06/08/2022
Reminder | Start na po tayo bukas | Halina’t mag-ayuno
Araw ng ‘Âshuorâa 10 Muharram 1444 - 08 August 2022
• PINAWAWALANG SALA ANG NAKARAANG TAON NA KASALANAN
Naiulat ni Abu Qatadah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Tinanong ang Propeta ﷺ tungkol sa pag-aayuno sa araw ng ‘Âshourâa, at kanyang sinabi: ❝Katotohanan, ang palagay ko’y karapat-dapat sa Allâh na Kanyang ipawalang-sala ang nakaraang taon na kasalanan.❞ Muslim
• ANG MGA URI NG PAG-AAYUNO SA ARAW NG ‘ÂSHOURÂA
Nabanggit ng ilang mga Pantas, na ang pag-aayuno sa araw ng ‘Âshuorâa ay may tatlong kalagayan:
① Ito’y pag-aayunuhan kasama ang araw na nasa unahan nito o ang kasunod nito. (9 at 10 ng Muharram 1444 / 07 at 08 ng August 2022) or (10 at 11 ng Muharram 1444 / 08 at 09 ng August 2022).
② Ito lamang ang pag-aayunuhan (10 ng Muharram 1444 / 08 August 2022).
③ Ito’y pag-aayunuhan kasama ang araw na nasa unahan nito at ang kasunod nito, at ito ang pinakatumpak. (9, 10 at 11 ng Muharram 1444 / 07, 08 at 09 ng August 2022) Walang sala kung ito ang pag-aayunuhan.
Sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ: ❝Kung ako ay mabubuhay pa hanggang sa susunod na taon, Ako ay mag-aayuno sa ika-siyam at ika sampo ng Muharram.❞ Muslim 1/504: Hadeeth Bilang: 1134
❞ لَئِنْ عِشْتُ لأَصُومَنَّ التَّاسِعَ وَالعَاشِرَ ❝
Ulat mula kay Abu Hurayrah (kalugdan nawa siya ng Allâh) sabi niya, Sinabi ng Sugo ng Allâh (ﷺ): ❝Ang pinakamainam na pag-aayuno pagkatapos ng obligadong pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhân ay sa buwan ng Allâh na tinatawag na Muharram.❞ Muslim 1163
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ : قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : ❞ أَفْضَلُ الصِّيامِ بَعْدَ رَمَضانَ ، شَهْرُ اللهِ المُحَرَّمُ ، وأَفْضَلُ الصَّلاةِ بَعْدَ الفَرِيضَةِ ، صَلاةُ اللَّيْلِ ❝ رواه مسلم ١١٦٣
• ANG OKASYON O DAHILAN NG PAG-AAYUNO SA ARAW NA ITO
Bilang pasasalamat sa Allâh sa pagligtas Niya kay Propeta Muosa (alayhis salam) at sa kanyang mga tao mula kay Fir’aun at sa kanyang mga sundalo, at iyon ay sa ika-sampong araw sa buwan ng Muharram.
① Makabubuting pag-aayunuhan ang araw ng ‘Âashuorâa bilang pagtulad kay Propeta Muhammad ﷺ.
② Makabubuting pag-aayunuhan ang araw na nasa unahan nito o ang kasunod nito, upang mapagtanto ang pagsalungat sa mga Hudyo, na siyang ipinag-utos ng Propeta Muhammad ﷺ.
③ Ang araw na ito ay may dakilang kahusayan at dating kabanalan.
④ Ito’y bilang pahayag na ang pagtatakda ng panahon ng mga unang pamayanan ay sa pamamagitan ng pagsikat ng bagong Buwan at hindi sa mga buwan ng Gregoria, dahil ipinabatid ng Sugo ﷺ na ang araw ng paglipol ng Allâh kay Fir’aun sampu o kasama ng kanyang mga kasamahan at pagligtas kay Propeta Muosa at ang kanyang mga tao ay sa ika-sampong araw ng Muharram.
⑤ Ito ang tamang nakasaad sa Sunnah ng Propeta ﷺ tungkol sa natatanging araw na ito at ang bukod dito na ginagawa, samakatuwid ito’y Bid’ah, taliwas sa patnubay ng Propeta ﷺ.
At ito ay ilan sa pagpapala ng Allâh sa atin, nang dahil sa isang araw na pag-aayuno ay ipinagkaloob sa atin ang pagpapawalang-sala ng mga kasalanan sa loob ng isang taon, at ang Allâh ang nagmamay-ari ng Dakilang Pagpapala.
Kaya aking kapatid magmadali at samantalahin ang pagpapalang ito, at umpisahan mo sa pamamagitan ng pagsunod sa Allâh ang iyong bagong taon, at sa pag-uunahan ng mga kabutihan, dahil (Katotohanan, ang mga mabuti ay nagpapawi ng mga masasama).
Hinango mula sa salita ni Shaikh Muhammad Al-Uthaimeen sa aklat na (Ad-diya’ Allaa-mie’) at Shaikh Saleh Al-Fawzan, sa aklat na (Al-khutab Al-mimbariyyah).
Paabutin nawa tayo ng Allâh sa araw ng ‘Âshuorâa para makapag-ayuno. Allâhumma Âmeen
________
✍🏼 Bro Mohammed Hosaen Averoun III
Da’wah Mission KSA 🇸🇦