Mga Pagbasa SA MISA

Mga Pagbasa SA MISA Everyday Mass readings

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon
05/06/2026

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon

Hunyo 7, 2026Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A)✝️ MGA PAGBASA SA MISA🙏UNANG PAGBAS...
05/06/2026

Hunyo 7, 2026
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A)

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏UNANG PAGBASA
Deuteronomio 8: 2-3, 14b-16a

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya. Tinuruan nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipakilala sa inyo na ang tao’y hindi lamang nabubuhay sa pagkain kundi sa salita rin naman ng Panginoon.

“Huwag ninyong kalilimutan ang Panginoon na nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin ng bansang Egipto. Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakatatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato. Kayo’y pinakain niya roon ng manna, isang pagkaing di ninyo kilala.”

Ang Salita ng Diyos.

🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 147: 12-13, 14-15, 19-20


PURIHIN MO, JERUSALEM,
ANG PANGINOONG BUTIHIN.

o kaya: Aleluya.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.


PURIHIN MO, JERUSALEM,
ANG PANGINOONG BUTIHIN.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.


PURIHIN MO, JERUSALEM,
ANG PANGINOONG BUTIHIN.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!


PURIHIN MO, JERUSALEM,
ANG PANGINOONG BUTIHIN.

🙏IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 10: 16-17

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinaghahati-hati ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.

Ang Salita ng Diyos.

🙏AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Purihin mo, Lungsod ng D’yos,
ang Pastol na Manunubos,
ang Panginoong si Hesus.

Sa abot ng kakayanan
ng lahat ng kanyang hirang,
siya’y dapat papurihan.

Ang sarili niya’y handog
upang lahat ay matubos
at mapalakas nang lubos.

Kasalo’y mga alagad
ng Panginoong Mesiyas
na hai’y buhay sa lahat.

Siya’y dapat na handugan
ng papuri at parangal
ng lahat ng kanyang hirang.

Ngayo’y ating gunitain
ang Huling Hapunang bilin
ng Panginoon sa atin.

Dito naganap ang tipan
na bago at walang hanggan
sa kaligtasan ng tanan.

Ang kasunduang matanda
humantong sa pasinaya
ng hain n’yang inihanda.

Tanang ginanap ni Hesus
ay habilin niyang utos
na ipagdiwang nang lubos.

Ang handog niyang pagkain
at alay niyang inumi’y
laman niya’t dugong hain.

Kanyang turong iniaral
na ang alak at tinapay
ay dugo niya’t katawan.

Manalig tayong matapat
kahit hindi namamalas
ang pagbabagong naganap.

Pagkain ay pinalitan
ni Kristo ng kanyang laman
upang tayo’y makinabang.

Napalitan ang inumin
sa dugo na inihain
ni Hesus para sa atin.

Ating pinagsasaluha’y
si Hesus na P**ng mahal,
walang bawas, walang kulang.

Kahit marami o isa
ang tumatanggap sa kanya’y
laging sapat, laging kasya.

Ang may sala’y lapastangan
ngunit ang butihi’y banal
pagdulog sa pakinabang.

Masuwayi’y magdurusa,
mabubuhay ang magtika
nang si Kristo’y matanggap n’ya.

Hinati-hating tinapay
para sa nakikinabang
ay laman ni Kristong buhay
na sa ati’y kanyang alay.

Sa lahat ng tumatanggap
paghahati’y ginaganap
ngunit buo, walang bawas
ang Katawan ng Mesiyas.

Pagkaing mula sa langit
ngayo’y hain sa daigdig.
Handog na kaibig-ibig
kailanma’y di masasaid.

Paghahai’y inilahad
nang ialay si Isaac,
ang korderong nagliligtas,
ang manna ng nagsilikas.

Pastol naming mapagmahal,
kami’y iyong kaawaan,
gawing dapat makinabang
sa pagkaing iyong alay
hanggang langit ay makamtan.

Magagawa mo ang lahat
upang tanan ay maligtas,
akayin mo sa ‘yong hapag
lahat kaming ‘yong alagad
sa buhay mong walang wakas.

🙏ALELUYA
Juan 6: 51

Aleluya! Aleluya!
Pagkaing dulot ay buhay
Si Hesus na P**ng mahal,
Buhay natin s’ya kailanman.
Aleluya! Aleluya!

✝️ MABUTING BALITA
Juan 6: 51-58

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Dahil dito’y nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Panginoong Hesus, salamat sa Eukaristiya. Hinihiling namin ang pagkaing espiritwal na nagbibigay-buhay at presensiya Mo sa amin.
Dinggin Mo ang aming dasal para sa lahat, habang aming dinadalangin: Hesus, Tinapay ng Buhay, dinggin Mo kami.


