22/02/2026
Paglilinaw lang po. Patungkol sa Anabaptist ang pinanggalingan
ng Baptist churches.
Ang Anabaptist from the Greek word "ana" na ang meaning ay MULI at "baptizo" na nangangahulugang "binyagan" ay nagsimula noong 1521 sa ZWICKAU, SAXONY part of Germany, sa pamamagitan ng mga tinatawag na "PROPHET OF ZWICKAU" kabilang o kasama sila Nicholas Storch at isang Lutheran preacher na si Thomas Munzer. Sila ang unang umatake sa pagbibinyag ng mga bata (infant baptism), na isa sa mga sentral na paniniwala ng Simbahang Katoliko. Ito ay bahagi ng mas malawak na RADICAL REFORMATION, na nagsimula pagkatapos ng pag-aaral ni Martin Luther ngunit mas radikal sa pagtanggi sa mga institusyong simbahan at estado.
Mula rito kumalat ito sa Switzerland noong 1523-1525, kung saan mga kasama ni Hudrych Zwingli ang humiwalay at nagsimulang mangaral ng "rebaptism" (pagbabalik-binyag ng mga matatanda) at KOMUNISMO, Mga leader tulad nina John Denk at Belthasar Hubmaier ang naging sentral, at lumago ito sa mga lungsod tulad ng Augsburg, Nuremberg, at Strasburg. Ang pinakakontrobersyal na yugto ay noong 1533 - 1535 sa Munster, Westphalia, kung saan nagtatag ng "New Jerusalem" na may POLYGAMY, KOMUNISMO, at KARAHASAN, na humantong sa PAGBAGSAK NITO sa pamamagitan ng siege ng lokal na bishop.
- Noong 1524 - 1525 Sa Switzerland at Alemanya, ay nagkaroon na tinatawag na "Peasant War" na pinangunahan ng mga Anabaptist ang radical na pamamaraan nila na kahit sila Martin Luther at Zwingli ay mariin na kumalaban at tumutol. Sa pagkawala ng mga Anabaptist. Itinatag ni John Smyth ang Baptist Church noong 1609 sa Amsterdam siya ay isang English Separatist pastor
- 1612 Thomas Helwys Established the first Baptist church in London.
- Roger Williams first Baptist established in North America at Providence, Rhode Island in 1638.
- John Smyth at ang iba pa ay kinikilala bilang mga Founders of the Modern Baptist movement at sila ang kinikilala bilang mga Ama ng simbahang Baptist. At may bilang na mahigit limang (5) libo sa boung Mundo ang ibat ibang uri ng Baptist Church. Yan po ang katotohanan na walang Kaugnayan sa Unang Kristiyano, walang kaugnayan sa Tunay na Simbahang tatag ng aming Panginoong Hesukristo ang Simbahang Katoliko, walang Kaugnayan sa mga Apostol. At Kung walang ugnayan kay Hesukristo at sa mga apostol lalong lalo na walang ugnayan kay St. John the Baptist. Kaya ang Baptist Churches ay tatag ng tao, at kaylanman hindi Original Christian at hindi Genuine Christian yan ang tunay na Katotohanan na mahirap tanggapin ng ating mga Ka-usbong na Baptist churches.
God Bless us all...!!!
dp