27/10/2024
"Mga kapatid, magmahalan tayo sa isa't isa, kahit ang iyong kaaway, bigyan mo sila ng pagkain o pangangailangan, basta pinabubuti mo ang sarili mo na may masayahing galak na puso at mabubuting gawa ayon sa Panginoon. Totoo ang paggawa mo Sakanya dahil sinusunod mo ang mga salita ng Dios; dapat lang yun para mapabuti mo. Meron kang masayahing puso, masaya sa mga gawain dahil utos yun ng Dios.
Gumawa tayo ng mabuti at tulong-tulong sa pag-iisa sapagkat ito ay may pagmamahal at pagibig sa kapwa. Sa Ingles, sinasabi natin, 'Love your enemy.' Meron din tayong respeto sa isa't isa; huwag nating kalilimutan.
Huwag kayong tumigil na gumawa ng mabuti dahil ikinabubuti yan. Lalakad tayo sa mabuti, hindi sa masama. Kung lalakad ka sa masama, masisira ang buhay mo; kontrolado lahat yan ng satanas, kaya mag-ingat ka. Pumili ka: kay satanas ka ba o sa Panginoong Dios?
Gawin pa natin ng mga madadaling term: Sa impyerno o sa paraiso? Masama o mabuti? Bahay ng maingay o Bahay ng kapayapaan? Giyera ng masasama o kapayapaan ng mabubuti? Hindi sumusunod sa utos o sumusunod ng utos? Masama ang puso/ugali o mabuti ang puso/ugali? Mahilig sa pera o sa paggawa ng mabuti at pagibig sa kapwa? Pumili ka.
Samahan nawa po kayo, mga kapatid. Salamat po sa Dios. Amen. Sa Dios ang karangalan at kapurihan magpakailanman."
- Bro. Daniel Razon (Servant Minister)