HESUS, TINAPAY NG BUHAY, DINGGIN MO KAMI.

Para sa Santo Papa, mga obispo, at mga pari: nawa ang kanilang buhay ay maging tapat na saksi sa kabanalan ng Eukaristiya. Manalangin tayo.

Para sa Simbahang Katolika: nawa ang Eukaristiya ang magbuklod sa amin bilang iisang Katawan ni Kristo sa pananampalataya at pag-ibig. Manalangin tayo.

Para sa aming parokya: nawa ang Eukaristiya ang maghatid ng pagkakaisa, katarungan, at kapayapaan, lalo na sa mga kabataan. Manalangin tayo.

Para sa mga maysakit, nag-iisa, at nasa laylayan, at sa mga yumao: nawa’y matagpuan nila ang lakas, aliw, at walang hanggang
kagalakan sa Diyos. Manalangin tayo.

Hesus, aming Buhay na Pagkain, dinggin Mo kami. Akayin Mo kami sa mas malalim na pakikipag-isa sa Iyo at gawing salamin ng Iyong pag-ibig ang aming buhay magpakailanman. Amen.

Photo:

Hunyo 6, 2026SABADO ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Paggunita kay San Norberto, obispo Paggunita na Mahal ...
05/06/2026

Hunyo 6, 2026
SABADO ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Paggunita kay San Norberto, obispo
Paggunita na Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏UNANG PAGBASA
2 Timoteo 4: 1-8

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, inuutusan kita sa ngalan ng Diyos at ni Kristo Hesus na hahatol sa mga buhay at mga patay: alang-alang sa kanyang pagparito at paghahari, ipangaral mo ang salita ng Diyos, napapanahon man o hindi; hikayatin mo, pagsabihan, at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga g**ong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan. Kaya, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras. Pagtiisan mo ang mga kahirapang dumarating sa iyo. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Mabuting Balita. Tupdin mo ang iyong mga tungkulin, bilang tagapaglingkod ng Diyos.

Ako’y iaalay na; dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. Kakamtan ko na ang korona ng pagtatagumpay. At sa Araw na yaon, ang Panginoon na siyang makatarungang hukom, ang magpuputong sa akin ng korona, hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa muli niyang pagparito.

Ang Salita ng Diyos.

🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 71: 8-9, 14-15ab, 16-17, 22


PATULOY KONG ISASAYSAY
ANG DULOT MONG KALIGTASAN.

Tunay akong nagpupuri, nagpupuri buong araw,
akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.
Ngayong ako’y matanda na h’wag mo akong babayaan,
katawan ko’y mahina na kaya ako’y h’wag iiwan.


PATULOY KONG ISASAYSAY
ANG DULOT MONG KALIGTASAN.

Ako naman, samantala ay patuloy na aasa,
patuloy na magpupuri, pupurihin ka tuwina.
Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay,
maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan.


PATULOY KONG ISASAYSAY
ANG DULOT MONG KALIGTASAN.

Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila,
ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.


PATULOY KONG ISASAYSAY
ANG DULOT MONG KALIGTASAN.

Tutugtugin ko ang alpa’t pupurihin kitang tunay,
pupurihin kita, O Diyos, dahil sa ‘yong katapatan.
Mga imno ng papuri sa alpa ko’y tutugtugin,
iuukol ko ang tugtog sa ‘yo, Banal ng Israel.


PATULOY KONG ISASAYSAY
ANG DULOT MONG KALIGTASAN.

🙏ALELUYA
Mateo 5: 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

✝️ MABUTING BALITA
Marcos 12: 38-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang mga upuang pandangal sa mga piging. Inuubos nila ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkala’y ang pagdarasal nang mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!”

Umupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Mayroon tayong iisang Ama sa lahat, at iisang G**o, ang kanyang bugtong na Anak. Dumulog tayo sa ating Ama para sa lahat ng kanyang mga anak sa mundo.


PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA NG MGA DUKHA, PAKINGGAN MO ANG AMING PANALANGIN.

