22/12/2021
ANG PAGBATI NG MERRY CHRISTMAS AY HARAM AYON SA NAPAGKASUNDUAN NG MGA ULAMA (iskolar)!!!
DALEEL (BATAYAN)
1-Kung ating sisilipin ang talambuhay ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala) ay walang naiulat ni isang pagbati na kanyang ginawa sa mga hindi mananampalataya sa kanilang Selebrasyon,
Samantala ang Propeta ay nakapagtatag na ng Islamikong pamayananan bago pa siya pumanaw at nakasalamuha niya ang iba’t ibang uri ng relihiyon kabilang na ang mga Hudyo at mga Kristiano,
Kung ating pagbabasehan ang magandang pakikitungo sa mga hindi mananampalataya (Kristiyano o Hudyo) ay wala ng hihigit pa sa ating mahal na Propeta na siya nating huwaran sa lahat ng magagandang pakikitungo at pakikipagkapwa!
Pero ganun pa man, ay wala ni isang naiulat na pagbati na kanyang ginawa sa kanila sa panahon ng kanilang Selebrasyon, ito man ay sa panahon na ang Mahal na Propeta ay nasa Makkah o sa panahon na siya ay nasa Madinah!!
2-Iniulat ni Imam Ibnul Qayyim ang isang IJMA (napagkaisahan) ng lahat ng mga ULAMA (pantas) hinggil sa pagbabawal ng pagbati sa lahat ng PAGDIRIWANG ng mga hindi mananampalataya (kabilang na ang CHRISTMAS)
Wala ni isang Aleem (iskolar) na nagsabi mula sa panahon ng Propeta, panahon ng mga Sahaba, panahon ng mga Tabieen (sumunod na henerasyon pagkatapos ng mga Sahaba),
At wala ni isa sa mga kilalang mga apat na Mazhab (paaaralan) tulad nila:
IMAM ABU HANEEFA
IMAM MALIK BIN ANAS
IMAM ASH-SHAFIEE
IMAM AHMAD BIN HANBAL
AT MGA IMAM NG MGA HADITH
hanggang sa panahon ni IBNUL QAYYIM na mahigit 700 daang taon na ang nakakalipas sa pagpanaw ng Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala)
At wala rin naiulat mula sa kapanahunan niya (Ibnul Qayyim) na, ni isang pantas na nagbati sa Selebrasyon ng mga Hindi mananampalataya!!!
Alalahanin natin na ang pagdiriwang ng mga hindi Muslim (Christmas) ay kabilang sa kanilang relihiyon na salungat sa paniniwala sa TAWHEED (kaisahan ni Allah)!!
Ang pagbati sa kanilang pagdiriwang ay mas matindi kaysa pagbati sa umiinom ng alak, nangangalunya, gumagawa ng katampalasan o kumitikil ng buhay, ang lahat ng ito ay isang karumal-dumal at kabilang sa malalaking kasalanan.
PAANO NALANG ANG PAGBATI MO SA PAGDIRIWANG NA NAGLALAMAN NG KUFR (pagtatakwil) ?!!
Ang pagbati sa kanilang pagdiriwang ay isang uri ng pagsang-ayon sa kapanganakan ng kanilang panginoon na kung saan kanilang pinaratangan si Propeta EISA (Hesus) bilang panginoon o anak ng diyos o kabilang sa tatlong persona, WALYA AZOBILLAH!!
Sinabi ni Ibn Bazz:
“Hindi ipinahintulot ang pagbati sa pagdiriwang ng mga hindi mananampalataya ito man sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng telepono o sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat, Ang lahat ng ito ay isang Munkar (isang masamang gawain at hindi kanais-nais)
at hindi karampatan sa isang Muslim na ito ay kanyang gagawin siya man ay nasa bansang Islamiko o sa bansang hindi Islamiko”
✍️ Zulameen Sarento Puti