05/04/2026
Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Ministry of Altar Servers at sa ating Youth ministry para sa inyong dedikasyon ngayong Holy Week.
Hindi naging madali ang pagod sa pag-aayos ng altar, pag-assist sa mga misa, at pag-gabay sa mga kabataan, pero naging matagumpay ang lahat dahil sa inyong malasakit.
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga kaparian, Father Andrie at Father Tony, para sa inyong gabay at paglilingkod ngayong Mahal na Araw. Salamat sa paghahatid ng Salita ng Diyos at sa pagpapadaloy ng mga banal na sakramento na nagpatibay sa aming pananampalataya. Ang inyong sakripisyo at dedikasyon sa pag-akay sa aming parokya ay tunay na inspirasyon sa aming lahat. Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng lakas at kalusugan sa inyong misyon. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyo, Father!
Sa lahat ng Lectors and Commentator, Choirs at mga Layko, maraming salamat po. Ang inyong serbisyo ay isang tunay na alay para sa Panginoon at sa ating parokya. Isang malaking karangalan ang makasama kayo sa paglilingkod.
Saludo ako sa inyong sipag at pagmamahal! โช๏ธ๐โจ