13/11/2025
13TH MONTH PAY!
Pamigay o pangsarili?
Kung gagastusin mo yan para bumili ng mga bagay para sa ibang tao, pinamimigay mo yan pero kung pangsarili mo lang, makasarili ka ba talaga?
Para sa akin pangsarili mo pero hindi ka madamot, paano nangyare yun? Ito isipin mo, kung iniisip mo yung sarili mo, panigurado iniisip mo ang mga tunay na mahal mo sa buhay at hindi ang mga kakilala mo na nahihiya ka lang.
Oo pagpinaggastusan mo sarili mo, hindi lang sarili mo ang pinaggagastusan mo kundi yung tunay na kinasasaya ng sarili mo tulad ng pag gastos sa anak, asawa, o magulang.
Pero kung sapat lang para sa sarili na bumili ng gamit o pagkain at walang kaya para sa kapatid o kamag-anak ay ayos lang, bakit? Kasi una mo dapat binabayaran ay ang sarili mo kasi ang sarili mo ang unang rason bakit ka may bonus! Kung papabayaan mo ang sarili mo, paano na ang kikitaing mong pera kung ikaw mismo na kumikita ng pera ang papabayaan mo?
Ikaw ano masasabi mo sa pag gastos ng 13th month pay para sa ibang tao para sa sarili mo?