaculate Conception Youth Circle”

Sa darating na Mayo 22, 2026, taos-pusong inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating taunang Flores De Mayo, pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng delas Flores.

Magsisimula ang pagtitipon sa ganap na ika-2 ng hapon sa tahanan ng Hermana Mayor (Norcio Residence), susundan ng paghahanda para sa Banal na Misa sa ika-4 ng hapon sa Kapilya ng Immaculate Conception. Narito din po ang ruta para sa sagala at mga Hermana Mayor na buong pusong tumanggap sa ating Mahal na Birhen. Muli po inaanyayahan at humihingi po kami ng tulong para sa darating na Mayo 22, 2026 (Biyernes), upang maisagawa ito ng maayos, maganda at puno ng saya ang ating Flores De Mayo. Maraming Salamat po and Godbless!

30/04/2026

Magandang araw po sa ating lahat, simula na po muli ang Pag aalay sa Mahal na Birhen Maria ngayong buwan ng Mayo 2026. Inaanyayahan po ang lahat lalo na ang batang katoliko na makiisa.
Oras:
3:00 P. M -Pagtitipon tipon sa simbahan
3:30 P. M -Pagpunta sa bahay ng may paalay.
Maraming salamat po.💗✨️

Pagluluklok—isang sagradong sandali ng pag-aalay ng korona at pusong puno ng pananampalataya sa Mahal na Birhen. Sa bawa...
29/04/2026

Pagluluklok—isang sagradong sandali ng pag-aalay ng korona at pusong puno ng pananampalataya sa Mahal na Birhen. Sa bawat bulaklak at dasal, ipinapakita ang kababaang-loob, kagandahang-asal, at debosyon ng bawat kabataan. Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa ating pagluluklok para sa ating Mahal na Birhen ng de las Flores. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating isabuhay ang kabutihan at pag-ibig sa kapwa. 💐💗

DATE: APRIL 30, 2026
TIME: 2:00 PM | Immaculate Conception Sulsugin Chapel

Magandang araw po sa ating lahat!Sa makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Flores de Mayo, ang Paalay ay hindi lamang si...
20/04/2026

Magandang araw po sa ating lahat!

Sa makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Flores de Mayo, ang Paalay ay hindi lamang simpleng paghahandog ng mga bulaklak, kundi isang malalim na pagpapahayag ng ating pananampalataya, debosyon, at pagmamahal sa Mahal na Birhen. Sa bawat hakbang ng mga kabataan na may hawak na sari-saring bulaklak, makikita ang kagandahan ng tradisyong Pilipino na patuloy na namumukadkad sa paglipas ng panahon.

Mula sa organisasyon ng Flores Sulsugin (Immaculate Conception Youth Circle), ibinabahagi po namin sa inyo ang mga libreng araw para sa ating paalay. Para po sa nais magpaalay mula sa Barangay Sulsugin maaari po kayong mag comment ng araw para sa paalay. Maraming Salamat po!💗☺

As we celebrate the beauty of our faith and the maternal love of our Mother Immaculate Concepcion, may her grace light o...
07/12/2025

As we celebrate the beauty of our faith and the maternal love of our Mother Immaculate Concepcion, may her grace light our path, bring peace to every heart, and may her purity inspire and strengthen us. May her blessing be upon us all.

Godbless you all

16/05/2025

Address

Saint John Nepomucene Parish
Alfonso
4123

Telephone

+639361318368

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Immaculate Conception Sulsugin Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Immaculate Conception Sulsugin Chapel:

Share