Jesus Our Banner

Jesus Our Banner John 8:32
And you shall know the truth and the truth will set you free…

08/06/2026

‼️𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐋𝐈𝐇𝐈𝐌 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐨𝐫..

Pag sinabi mong “mga lihim ng Pastor”, hindi ibig sabihin na may tinatago silang kasalanan lagi. Karamihan ng “lihim” nila ay yung bigat na dala-dala nila pero hindi nila masabi sa tao kasi sila yung inaasahang maging malakas.

Eto yung mga bagay na madalas lang nila sinasabi sa Diyos, sa asawa, o sa 1-2 close na kaibigan:

1. 𝗣𝗔𝗚𝗢𝗗 𝗮𝘁 𝗗𝗢𝗨𝗕𝗧 𝗻𝗮 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗚𝗘.

Maaaring umiyak sila sa kotse pag-uwi after Sunday service.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: “Lord, tama pa ba ginagawa ko? May naaabot ba talaga ako?”
Kahit “called” sila, tao pa rin sila. Yung Sunday smile nila minsan maskara lang sa ng burnout.

2. 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗢 𝗮𝘁 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗞𝗜𝗠𝗞𝗜𝗠.

Alam nila kung sino yung nagtsismis, yung umalis ng church nang hindi nagpaalam, yung nag-post ng pabalang sa FB.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: Pinipili nilang hindi gantihan. Hindi dahil hindi nasaktan, kundi dahil Rom 12:19 “Sa Akin ang paghihiganti”. Mas masakit yun kaysa sumagot.

3. 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗻𝗮 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗡𝗔𝗔𝗡

Hindi lahat ng pastor mayaman. Madami bi-vocational - nag-aaral pa ang anak, may utang, minsan delay ang support.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: Nahihiya silang magsabi sa church kasi baka isipin “materialistic naman si pastor”. Pero kailangan din nilang kumain at magbayad ng bills.

4. 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗻𝗴 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗻𝗶𝗹𝗮.

Yung anak na nagrebelde. Yung asawa na-burnout din sa expectations. Yung tatay/nanay nila na may sakit.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: Hindi nila pwede i-air sa church kasi “pastor’s family dapat example”. So kinikimkim nila habang nagpapayo pa rin sa

5. 𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗥𝗔𝗪-𝗔𝗥𝗔𝗪.

Hindi sila superhuman. May tukso rin sa pride, galit, lust, inggit sa ibang ministries.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: Araw-araw nilang dinadala yun sa krus. James 5:16 “Ipagtapat ninyo ang inyong mga kasalanan sa isa’t isa”. Kaya critical sa kanila yung 1-2 tao na pwede nilang pag-aminan.

6. 𝗠𝗴𝗮 𝗗𝗔𝗦𝗔𝗟 𝗻𝗮 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗽𝗮 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗢𝗧

Yung miyembro na pinag-pray nila ng ilang taon pero namatay pa rin. Yung mag-asawang kinounsel pero naghiwalay pa rin. Yung church na hindi lumago.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: “Lord, nasaan Ka? Bakit parang wala akong nagagawa?” May faith sila pero may tanong pa rin.

7. 𝗟𝗢𝗡𝗘𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝘀𝗮 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣

Hindi lahat ng tao sa church pwede maging kaibigan ng pastor. May boundary.
𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠: Wala silang makakwentuhan ng totoo. Pag nag-share ng weakness, baka gamitin laban sa kanila. Kaya madalas si Jesus lang talaga kausap nila.

---
Pero, eto ang pinakamahalagang “lihim”:
𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙏𝙖𝙤 - 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙨𝙞𝙡𝙖 𝙣𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙩𝙖𝙣. .
Kaya sila nagpapatuloy. Hindi dahil perpekto sila, kundi dahil sa 2 Cor 4:8-9 “Nababalisa kami sa lahat ng paraan, pero hindi nabibigo; nalilito, pero hindi nawawalan ng pag-asa; inuusig, pero hindi pinababayaan; ibinubuwal, pero hindi napapahamak.”

Kaya, kung may Pastor ka, huwag mo ng subukang “tuklasin” ang mga lihim niya para i-judge. Subukan mo na lang siyang bigyan ng safe space. Minsan ang tanong lang na “Pastor, kumusta puso mo ngayon?” ay sapat na para hindi na sila mag-isa.

- PBO of BMI

Address

HongKong
Hong Kong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Our Banner posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category