Ang mga tumatanggap ng sakramento ng orden para sa banal na paglilingkod nawa’y maging tapat at totoo sa kanilang pagtatalaga ng sarili sa Diyos at sa Simbahan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maibigay ang mabuti at magaling na serbisyo sa tao at hindi unahin at paglingkuran ang kanilang sariling kapakanan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kababaang-loob ni Kristo nawa’y pumigil at magpasuko sa kapalaluan at pagkukunwari ng mga taong may matayog na pagtingin sa sarili. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumanggap ng banal na pagbubunyag bilang mensahe ng Diyos sa bisa ng kanyang kapangyarihan at hindi ayon sa kaisipan lamang ng tao. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan sa Muling Nabuhay na Tagapagligtas. Manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos at Ama ng lahat ng sangkatauhan, itinataas namin sa iyo ang mga panalangin ng mga sumasampalataya sa iyo, gayundin ang mga hindi pa nakaririnig ng iyong banal na ngalan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Photo:

Hunyo 5, 2026BIYERNES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir✝️ MGA P...
02/06/2026

Hunyo 5, 2026
BIYERNES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏UNANG PAGBASA
2 Timoteo 3: 10-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, sinunod mo ang aking aral, ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig sa akin, gayun din ang aking pagtitiis sa Antioquia, Iconio at Listra. Ngunit sa lahat ng ito’y iniligtas ako ng Panginoon. At lahat ng may nais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Kristo ay daranas ng pag-uusig. Ang masasama’y lalong magpapakasama, ang mga manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila may ay malilinlang. Ngunit huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Ang Salita ng Diyos.

🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 119: 157, 160, 161, 165, 166, 168


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin,
ngunit ang ‘yong kautusan ay patuloy kong susundin.


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

Ang buod ng kautusa’y salig sa katotohanan,
ang lahat ng tuntunin mo’y pawang walang katapusan.


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

Mga taong namumuno na dahop sa katarungan,
usigin man nila ako, susundin ko’y iyong aral.


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

Hinihintay ko ikaw, O Diyos, upang ako ay iligtas,
ang anumang iutos mo ay siya kong tinutupad.


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.


ANG SA UTOS MO'Y MAGMAHAL
PAPAYAPA YAONG BUHAY.

🙏ALELUYA
Juan 14: 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

✝️MABUTING BALITA
Marcos 12: 35-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, samantalang nagtuturo si Hesus sa templo, sinabi niya, “Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito:

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesiyas?” At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Ang ating pananampalataya kay Jesus bilang “Kristo ng Diyos” ang siyang nagtitipon sa atin bilang miyembro ng komunidad na ito. Sa kanyang pangalan dalhin natin sa Ama ang ating mga kahilingan.


PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
AMA NG AMING PANGINOONG JESUS, PAKINGGAN MO KAMI.

Ang Simbahan nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng katotohanan at pagka-Diyos ni Kristo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakasunduan nawa’y maging isang katotohanan lalo na sa mga bansang ang mga tao’y nagdurusa sa diskriminasyon dahil sa lahi, kasarian, uri, at relihiyon. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y humimlay sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ni Jesu-Kristo, kinikilala namin na ikaw lang ang aming Panginoon. Lagi mo kaming bantayan at ipagkaloob mo ang aming ipinapanalangin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Photo:

June 4, 2026HUWEBES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)✝️ MGA PAGBASA SA MISA🙏UNANG PAGBASA2 Timoteo 2: 8-15Pa...
02/06/2026

June 4, 2026
HUWEBES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏UNANG PAGBASA
2 Timoteo 2: 8-15

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, alalahanin mo si Hesukristo, ang nagmula sa angkan ni David at ang muling nabuhay. Ito ang Mabuting Balitang ipinangangaral ko, ang dahilan ng aking pagdurusa hanggang sa magapos na tulad ng isang salarin. Ngunit hindi maigagapos ang salita ng Diyos. Pinagtitiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magtamo rin sila ng kaligtasan mula kay Kristo Hesus, at ng walang hanggang kaluwalhatian. Narito ang kasabihang mapananaligan:

“Kapag tayo’y namatay na kalakip ni Hesukristo,
walang salang mabubuhay na kasama niya tayo;
kung tayo man ay magtiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari naman tayong kapiling ng ating Kristo;
kapag siya’y itinakwil sa harapan ng mga tao
pagdating ng takdang araw, itatakwil niya tayo.
Kung tayo ma’y hindi tapat, si Kristo ay tapat pa rin
sapagkat ang sa kanya ay hindi niya itatakwil”

Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa ngalan ng Diyos, na huwag magtalu-talo nang walang kabuluhan. Walang ibubungang mabuti ang ganitong pagtatalo, manapa’y kapahamakan ng nakikinig. Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Ang Salita ng Diyos.

🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 25: 4bk-5ab, 8-9, 10 at 14


P**N, ANG IYONG LANDASI'Y
IYONG ITURO SA AKIN.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, P**n, ang katotohanan;
tagapagligtas ko na inaasahan.


P**N, ANG IYONG LANDASI'Y
IYONG ITURO SA AKIN.

Mabuti ang P**n at makatarungan,
sa mga salari’y g**o at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.


P**N, ANG IYONG LANDASI'Y
IYONG ITURO SA AKIN.

Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay
sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siya’y kaibigan,
at tagapagturo ng banal na tipan n’yang banal.


P**N, ANG IYONG LANDASI'Y
IYONG ITURO SA AKIN.

🙏ALELUYA
2 Timoteo 1: 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

✝️MABUTING BALITA
Marcos 12: 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, isa sa mga eskriba ay lumapit kay Hesus at nagtanong, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas,’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, G**o!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Sa ating mga panalangin ngayon, maipakita nawa natin ang ating pag-ibig sa Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas at ang ating pag-ibig sa kapwa tulad ng paggalang at pagpipitagan natin sa ating mga sarili.


PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
PANGINOON, PUNUIN MO KAMI NG IYONG PAG-IBIG.

Ang Simbahan nawa’y hindi tumigil sa pagpapahayag na nasa puso ng Ebanghelyo ang pag-ibig sa Diyos at ang pag-ibig sa kapwa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga tinanggalan ng karapatan, mga itinataboy, at mga walang nagmamahal nawa’y hindi natin makaligtaang ipadama ang ating habag sa kanila. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makitungo sa ating kapwa nang may kabutihang-loob at paggalang. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng higit na malalim na pagkalinga sa mga maysakit at mga matatanda sa pamamagitan ng banayad na paghaplos ng Espiritu Santo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, maging karapat-dapat nawa kami sa iyong pagtawag. Bigyan mo kami ng biyaya na maisabuhay ang iyong batas ng pag-ibig sa salita at gawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Photo:

Hunyo 3, 2026MIYERKULES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga...
31/05/2026

Hunyo 3, 2026
MIYERKULES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏 UNANG PAGBASA
2 Timoteo 1: 1-3, 6-12

Ang simula ng Ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Mula kay Pablo na niloob ng Diyos na maging apostol ni Kristo Hesus upang mangaral tungkol sa buhay na ipinangakong kakamtan natin kay Kristo Hesus.

Kay Timoteo na minamahal kong anak:

Sumaiyo nawa ang pagpapala, ang habag, at ang kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglingkuran ko nang tapat – tulad ng ginawa ng aking mga ninuno – tuwing aalalahanin kita sa aking mga panalangin araw-gabi. Dahil dito, ipinaaalaala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

Kaya’t huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang haggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Ako’y ginawang apostol at g**o upang ipahayag ang Mabuting Balitang ito, at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Gayunma’y hindi ko ikinahihiya ang nangyayaring ito sa akin, sapagkat lubos kong nakikilala ang aking pinananaligan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 123: 1-2a, 2bkd


ANG MATA KO'Y NAKATUON
SA 'YO LAMANG, PANGINOON.

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad ko’y aliping ang inaasahan
ay ang amo niya para matulungan.


ANG MATA KO'Y NAKATUON
SA 'YO LAMANG, PANGINOON.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, P**n, sa ami’y maawa.


ANG MATA KO'Y NAKATUON
SA 'YO LAMANG, PANGINOON.

🙏ALELUYA
Juan 11: 25a, 26

Aleluya! Aleluya!
Pagkabuhay ako’t buhay;
ako’y inyong panaligan
nang di mamatay kailanman.
Aleluya! Aleluya!

✝️MABUTING BALITA
Marcos 12: 18-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. “G**o,” anila “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila’y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?” Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao’y hindi na mag-aasawa; sila’y magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay – hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Napakamaluwalhati ng kapayapaan at pag-asa ng Muling Pagkabuhay! Malaya ang ating mga puso mula sa di-makatwirang pag-aalinlangan at pagdududa sapagkat naniniwala tayo sa pangako ng Iisang nabuhay na mag-uli sa walang hanggang kaluwalhatian. Manalangin tayo.


PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
DIYOS NG MGA BUHAY, PAKINGGAN MO KAMI.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay at ng buhay na darating. Manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, tayo nawa’y makapaghatid ng liwanag ng pag-asa sa mga nabubuhay sa kadiliman at kawalang ng pag-asa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano saanman nawa’y hindi maging mga taong legalismo at mga panlabas na tumutupad sa batas, kundi maging mga taong mayroong pusong ginagawa ang mga nararapat nilang gawin bilang mga anak ng Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y matagpuan ang mapagpagaling na presensya ni Kristo sa kanilang buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pananalangin para sa yumao, at para sa mga nagluluksa para sa kanilang paglisan, nawa’y magdulot sa kanila ng pag-asa at kasiyahan sa kanilang paghihinagpis ang Muling Pagkabuhay ni Kristo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob, Diyos ng mga buhay at bukal ng buhay at ang lahat ng pag-iral, pakinggan mo ang aming mga panalangin na itinataas namin sa iyo sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Photo:

Hunyo 2, 2026MARTES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir ✝...
31/05/2026

Hunyo 2, 2026
MARTES ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

🙏UNANG PAGBASA
2 Pedro 3: 12-15a, 17-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, samantalang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos, magsikap kayong mabuti upang madali ang pagdating ng Araw na iyon – araw ng pagkatupok ng kalangitan at pagkatunaw sa matinding init ng mga bagay na naroon. Ngunit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng mga bagong langit at ng bagong lupa na pinaghaharian ng katarungan.

Kaya nga, mga minamahal, samantalang kayo’y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan. Alalahanin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas.

Ngayong ito’y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang matuwid na patakaran. Sa gayun, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan. Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, magpatuloy kayo sa paglago sa kabutihan at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Sa kanya ang kapurihan, ngayon at magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

🙏SALMONG TUGUNAN
Salmo 90: 2, 3-4, 10, 14 at 16


P**N, AMIN KANG TAHANAN NOON,
NGAYON AT KAILANMAN.

Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang,
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.


P**N, AMIN KANG TAHANAN NOON,
NGAYON AT KAILANMAN.

Yaong taong nilikha mo’y bumalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisapmata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.


P**N, AMIN KANG TAHANAN NOON,
NGAYON AT KAILANMAN.

Buhay nami’y umaabot ng pitumpung taong singkad,
minsan nama’y umaabot na walumpu, kung malakas.
Yaong buong buhay nami’y sakbibi ng dusa’t hirap,
pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.


P**N, AMIN KANG TAHANAN NOON,
NGAYON AT KAILANMAN.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit.
Ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.


P**N, AMIN KANG TAHANAN NOON,
NGAYON AT KAILANMAN.

🙏ALELUYA
Efeso 1: 17-18

Aleluya! Aleluya!
D’yos Ama ni Hesukristo,
kami ay liwanagan mo
at tutugon kami sa ‘yo.
Aleluya! Aleluya!

✝️MABUTING BALITA
Marcos 12: 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, ilang Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Hesus upang siluin siya sa kanyang pananalita. Lumapit sila sa kanya at ang sabi, “G**o, nalalaman po naming kayo’y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga tao. Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?” Ngunit batid ni Hesus na sila’y nagkukunwari, kaya’t sinabi niya sa kanila, “Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko.” At kanilang binigyan siya. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” tanong ni Hesus. “Sa Cesar po,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.” At sila’y namangha sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN NG BAYAN

Nabubuhay ang mga Kristiyano sa dalawang dimensyon — mamamayan ng lungsod ng Diyos at mamamayan ng lungsod ng mundo. Manalangin tayo na maituon natin ang ating mga puso sa walang katapusang Kaharian na darating para sa pangangailangan ng mundong ito.


PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
o kaya
PANGINOON, HUMIMLAY NAWA ANG AMING MGA PUSO SA IYO.

Ang mga pinuno at miyembro ng Simbahan nawa’y maging makatotohanan sa kanilang tungkulin na maging mga propetang saksi laban sa mga di-makataong krimen at kawalang katarungan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y makatarungang gamitin ang mga bagay na para sa Cesar. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno at mamamayan ng komunidad nawa’y magkaroon ng kamulatang ukol sa kanilang tungkulin bilang mga taong dapat na magbayad ng buwis at mga taong dapat makilahok nang malinis sa pagboto sa eleksyon. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maunawaan na nagiging isang dakilang biyaya ang kanilang paghihirap, kapag iniugnay sa paghihirap ni Kristo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga tumawid na sa pinto ng kamatayan nawa’y makarating sa walang hanggang lungsod sa Langit. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng kasaysayan, inilalagay namin sa iyong pagkalinga ang aming mga kahilingan, nalalaman namin na ang lahat ng mga tao, panahon, at pangyayari ay napapaloob sa iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Photo:

Address

Tel Aviv
Tel Aviv

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Pagbasa SA MISA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share