JCOB Koshigaya

JCOB Koshigaya The official page of Jesus Christ Our Banner Koshigaya Church

23/05/2026
28/04/2026

POWER VERSE for TODAY
April 28,2026
By S.Irami wife of B.R.J

📖Salmo‬ ‭24‬:‭1‬ ‭ASD‬‬📖
“Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon.”

Amen. Pinapahayag po sa verse na ito yung God's ultimate ownership and sovereignty! He created and owns everything🙌Dahil Siya ang nagmamay-ari ng lahat, hindi natin kailangang mag-alala tungkol sa ating mga pangangailangan o kakulangan; Siya ang magpoprovide para sa atin basta't magtiwala tayo sa Kanya☝️

Kaya baguhin natin ang ating pananaw,tingnan natin ang ating buhay at ang lahat ng meron tayo ay sa Diyos at hindi sa atin!Mamuhay tayo nang may pasasalamat sa Kanyang Ownership and provision at kumilos tayo bilang Kanyang katiwala,imanage natin ang ating finances, time pati ang ating mga talento na galing sa Diyos sa paraang ma honor natin Siya☝️

Kapag nakaramdam na tayo ng worries, balikan natin ang verse na ito na ang Diyos na nagmamay-ari ng sansinukob ay nagmamalasakit sa atin😇Kaya stay in the Lord dahil pag sa Diyos tayo, hindi tayo magkukulang🙏🏻
Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa Kanya.”‭‭Jeremiah‬ ‭17‬:‭7‬ ‭

Blessed Day po💕To God be all the Glory🙌

26/04/2026

POWER VERSE For TODAY
April 27, 2026
By B. R.J.

Pahayag 22:20 RTPV05
[20] Sinasabi Ng Nagpapatotoo Sa Lahat Ng Ito, “Tiyak Na Nga! Darating Na Ako!” Sana'Y Dumating Ka Na, Panginoong Jesus!

AMEN,

Isa po Ito Sa Paburito ko pong Verse Na Nawa'Y Maganap Na, Dahil Alam natin Na Sa Pagdating Lang Ni Lord Magkakaroon tayo Ng Tunay Na Kapahingahan, kung baga po sa work, swelduhan na, Amen, Sa Kanya Naman, Sa Kanya Na natin Maririnig Mismo Na Well Done tayo o hindi, Ayon sa ating pinamuhay Na Ibabase Sa Kanyang Salita, Amen.

Sa Ganito, Marahil Titiwasay ating Pamumuhay dahil kung hindi, sasamain tayo Sa Panginoon, Amen.

God Bless po sa ating lahat.

24/04/2026

Power Verse for Today
April 24, 2026
Bro. Carl

“Dahil kay Kristo, itinuturing kaming mga hangal, ngunit kayo naman ay nag-aakalang marurunong kayo sapagkat nakay Kristo kayo! Kami ay mahihina, at kayo ay malalakas! Kayo ay iginagalang, habang kami naman ay hinahamak!”
‭‭1 Mga Taga-Corinto‬ ‭4‬:‭10‬

Mga kapatid kung nabasa na natin ang parteng ito sa bibliya. Makikita natin na ang Ang mga mananampalataya sa Corinth ay umaasta na parang busog na sila sa karunungan, mayaman na sila (sa espiritu) at naghahari na sila kung mag-isip.

Ngunit itinutuwid sila ni Pablo na ang ganitong kaisipan ay nagbubunga ng pagmamataas o pride, hindi kapangyarihan nagmumula sa Diyos.

Ang Paalala sa atin mga linkod ng Diyos ngayon ay, Manatiling tayo nakaapak sa lupa.
Kahit na tayo ay mahusay nang mangaral, may pinamumunuang ng mga tao o bible study o kinikilala na sa mga gawain sa ministeryo,

Huwag natin hayaang mawala ang pusong marunong pa din magpaturo, may kababaang-loob at lubos na pagtitiwala sa Panginoon Diyos.

Dahil ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa ating posisyon o nakamit na titulo. Kundi sa katapatan kahit walang nakakakita sa atin, pagtitiis sa gitna ng pagsubok at pag-ibig ng Diyos na ating isinasabuhay.

manatili tayong Magpakababa at itataas tayo ng Diyos.
Manatiling tapat, at patatatagin Niya tayo.

Mapagpalang araw po sa bawat isa
To God be all the Glory🙏🙌

22/04/2026

Power Verse for Today
April 22, 2026
By bro Rey Hernandez Jr.

Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.””
‭‭Jeremias‬ ‭17‬:‭10‬ ‭MBB05‬‬

Sa verse po na ito ay makikita natin na tanging ang Diyos lamang ang makasasaliksik ng ating puso. Sinasabi nga po na ang puso ay mandaraya at walang katulad.

““Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito'y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan.”
‭‭Jeremias‬ ‭17‬:‭9‬ ‭MBB05‬‬

Ngunit kaya ng Diyos na saliksikin at siyasatin ang puso ng bawat isa sa atin. Maaring madaya natin ang ating kapwa ngunit hindi ang Diyos. Kaya naman tinitingnan ng Diyos ang motibo ng puso ng bawat isa sa atin.

Kaya nga mga kapatid, panatilihin natin na malinis ang ating puso at ingatan na mapasukan ng anumang karumihan. Magpasiyasat at magpalinis tayo ng ating puso sa ating Panginoong Diyos sa at ipanalangin na hindi tayo maging mapagmataas.

““Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
‭‭Mateo‬ ‭5‬:‭8‬ ‭MBB05‬‬

Patuloy po tayo pagpalain ng Panginoong Jesus ating puso gabayannng Holy Spirit sa bawat araw ng ating buhay. Mahal tayo ngunit hindi Diyos Ama sa langit mga kapatid.

住所

Chiba Heights 105, Kita-Koshigaya
Koshigaya-shi, Saitama
3430026

営業時間

09:00 - 17:00

電話番号

+818051752443

ウェブサイト

アラート

JCOB Koshigayaがニュースとプロモを投稿した時に最初に知って当社にメールを送信する最初の人になりましょう。あなたのメールアドレスはその他の目的には使用されず、いつでもサブスクリプションを解除することができます。

共有する

カテゴリー